13 MEDYO SURVIVAL TIPS NGAYONG BAGYO
Maging updated sa balita ng PAG-ASA. Mas may pag-asa ka dito kesa sa crush mo. Kelangan mong maging ligtas. Marami ka pang lalandiin.
Kapag alam mong may bagyong paparating, gabi pa lang, hingin na agad ang baon.
Ipagpatuloy ang paggawa ng assignments habang wala pang announcement ng class suspension. Masakit umasa.
Wag ng magmaganda kapag oras ng kalamidad. Maghanda ng emergency kit at hindi Kikay Kit. Hindi kasama jan ang BB cream at pink mong blush-on. Ang sarap mong palakpakan sa magkabilang pisngi.
Be alert. Baka sa sobrang manhid mo nilipad na yung bubong niyo hindi mo pa alam.
Dalhin sa ligtas na lugar ang mahal sa buhay. Wag sa SOGO huy. May karapatan akong i-hug ka sa leeg kapag sinabi mong mas ligtas sila…’sa pUs0h m0h’.
I-charge ang cellphone na may load at emergency number. Tigilan muna ang pakikipaglandian at pagkaClash of Clan.
Wag gawing hair blower ang malakas na hangin. Kung walang importanteng lakad, manatili na lang sa bahay. Ang kalandian ay may tamang oras at panahon.
Alamin kung nasaan ang first aid kit. Hindi ka sasagipin ng tunay na pag-ibig.
Magbaon ng maraming tubig, pagkaing de-lata, cup noodles at tinapay para maiwasan ang matinding gutom. Coz that’s the thing kapag naging patay-gutom, may tendency kang tikman at kunin ang pagmamay-ari ng iba. #TwoWivesMode
Patayin ang main switch ng kuryente at siguraduhing nakasara ang tangke ng gas at mga gripo. Ibang ‘spark’ yung hinahanap mo. Dun ka magreklamo sa jowa mong nanlalamig na sa’yo.
Tumungo sa mga itinalagang evacuation centers kung kinakailangan. Dun niyo patunayan ng crush mo… na merong forever.
Kalma lang. Kagaya mo, baka broken-hearted lang din si Mother Earth kaya nagbibitter at umiiyak. Lahat naidadaan sa taimtim na prayers.










