1. Delete all your pictures together. Alam kong marami kayong pictures together kaya burahin mo na 'yan. O hintayin mong ako pa magdelete nyan? O ayan delete mo na. Mapa online or offline i-delete mo. Lahat ng pictures niyo sa instagram at facebook i-delete mo dahil alam kong titingnan mo nanaman 'yan tapos iiyak-iyak ka. Yung mga photos niyo at convo niyo idelete mo na sa gallery mo dahil pampa-lag lang yan ng cp mo. Delete them all and start capturing sceneries nalang or food mabubusog ka pa..
2. Ibalik mo sa kaniya ang mga gifts na binigay niya sayo. Yung teddy bear na binigay niya nung anniversary niyo ibalik mo. O kaya kung hindi mo pa kaya bugbugin mo ang tedd bear na binigay niya. Iprint mo ang mukha niya at ilagay sa mukha ng teddy bear. Yan nalang ang saktan mo at h'wag ka nang magbalak mag bigti diyan. Sayang buhay. Yung singsing na binigay niya ibato mo sa bintana niya dahil alam kong hindi mo naman yan maibibigay ng personal dahil baka makipagbalikan ka pa. Pag may time punta ako sainyo tapos sunugin natin yung iba pa. Olrayt?
3. Block mo sa lahat ng accounts na meron ka kahit sa celllphone. Dahil gusto mong maging updated sa bago niyang lovelife na hindi ka naman involve gusto mong i-stalk ang account niya No! No! No! iblock mo agad ng hindi ka magsisi sa pagtingin ng profile niya. Dahil ang alam kong gagawin mo ay aawayin ang bago niya. Ooops! H'wag yan. Habang nagmu-move on ka iwasan mo ang tingnan ang profile niya at baka makapagpatama ka pa tapos ma-stock ka nalang sa kaniya. Hindi siya sayang okay?
4. Keep yourself busy and focus on your career path. Dahil bata ka pa naman, mag-aral ka nalang ng mabuti. Hindi 'yang puro ka forever forever at lifetime lifetime ka diyan ha? Isipin mo nalang yung perang pinapambaon sa'yo ng magulang mo kaysa ipambili mo ng mga bulaklak na 'yan ikaen mo nalang 'yan. Tingnan mo haggard ka na ilang araw ka nang iyak ng iyak eh. Magpaka busy ka. For example paghiwalayin mo ang 3-in-1 para lang masabing busy ka. Dahil kapag busy ka hindi mo na yon maiisip kasi nga busy ka. At isipin mo nalang ang future mo. Yung future na wala siya ha? At isipin mo kung ikakaunlad ba yan ng sarili mo kung puro ka harot diyan. Mag-aral ka uyyy!
5. Enjoy life. At sa lahat mag-enjoy ka. You only live once ika nga. Kaysa umiyak ka diyan at magbigti mag-enjoy ka. Mag party ka! Mag travel kasama ng mga tunay mong kaibigan. At ienjoy at sulitin ang mga katangahan niyo ng mga kaibigan mo. Hindi siya ang mundo mo, may sarili kang mundo at ienjoy mo lang dahil hindi nabibili ang memories. Life should be enjoy, focus on the the things that makes you happy. Keep smiling!
Ps: Moving on is like falling in love, hindi dapat minamadali.