BANTAY OCW Full Episode 14 July 2020
seen from Martinique

seen from Germany
seen from Indonesia
seen from Canada
seen from United States
seen from China

seen from Japan

seen from Türkiye
seen from T1
seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from Argentina
seen from Germany
seen from China

seen from Malaysia

seen from Sri Lanka

seen from Germany
seen from Martinique

seen from United States
BANTAY OCW Full Episode 14 July 2020
BANTAY OCW Full Episode 13 July 2020
BANTAY OCW Full Episode 16 July 2020
Pinoy Nurses - Tunay na Bayani
by Susan K.
PATULOY na nagbubukas ang mga oportunidad para sa mga Filipino nurses dito sa Pilipinas at sa abroad.
At bakit nga ba mas pinipili ng mga foreign employer na magtrabaho sa mga dayuhang hospital ang mga kababayan nating nurse?
Bukod kasi sa tinagurian silang may TLC o tender loving care, hindi talaga matatawaran ang tunay na malasakit ng mga Pinoy nurses sa kanilang mga pasyente. Ginagawa nila ang higit pa sa kanilang job description na hindi ginagawa ng ibang lahi.
Mahal kasi nila at inaaring kapamilya ang kanilang mga inaalagaan. Pinepersonal nila ika nga ang kanilang mga gawain. Itinuturing nilang mga magulang at kapatid ang mga pasyenteng ito anuman ang kanilang lahi.
At hindi lang iyan. Kapag naipit sa nagdidigmaang mga bansa at paglaganap ng mga malulubhang mga sakit at epidemya, mas pipiliin pa ng ating mga Pinoy nurses na manatili sa mga ospital na kanilang pinaglilingkuran sa halip na umuwi.
Hindi dahil sa pinangangakuan silang tataasan o dagdagan ang kanilang mga suweldo, bonus na lamang iyon! Kundi dahil sa kanilang personal na awang nararamdaman.
At dahil marami rin sa kanilang mga kasamahan sa ospital ang nagsipag-uwian na dahil na rin sa takot para sa kanilang sariling mga kaligtasan, pero ang mga Pinoy nurse naman, nananatili pa rin dahil alam nilang wala nang mag-aasikaso sa kanilang mga pasyente dahil kulang na rin ang kanilang medical personnel at mga doktor na dapat nilang inaasistihan.
Pero kahanga-hanga rin ang katuwiran ng mga nurses na piniling manatili sa bansa sa halip na mag-abroad. Kung lahat ay aalis ng bansa at magiging OFW, e di wala nang maiiwang nurse sa mga ospital sa Pilipinas. At totoo naman iyon!
Kaya anuman ang naging desisyon nila, magtrabaho sa abroad o nurse sa sariling bayan, ang mga Filipino nurses natin ang tunay na mga bayani.
Karapat-dapat lamang sila sa paghanga at paggalang ng kanilang mga kababayan at maging ng mga dayuhan man.
Unlimited day-off sa San Francisco
by Susan K.
SAN FRANCISCO, CALIFORNIA – Kung pahirapan sa Pilipinas na makahingi ng day off sa kanilang employer, o makapag paalam man lang kahit sabihin pang may lehitimong emergency ang dahilan, kabaliktaran naman pala dito sa San Francisco.
Walang limit ang day off para sa isang manggagawa rito. Kahit kailan, kahit ilang araw, pwedeng-pwede pala silang mag day off.
May isang Pinoy professional ang nagsabing dalawa o tatlong beses lang siyang pumapasok sa isang linggo. Madalas din siyang mag day off.
Pero pareho pa rin ‘anya ang natatanggap niyang suweldo, walang bawas pati na ang kanilang mga pribilehiyo. Bukod pa diyan, libre pa ang lunch sa kanilang opisina. Dati rati pa nga ‘anya, pati breakfast at dinner libre rin.
