Acquired Stardust
taylor price
cherry valley forever

Kiana Khansmith
Lint Roller? I Barely Know Her
I'd rather be in outer space đ¸

No title available
Not today Justin

Kaledo Art
Claire Keane
AnasAbdin

No title available

shark vs the universe
No title available

izzy's playlists!
styofa doing anything

@theartofmadeline
YOU ARE THE REASON
he wasn't even looking at me and he found me

Love Begins

seen from Malaysia
seen from United States

seen from United States

seen from Malaysia
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Romania
seen from United Kingdom
seen from TĂźrkiye

seen from United States

seen from TĂźrkiye

seen from United States

seen from China
seen from Germany

seen from Malaysia
seen from United States
seen from Indonesia
seen from United States
seen from South Korea
@bantayocw
BANTAY OCW Full Episode 16 July 2020
BANTAY OCW Full Episode 15 July 2020
BANTAY OCW Full Episode 14 July 2020
BANTAY OCW Full Episode 13 July 2020
Work from home: Ligtas ang buhay
by Susan K.
UNANG lumabas ang mga katagang âwork from homeâ noong kasagsagan ng terorismo lalo na sa ilang bahagi ng Europa, mga ilang taon na ang nakararaan. Ginawa ito ng mga pamahalaan sa Europe para sa kaligtasan ng kanilang mga mamamayan.
Nitong nakaraang taon, isang ganap na ring batas sa Pilipinas ang pagsusulong ng pagtatrabaho sa mga tahanan. Ito naman ay upang maiwasan ang matinding problema sa trapiko at kakulangan ng mass transportation.
Pero sa pagtatapos ng taon, pumutok ang nakamamatay na coronavirus at ngayon ay tinatawag itong Covid-19 ng World Health Organization (WHO) na nagsimula sa Wuhan, China. At sa pagpasok ng 2020, lumaganap nga ang COVID-19 at idineklarang pandemic ng WHO.
Sino nga naman ang mag-aakala na ganoon kabilis ang magiging takbo ng mga pangyayari.
Halos huminto ang buhay ng tao. Ang dating normal, hindi na ngayon normal.
Binalot ng takot at panic ang tao. Literal na huminto ang mga biyahe. Kundi man nalimitahan, maraming mga bansa ang tuluyang nagkansela ng mga biyahe papasok at palabas ng kani-kanilang mga bansa.
Apektado ang pandaigdigang ekonomiya. Lockdown ang maraming mga bansa. At tiyak namang apektado ang lahat ng ating mga OFW sa ibaât ibang bahagi ng mundo. Kinatakutan nilang bumalik ng Pilipinas dahil sa maaaring pagkawala ng trabaho at pagkakakitaan.
Mayroong hindi rin humintong magtrabaho dahil sa polisiyang âno work, no payâ. Lalong hindi inasahan ng mga Pilipino na ilalagay sa ilalim ng âcommunity quarantineâ ang Metro Manila at isang araw pa lamang ang nakalilipas nang muling ianunsiyo ni Pangulong Duterte ng gawin itong Luzon-wide.
Upang manatili na lamang sa kanilang mga tahanan ang tao at masawata ang mabilis na pagkalat ng virus at panghahawa nito, kung kayaât ipinatutupad na ngayon ang kaayusang âwork from homeâ.
Maraming salamat sa makabagong teknolohiya. Dahil sa mabilis na internet connection, nagagawa na ng tao ngayon ang makapagtrabaho kahit saan man sila naroroon.
May mga OFW nga tayong nakiusap na rin sa kanilang mga employer na sa palagay naman nila ay puwedeng magtrabaho mula sa kanilang mga tahanan kung kayaât nais na rin nilang bumalik ng Pilipinas na kasama pa ang pamilya.
Talagang ito ang panahon na puwede nating samantalahin ang galing ng technology para sa mas kapakinabangan ng marami.
Hindi lang yun, sa panahon na hindi puwedeng lumabas ang tao, stay at home ang panuntunan, laking pasalamat na lamang nila na may Internet na, dahil hindi na âanya nakababagot ang manatili sa bahay bukod pa sa puwedeng- puwede pa pala silang kumita sa kabila ng pagharap sa matinding mga krisis. Na dati ay hindi puwede.
