#BARTHIA = life after TTC (based on a conversation with @heartPAMm .. )
ETO YUN EH! :))
Nagpakasal na sina Bart at Sophia, kaya lang naghirap na sila kasi nabankrupt ang The Toy Company for some reason. Pero kahit ano daw yung mangyari hindi nila susukuan yung isa't isa..
Kaya para makaiwas sa kahihiyan, (at siguro sa mga empleyadong humahabol sa kanila dahil nawalan ng trabaho) lumipat sila ng tirahan, nagtago sila. Napadpad sila sa bukid, dun sa siguradong walang nakakakilala sa kanila at nagpalit sila ng pangalan. Sina Daniel at Tina Reyes na sila ngayon. Pero syempre, pag sila sila lang hindi maiiwasan na Bart at Sophia yung tawagan nila..
Masaya naman sila dun sa bukid.. tahimik yung buhay nila, lagi silang magkasama, walang problema, kaya lang kailangan din nila ng hanapbuhay.. Si Sophia tumatanggap ng labada paminsan-minsan.. si Bart naman, sumali sa military, para na rin daw maibalik yung naapakan nyang dignidad simula nung nagumpisang bumagsak yung TTC.
Kaya madalas hindi sila magkasama at laging sabik sa isa't isa. Nagka-baby din sila. Si Bart excited pag nakakauwi. Kaya ayun.. sa hirap o ginhawa.. magkasama man o hindi. Happy sila. BARTHIA FOREVER!! :))