Ginagawa ito ng maraming mga tanggapan sa San Francisco upang manatili ang kanilang mga manggagawa.
Naririto sa San Francisco at dito rin nagsimula ang naglalakihan at kilalang mga app sa buong daigdig, tulad ng Twitter, Instagram, Pinterest, Uber, Airbnb, Zynga games, Adobe at iba pa.
Kaya tiyak na mataas din ang kanilang standard para sa kanilang mga manggagawa.
Gayong unlimited ang day off, hindi ito inaabuso rito. Nasisiguro pa rin nilang nagagawa at natatapos ang kanilang mga trabaho kahit puro sila day off.
Dahil kung aabusuhin nila ang pribilehiyong unlimited day off, at hindi nila natatapos ang kanilang mga trabaho, hindi rin mangingimi ang kanilang mga employer na sibakin sila. At kapag nangyari iyon, mahihirapan na silang makakuha ng panibagong trabaho.
Dahil hindi tumatanggap ang mga employer ng bagong manggagawa kung hindi ito makakakuha ng magandang sertipikasyon mula sa kanilang dating pinagtrabahuhan. At sigurado namang hindi siya mabibigyan ng magandang rekomendasyon dahil sinibak nga siya at inabuso ang mga pribilehiyong iyon sa dating opisina.
Lahat talaga ng pribilehiyo, may kaakibat na responsibilidad. Kaya naman makikita ang sense of commitment ng ating mga kababayan dito sa San Francisco.
Pinoy sa Amerika, nakakapamili ng state na nais nilang tirahan
by Susan K.
ATLANTA, GEORGIA — Madalas na tinatanong ng Bantay OCW kung pinipili nga ba ng ating mga kababayan kung saang state sa Amerika nais nilang magtrabaho at manirahan.
May mga taga New York na nagsabing mahal ang cost of living doon. At totoo naman dahil apat na states ang timaguriang mahal ang pamumuhay kasama na ang San Francisco, Los Angeles at Chicago.
Kaya naman kung nasa area lamang anya ng Brooklyn o Man hattan ang kanilang trabaho, mas okay na anya na mag ferry lang sila at sa Staten Island naman ang kanilang inuuwian.
May ilan naman na balikan mula New York at Pennsylvania, trabaho-bahay, araw araw ganyan naman ang ruta ng isang teacher doon. Ganyan din halos ang kuwento ng mga taga Texas. Kahit ibang lahi, dating mga taga New York at ngayon ay naninirahan na sa Texas. Ganoon din ang dahilan: murang pamumuhay.Katulad ni Rosalie Peace, pareho silang nagtatrabaho ng kanyang asawa sa California, ngunit nagdesisyon na ilipat na lamang sila ng kanilang kumpanya sa Texas. Parehong dahilan: hindi kamahalan ang mamuhay roon.Para naman sa mag-asawang Victor at Hannah, hinimok sila ng kaanak na sa Florida na lamang mamuhay gayong galing si Victor ng New Jersey ng mara-ming taon na.Sinubukan nilang magtungo ng Florida, nag-apply ng trabaho at pareho naman silang natanggap na mag-asawa.
Kaya ngayon, masaya silang namumuhay sa Florida, dahil walking distance lang ang kanilang tinitirhan sa kanilang mga trabaho.
Wala nang gastos sa kotse at gasolina, wala pa ‘anyang stress, dahil nakaka-relax naman talaga ang kapaligiran ng Florida.
Maraming puno, maraming beaches, maraming pasyalan. Nakaka relax nga naman.Ang pamilyang Antique naman, sina Engr. Abe at maybahay niyang nurse na si Diyah ay nanggaling sa Ohio at kasalukuyan nang naninirahan sa Florida.