***
Pagpapalaki sa mga batang may takot sa Diyos, posible pa ba?
by Susan K.
KUNG isang malaking hamon para sa mga magulang ang pagdidisiplina at pagpapalaki sa kanilang mga anak upang maging mabuting mga mamamayan, paano naman kaya ito hinaharap ng mga magulang na OFWs lalo paât malayo sila at hindi nila kasama ang kanilang mga anak araw-araw?
Sabagay, malayang nagagawa na kasi ngayon ng maraming mga kabataan ang bawat naisin nila sa kabila ng mga disiplina at paghihigpit ng kanilang mga magulang.
Napakalaking impluwensiya ng modern technology lalo paât mulat na mulat ang mga bata ngayon sa paggamit ng makabagong mga gadget at aktibo pa sa ibaât ibang platform ng social media.
Sa katatapos na dedication program o pag-aalay ng pinakabago at pinakamalaking Kingdom Hall sa Pasig City (ito ang katawagan sa lugar ng pagsamba) ng mga Jehovahâs Witnesses, na dinaluhan nina Denton Hopkinson mula sa Watchtower Philippines, Pasig Representative Roman Romulo at mga lokal pang opisyal ng lungsod, sumentro sa pagsusulong ng kabutihang asal at pagsasanay sa mga anak ang naging tema ng mini-presscon na ginanap doon kasama ng ilang mga kinatawan ng media.
Si Rep. Romulo, chairperson ng komite ng basic education and culture sa Kamara, ang nagsulong ng GMRC bill o ang Good Manners and Right Conduct bill na parehong aprubado na pati sa Senado at pirma na lamang ng Pangulo ang hinihintay upang tuluyan na itong maging batas.
Ayon kay Romulo, kinikilala at pinapupurihan niya ang ginagawang pagbabahay-bahay ng mga Jehovahâs Witnesses hinggil sa pagtuturo nila ng kabutihang asal at kung paano magkaroon at mapanatili ang mataas na moralidad ng kanilang mga mamamayan.
Napakalaking tulong sa komunidad ang ginagawa ng mga JWs at itinuturing niyang katuwang sila sa pagsusulong at pagbabalik ng mabuting asal lalo na sa mga kabataan.
Binanggit din niya ang praktikal na tulong ng mga JWs sa panahon ng mga disaster, kung saan araw-araw silang nakakadalaw sa mga tao.
At napakalaking bagay iyon para sa mga opisyal ng pamahalaan na makatuwang nila. Kayaât napapanahon na umanong maisabatas ang GMRC bill na hinihintay na lamang ni Romulo at mga kasamahang mambabatas upang agad maipatupad ito.
Samantala, ayon naman kay Hopkinson, ang mga kingdom hall ng mga Jehovahâs Witnesses sa buong daigdig ay naitatayo sa pamamagitan ng boluntaryong tulong ng mga miyembro nito, walang ibang organisasyon na nagpopondo at nilalapitan nila upang maitayo ang kanilang lugar ng pagsamba at ang mga nakikibahagi naman sa construction ay mga volunteers at walang bayad na nagseserbisyo at nagbibigay ng kanilang panahon nang dahil sa kanilang pag-ibig sa kanilang mga kapwa kapatid at mga tao na maaaring maimbitahang dumalo sa kanilang mga pagpupulong.
Dumalo din sa naturang okasyon sina City Councilors Junjun Concepcion, Bing Avis at Rhichie Brown kasama si Chairman Rey de Jesus ng Barangay Caniogan. Ayon kay Nefee Castiyo ng Sakto News, may apat na pulong sa wikang Tagalog, isang Hiligaynon (Ilonggo) at isa naman sa wikang Iloko. Nasa Brgy. Maybunga naman ang para sa mga Cebuano. Libre ang mga sesyon at imbitado ang sinumang interesadong dumalo.
OFWs sa HK, Macau, takot munang magbakasyon sa PH
By Susan K.
BALITANG hindi na muna tutuloy umuwi ng bansa ang maraming mga OFW natin mula sa Hongkong at Macau kahit matagal nang naka-schedule iyon at pinayagan na naman sila ng kanilang mga amo.
