Alam mo yung pinakanakakapagod sa lahat?
Yun ay ang walang sawang pag intindi. Pag intindi mo sa mga dahilang paulit-ulit lang naman. Mga dahilan na parang plaka na konting panahon nalang ay masisira na. Kung talagang nakakapagpaganda ang pagkolekta ng sorry siguro maganda na ako ngayon. Kaso hindi. This is not about something na makikita mo physically. This is something na talagang mararamdaman mo. Yung bawat sorry na tinatanggap mo, bawat “ayos lang” at “sige lang” kada sorry nya, yan yung bagay na nagsasalba ng kung ano mang meron sa inyong dalawa. Sana talaga automatic na pag di sincere at uulitin lang din naman, sana matic na di makakasalita yung bibig e no? Para it takes too much sincerity bago ka mapatawad. Pero wala. Yung tigas ng puso mo mawawala din yan. Unti unti din yang lalambot kasi may nagiisang dahilan para lumambot yan. PAGMAMAHAL. Oo, mahal mo kasi kaya ayos lang at tatanggapin mo padin. No more explanations about sa love na yan, alam mo na yan kasi naramdaman mo na yan for sure.
Kaya kahit lagi akong tinutulugan, di tinetext, at binabaliwala, ayos lang sakin. Kasi mahal ko sya. Minahal ko sya and I am willing to take every risk para sa relasyon namin as long as lumalaban din sya. Di pwedeng ako lang. Dapat pareho kami!