Sa Ohio rin ipinanganak ang kanilang unica hija na si Tisha at isa na ring nurse tulad ng kaniyang mommy.Mga taga New York naman ang mga kapatid ni Diyah na sina Cindy at asawang si Doctor Joe at piniling manirahan na rin sa Florida, pati na ang kapatid nilang si Belinda. Relax nga naman ang buhay doon.Kung pupuwede nga lang naman at may pagkakataon na makalipat ng ibang state dito sa Amerika ang ating mga kababayan, nagagawa nilang mamili kung saan nila gusto.Yung mga dating galing sa masyadong abalang mga state at stressful na kalagayan sa pagtatrabaho, tiyak na pipiliin nilang manirahan ngayon sa mga tahimik, relaxing at hindi na masyadong mabilis ang buhay.
Matinding kalungkutan, paano mapaglalabanan?
by Susan K.
FLORIDA, USA – May mga kababayan tayong na sakabila ng magandang kabuhayan, at imbes na ituon ang buong atensiyon sa sarili at pamilya, hahanap ng paraaan para makatulong sa sa kapwa.
Mayroon pa ring wagas ang puso at kalooban na handang tumulong sa iba. Labing tatlong taon nang naninirahan dito sa Jacksonville, Florida si Maria Mylene McKaig, isang Certified Professional Life Coach, Inspirational at Motivational Speaker. Nakapangasawa siya ng isang American national. May trabaho si McKaig, isang maybahay at abala din sa pag-aasikaso sa kapatid na may sakit sa isang estado dito sa Amerika. Pero hindi ito nakahadlang kay McKaig upang makatulong hindi lamang sa kanyang mga kapwa Pinoy kundi maging sa ibang lahi din.
Kwento ni McKaig sa kanyang “Online Counseling”, nabanggit niyang “loneliness” ang number 1 na kalaban ng nangi-ngibang bayan. Masayahin ang mga Pinoy, at kapag nasa abroad naman, malakas ang mga samahan o asosasyon na nagbubuklod sa ating mga kababayan, ngunit hindi pa rin sapat ito kapag inaatake na ng matinding kalungkutan.
Sabi ni McKaig, hindi lang Pinoy ang nakadarama nito, kundi maging ibang lahi din. Damang dama nila ang pangungulila sa kanilang pag-iisa sa abroad. Ang problema pa nga, hindi nila inaamin sa iba ang nararamdaman. May ilan na hahanap ng ibang outlet para maibaling ang atensiyon sa ibang bagay, ngunit di pa rin ito matatakasan.
Panandalian lamang na makakalimutan ang kalungkutan, ngunit kapag nag-iisa na naroroon na naman ang kalungkutan.
Kadalasan pa nga, sabi ni McKaig, kapag tinatanong sila kung kumusta na ba ang kalagayan nila, palaging sagot nila ay Okay naman, wala namang problema, ayos lang sila. Hindi nila inaamin ang nararamdaman, kasi nga ayaw rin nilang mag-alala ang kanilang pamilya.
Kaya naman payo ni McKaig, para sa mga nangingibang bayan, huwag matakot na maglabas ng nararamdaman, maghanap ng makakausap, maging tapat sa mga kaanak sa pagsasabing hindi sila okay.
Dahil kung hahayaan nilang lumala ang sitwasyon, hahantong ito sa matinding depresyon at kadalasan nagreresulta sa pagkitil sa kanilang buhay. Para naman sa mga kamag-anak, bilin ni McKaig, maging mapagbantay sa inyong mga mahal sa buhay na OFW.
Maging alisto kung may napapansing pagbabago sa kaniya tulad ng pananahimik nito, hindi na masyadong masalita o kaya’y hindi na masayang kausap.
Naniniwala si McKaig na malaki ang magagawa ng pamilya at mga kaibigan na matulungan ang isang taong dumadaan sa matinding kalungkutan. Kailangan nila ang inyong suporta sa pamamagitan ng madalas na komunikasyon. Mahirap ang mag-isa sa abroad. Isipin palagi ang kalagayan nila.