May mga uuwi sana sa Pilipinas para sa kanilang maikling pagbabakasyon. Ang ilan naman ay nakatakdang dumalo sa mahalagang mga okasyon kapag sumasapit ang buwan ng Marso at Abril, ang graduation at recognition day ng kanilang mga anak at kapamilya. Ang ilan ay dadalo sa mga kasalan. Bakit nga ba ayaw na nilang umuwi muna ng bansa?
Takot kasi silang ma-quarantine nang mahigit pa sa 14 araw. At kung sakaling magpatupad na naman ng travel ban ang pamahalaan, nag-aalala sila na baka hindi na sila makabalik sa kanilang mga trabaho.
Dati-rati, ang pagbabakasyon ang pinananabikan ng mga OFW. At sino ba naman ang hindi? Pagkatapos ng dalawa o tatlong mga taon ng pagtatrabaho na hindi kasama ang pamilya, talaga namang iyon na ang pinakahihintay nilang sandali.
Pero iba na kasi ang kalagayan at panahon ngayon. Dahil sa mabilis na paglaganap ng COVID-19 na nagsimula sa Tsina, wala nang maaaring maipangako ang isang OFW. Hindi nila masisiguro sa kanilang mga employer na makababalik sila agad ayon sa kanilang napagkasunduan. Wala na ring kayang maipangakong kaligtasan ang kanilang mga employer kahit pa ang pamahalaan ng mga bansang kanilang pinagtatrabahuhan.
Ang mga katulad nitong sitwasyon ang hindi nila kontrolado. Malungkot man sa OFW at sa kapamilyang umaasa na uuwi ang minamahal nilang OFW, titiisin na lamang din nila iyon.
Napakahirap nga naman ang buhay OFW ! Maraming pagtitiis ang kinakailangan. Kaya sikapin sana ng bawat isa na pahalagahan ang pagsasakripisyong ito ng ating mga OFW. Magtipid, mag-ipon at palaging maging handa na anumang araw at oras, may hindi inaasahang pangyayari ang maaari nilang kaharapin.
Banta ng Coronavirus sa ating mga OFWs
by Susan K.
DATI kapag nais ng OFW na magtagal sa kanyang trabaho sa abroad, kailangang ipakita lang niya ang angking galing at talino, sipag at dedikasyon sa pagtatrabaho, at tiyak, malaki na ang lamang niya sa kapwa niya OFW. Pero hindi na puwede iyan ngayon!
Sa dami ng mga problemang kinakaharap ng ating mga OFW, sea-based at land-based workers, parehong hindi na nila kontrolado ang mga sitwasyon.
Tulad ng napakabilis na paglaganap ng pinakahuling coronavirus na nararanasan ngayon sa buong daigdig, kahit pa ang mga lider ng mga bansa, mga kilala at magagaling na siyentipiko at doktor, naghahabol sa mga posibleng solusyon sa naturang epidemya.
Hindi rin ligtas ang ating mga OFW. Sila rin mismo, infected na. At pati mga seafarers na naglalayag, buong barko nila ang inilagay sa quarantine upang maobserbahan ang lahat ng mga nakasakay doon.
Palibhasa kailangan pa rin nilang gawin ang kanilang mga trabaho kahit sabihin pang may mga kinakitaan na ng sintomas sa mga pasahero ng naturang cruise vessel, pinagsisilbihan nila ang mga ito, dinadalhan ng pagkain at kung ano pang mga pangangailangan nila, kung kayaât pati na rin ang ilan sa Pinoy crew, nakasama na sa mga minomonitor at ang iba ay tuluyan nang na-infect.
Maging ang mga land-based OFWs natin ay hindi rin ligtas. Hindi rin kasi maiwasan na magtungo sila sa matataong lugar tulad ng mga palengke at ilan pang mga lugar na kailangan nilang puntahan, kahit pa sa mga bansang laganap na ang naturang sakit.
Sabi nga ng isang OFW, nagigising silang natatakot at natutulog na takot na takot pa rin.
Bukod pa riyan, matindi rin ang dinaranas na problema ngayon ng mga OFW na hindi makakarating sa kanilang mga employer dahil naman sa mga ipinatutupad na travel ban.
Maging ang mga pasaherong sinasabing nag stop-over lamang sa ilan sa mga bansang ito, hindi na rin pinayagang makaalis muli pabalik sa kanilang mga trabaho sa abroad.
Ito ang mga bagay na hindi na nga kontrolado ng sinuman. Walang gamot na masasabing lunas sa coronavirus na ito at kasalukuyang pinag-aaralan pa lamang.
Sa ganitong sitwasyon, isang katalinuhan nga naman para sa ating mga OFW na dapat nilang isaisip na wala talagang permanente sa mundo. Walang permanenteng trabaho sa abroad, dahil may mga sitwasyon na biglang-bigla na lamang na bubulaga sa ating lahat, at tuluyang nabago na ang takbo ng buhay.
Pakatandaan nating palagi na ang dating normal kahapon, maaaring hindi na normal ngayon.
Pinoy Nurses - Tunay na Bayani
by Susan K.
PATULOY na nagbubukas ang mga oportunidad para sa mga Filipino nurses dito sa Pilipinas at sa abroad.
At bakit nga ba mas pinipili ng mga foreign employer na magtrabaho sa mga dayuhang hospital ang mga kababayan nating nurse?
Bukod kasi sa tinagurian silang may TLC o tender loving care, hindi talaga matatawaran ang tunay na malasakit ng mga Pinoy nurses sa kanilang mga pasyente. Ginagawa nila ang higit pa sa kanilang job description na hindi ginagawa ng ibang lahi.
Mahal kasi nila at inaaring kapamilya ang kanilang mga inaalagaan. Pinepersonal nila ika nga ang kanilang mga gawain. Itinuturing nilang mga magulang at kapatid ang mga pasyenteng ito anuman ang kanilang lahi.
At hindi lang iyan. Kapag naipit sa nagdidigmaang mga bansa at paglaganap ng mga malulubhang mga sakit at epidemya, mas pipiliin pa ng ating mga Pinoy nurses na manatili sa mga ospital na kanilang pinaglilingkuran sa halip na umuwi.
Hindi dahil sa pinangangakuan silang tataasan o dagdagan ang kanilang mga suweldo, bonus na lamang iyon! Kundi dahil sa kanilang personal na awang nararamdaman.
At dahil marami rin sa kanilang mga kasamahan sa ospital ang nagsipag-uwian na dahil na rin sa takot para sa kanilang sariling mga kaligtasan, pero ang mga Pinoy nurse naman, nananatili pa rin dahil alam nilang wala nang mag-aasikaso sa kanilang mga pasyente dahil kulang na rin ang kanilang medical personnel at mga doktor na dapat nilang inaasistihan.
Pero kahanga-hanga rin ang katuwiran ng mga nurses na piniling manatili sa bansa sa halip na mag-abroad. Kung lahat ay aalis ng bansa at magiging OFW, e di wala nang maiiwang nurse sa mga ospital sa Pilipinas. At totoo naman iyon!
Kaya anuman ang naging desisyon nila, magtrabaho sa abroad o nurse sa sariling bayan, ang mga Filipino nurses natin ang tunay na mga bayani.
Karapat-dapat lamang sila sa paghanga at paggalang ng kanilang mga kababayan at maging ng mga dayuhan man.
Pasimplehin na ang pamumuhay
by Susan K.
LALONG dumarami ang problema ng ating mga OFW. At lalo pa ngang lumalala ang mga situwasyon ngayon.
Nariyan ang samuât saring mga kaguluhan tulad ng napipintong digmaan ng mga bansa at ilan pang mga kalamidad tulad matitinding mga bagyo pati na winter storm, pagbaha at paglaganap ng matinding sakit na corona virus.
Total deployment ban ang ipinatutupad naman sa Kuwait. Gulong-gulo na rin ang ating mga OFW. Nag-aalala naman ang kanilang mga kapamilya kung ano ang mangyayari na sa kanila lalo paât inaasahan nila ang mga kinikita ng OFW sa abroad.
Sa ganitong mga kalagayan, tanging ang pagiging handa ng pusoât isipan ng bawat isa ang siyang kinakailangan. Maging handa ang OFW anuman ang mangyari sa bansang pinagtatrabahuhan. Handa rin ang mga kaanak anuman din ang mangyari sa kanilang kaanak na OFW.
Bahagi ng paghahanda ang pag-iipon ng pera na magagamit ng pamilya sa panahon na napauwi ng biglaan ang OFW.
Sabi nga ni Joyce Delovieres, segment host ng Pera Eskwela ng Bantay OCW, kinakailangang may nakatabing emergency fund ang OFW na katumbas na halaga ng anim (6) na buwan na sinasahod sa abroad.