Mahalagang magtakda ‘anya ng regular na schedule ng pakikipag-usap sa kanila, at dapat, parehong committed ang magkabilang panig, yaong nasa abroad at sa Pilipinas, dahil maaaring ito ang magligtas sa kanila sa isang tiyak na kapahamakan.
Kung nais ninyong makipag-ugnayan kay McKaig, magpadala ng mensahe sa pamamagitan ng messenger sa Maria Mylene McKaig o sa kaniyang website: www.mariamckaig.com
Ang pag-ibig ay hindi kailanman nabibigo!
by Susan K.
HOUSTON, TEXAS—Isang matagumpay na 2019 International Convention ng mga Jehovah’s Witnesses ang dinaluhan ng mga delegado mula sa ibat’t ibang panig ng mundo kasama na ang Pilipinas dito sa NRG Stadium noong July 12-14. Sa isang daigdig na puno ng galit, napapanahon ang temang “Love Never Fails,” kung saan tinalakay na puwedeng puwedeng matagpuan ang pag-ibig! Masayang makita ang mga delegado na iba’t ibang lahi, iba’t ibang kulay at bumibigkas ng iba’t ibang mga wika, bilang patunay na may umiiral na tunay na pag-ibig sa gitna nila. Maraming mga Pilipino na nakabase na rin sa Texas, pati na mga OFW dito ang dumalo sa naturang okasyon. Mainit ang pagtanggap ng mga Saksi ni Jehovah sa Houston mula pa sa airport hanggang sa paghahatid sa kanilang mga hotel. Sagana ang pagkain at nagsaayos ng mga tours para sa mga delegado.
Matututunan sa kumbensyong ito kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pag-ibig, saan ito matatagpuan, at kung paano ito maipapakita.
Sa araw ng Biyernes, tatalakayin kung paanong ang pag-ibig ay hindi kailanman nabibigo. Malalaman din kung paano pasisidhiin ang pag-ibig ng isa kahit pinalaki pa ito na walang pagmamahal, may nagtatagal na sakit, o dumaranas ng kahirapan.
Matututuhan din kung paano makikita sa kalikasan ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng isang serye ng maiikling documentary video. Sa araw ng Sabado, ipakikita ang mga simulain sa Bibliya na nakakatulong sa mga asawang lalaki, asawang babae, at mga anak na magpakita ng di-nabibigong pag-ibig para sa isa’t isa.Sa araw ng Linggo, matututuhan kung paanong ang pag-ibig ay nakakatulong sa milyon-milyong mga tao sa buong mundo para mapagtagumpayan ang pagtatangi at pagkapoot sa pamamagitan ng pahayag pangmadla na pinamagatang “Saan Matatagpuan ang Tunay na Pag-ibig sa Daigdig na Punô ng Galit?”Ang serye ng kombensiyon na ito ay ginaganap mula pa noong Mayo hanggang Agosto 2019.Sa Pilipinas, maaaring dumalo sa alinman sa mga sumusunod na lugar at pesta: Ynares Center, Antipolo City (July 19-21; 26-28), Camarines Norte Agro-Sports Center (July 19-21; 26-28), Assembly Hall of Jehovah’s Witnesses, Fairview, Q.C. (July 19-21; 26-28; August 2-4; 9-11; 16-18; 23-25), CLDH-EI Auditorium, Tarlac City (July 19-21; 26-28), Batangas City Sports Coliseum (August 2-4), Philippine Social Science Center Auditorium, Diliman, Q.C. (August 2-4; 9-11), Jesse M. Robredo Coliseum, Naga City (Aug. 2-4), Gilberto Teodoro Multi-purpose Center, Tarlac (August 9-11), Col Jesus R. Lapus Memorial Sports Complex, Tarlac (Aug. 16-18), Paco Arena Events and Sports Center, MM (Aug. 16-18), Cuneta Astrodome (Aug. 23-25). Para hanapin ang pinakamalapit na lokasyon sa iyo, bisitahin ang www.jw.org.