Huwag gamit nang gamit ng credit cards. Hindi kailangang mabaon sa utang habang nasa ibayong dagat. Mas mahirap maghanap ng pambayad kung wala nang kinikita.
Ganun din ang mga kapamilya. Magtipid! Magtipid! Magtipid! Tigilan na ang mga walang kabuluhang paggastos.
Sa halip, ihanda ang inyong mga Go Bag dahil iyan na lamang ang tangi ninyong madadala sa panahon ng inyong paglikas na nagliligtas-buhay.
Parehong gagawin ito ng ating mga OFW at ng kanilang mga kapamilya. ***
Illegal recruiter dapat habulin ng Iraqi employers
 by Susan K.
PAHIRAPAN pala ang pagpapauwi ngayon sa ating mga kababayan mula sa Iraq.
Ayon mismo kay Special Envoy to the Middle East Roy Cimatu, humihingi nga ng 10,000 USD ang mga Iraqi employers ng mga Pinoy doon para payagang pauwiin ang mga ito.
Gayong matagal nang pinatutupad ang âtotal deployment banâ sa Iraq, marami pa rin ang nakalusot sa kanila at nagtatrabaho sa Iraq kahit wala naman silang mga legal na dokumento.
Sabi ng mga employers, reimbursement âanya iyon para sa mga nagastos nila sa pagkuha ng ating kabayan, na ibinayad naman nila sa mga illegal recruiters ng mga ito.
Hindi sila tinatagurian ng Bantay OCW bilang mga OFW dahil hindi sila dumaan sa legal na pamamaraan tulad ng pagpo-proseso ng kanilang mga dokumento mula sa POEA. Na hinding-hindi naman talaga nila magagawa dahil ipinagbabawal nga ang pagpapaalis ng Pinoy patungo ng Iraq.
Masakit mang banggitin, pero sila yaong mga âwilling victimsâ. Alam nilang hindi tama, at walang job order sa Iraq pero pumayag pa rin silang umalis dahil ang katotohanan, sabi nung isang misis na nasa Iraq ang asawa, âmalakiâ anya ang suweldo.
Sa unang batch na nakauwi, na may bilang lamang na 13 katao kasama na ang 2 menor de edad, na delay pa âanya ang mga ito dahil sinundan sila ng kanilang mga employers at dahil hindi pa kasi âanya nakakapag bayad ng kalahating milyong piso na katumbas na halaga sa ating pera. Kaya dinala pa sila sa detention center sa airport.
Nagpapasalamat naman si Cimatu sa Charge de Affaires ng Baghdad dahil hindi âanya nito iniwan ang ating mga kababayan hanggang sa malutas ang naturang usapin.
Ang tanong: Nasaan yaong mga illegal recruiters at kakutsaba nila sa airport na nagpa alis sa ating mga kababayan at kumita ng napakalaking halaga mula sa mga employers na ito?
Sila ang dapat na papanagutin sa usaping ito dahil sa kanila napunta ang malaking halagang iyon.
Isip-isipin niyo...sa panahon ng paglilikas na dapat ay apurahan na... Pera pa rin ang pinaguusapan?
A REMINDER FROM BANTAY OCW FOUNDATION
OFW sa Kuwait, handa nang mag-âfor goodâ; nagpasalamat pa sa ban ng gobyerno!
By Susan K.
MATAPOS ilabas ng pamahalaan ang âtotal deployment banâ para sa mga Household Service Workers (HSW) o domestic workers sa bansang Kuwait, sari-sari ang naging reaksyon ng ating mga kababayan.
May mga nagalit kasi nadamay kahit hindi nagsisipagtrabaho sa loob ng mga tahanan ng Kuwaiti employers.
Nakasama kasi sa ban maging ang mga semi-skilled, skilled at professional workers, wala nang bagong mga kontrata na ipoproseso. At papayagan lamang sa Balik-Manggagawa ang mga professional at skilled workers na makapag-renew, pero hindi na ang mga domestic workers.
Isang tawag ang natanggap ng Bantay OCW mula kay CA at may 10 taon nang nasa Kuwait.
Nabalitaan umano nila ang ban na ipinatutupad na ng pamahalaan para sa mga domestic workers na katulad niya.
Magtatapos ang kaniyang kontrata sa isang taon at napag-isipan na niyang handa na rin pala siyang huwag nang bumalik sa Kuwait.
Palibhasa ay hindi na rin siya makakabalik pa gustuhin pa man din niya, kaya ngayon pa lang, pinaghahandaan na niya iyon.
Isang solo parent si CA kung kayaât kinausap na niya ang kanyang anak na papauwi na siya at magsasama na silang dalawa.
Natuwa umano ang kaniyang anak at mula ngayon todo-tipid na sila para paghandaan ang pag uwi ng nanay.
Nasabi niya tuloy, mabuti at dahil sa ban ay uuwi na siya!
BANTAY OCW WITH SUSAN K
20 January 2020
COMPLAINANT MULA SA ISANG EVACUATION CENTER SA BATANGAS, NAIS IDEMANDA ANG KANYANG ASAWA NA NAGPAKASAL SA SINGAPORE
BANTAY OCW NEWS 20 JANUARY 2020
2 PINAY NA BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING, NAKAUWI NA SA ATING BANSA!
Panghahalay sa OFW, tulong pa ang mag-asawang employer
By Susan K.
HINDI na bago ang mga balitang pinagsamantalahan at inabuso ang ating mga Pinay OFW sa Gitnang Silangan.
Ngayon, hindi na lang basta pang-aabuso kundi pinapatay na nila ang ating mga kababaihan tulad sa bansang Kuwait. Dalawang pagpatay na ang napaulat na parehong ginawa ng kanilang mga employer. Iyan lamang ang napaulat, marami pang nawala na lamang o hindi na malaman ng pamilya kung nasaan na ang kanilang kaanak.
Nagsagawa ng sariling imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pinakahuling biktima ng pagpatay na si Jeanelyn Villavende, nang iuwi ang bangkay nito sa Pilipinas. Limang buwan pa lamang itong nagtatrabaho sa Kuwait.
Ayon sa autopsy report, ginahasa at binugbog pa ng employer si Jeanelyn, kung kayaât bumigay ang kanyang puso at baga dahil sa mga natamong injury sa vascular nervous system nito.
Kaya naman nakataas ngayon ang âpartial banâ ng deployment para sa mga HSW o household service worker sa Kuwait. Kung Bantay OCW ang tatanungin, ipatupad na sana ng pamahalaan ang âtotal banâ para sa ating mga Pinay OFW sa Kuwait.
Wala talagang kalaban-laban ang ating mga kababaihan na kasambahay. Nasa loob mismo sila ng tahanan ng mga among ang pagtingin o pagtrato sa kanila ay mga kaaway.
Hindi kayang baguhin ng batas, kasunduan o mabigat na kaparusahan ang pang-aabuso at dati nang masamang pag-uugali ng dayuhang employer. Hindi na natin kontralado iyon.
May reklamo pa nga kaming natanggap noon, mga sampung taon na ang nakalilipas nang isang OFW mula sa Middle East ang nagsumbong na pinagtulungan siyang halayin ng mag-asawang amo.
Si Madame umano ang humahawak sa kanyang mga kamay at pinagsususuntok siya nito, habang hinahalay naman siya ni Sir. Dati-rati, kapag may ganitong mga pang-aabuso, ni hindi napapanagot ang mga employer.
Sapat na kasi sa ating kabayan na basta makauwi na lamang ng Pilipinas at hindi na umano sila magsasampa ng demanda o anumang reklamo laban sa employer.
Naniniwala kasi silang hindi rin mananalo ang kanilang kaso doon. Katuwiran nila noon, sa Middle East ay kapag nagahasa ang isang babae, kasalanan niya iyon.
Dahil hindi umano siya magagahasa kung hindi siya nagpunta sa kanilang bansa.
Kapag naaksidente at namatay, kasalanan pa rin nila iyon dahil hindi sila maaaksidente kung hindi sila pumunta sa kanilang bansa.
Naniniwala ang Bantay OCW na napakarami nating mga kababayan ang pilit ibinabaon na lang sa limot ang masakit na karanasang dinanas sa abroad. Isang masamang panaginip na lamang umano ang lahat dahil ipinagpapasalamat pa rin nilang nakauwi sila ng buhay.
Kaya bakit pa nagpapatuloy ang pag-papaalis ng ating mga kababaihan sa mga delikadong bansa tulad ng Kuwait?
No to Kuwait para sa ating mga Pinay OFW.