Yung moment na..
Nagddrive ako, nasa slex na ko at sobrang traffic, ang lakas lakas pa ng ulan. Around 6pm ako nakarating sa apartment ko at pagbukas ko ng pinto may mga nakakalat na petals ng rose, sinundan ko yun hangang makarating ako sa taas at pagdating ko sa kwarto yung kama ko may petals din at naka shape ng heart at may naka lagay na I love you, 'hi honey' at paglingon ko nakita ko si JL na nasa may pinto at may hawak na isang bouquet ng flowers. lumapit sya sakin at kiniss ako sa noo, omg grabe! walang paglagyan yung kilig ko😍 Niyaya nya ko sa garden kasi may surprise pa daw sya skin tinakpan nya yung mata ko ng panyo. Pagdating namin sa garden tinanggal na nya yung takip sa mata ko at nasurprise talaga ako, yung feeling na para kong bida sa isang fairytale. May nakalatag na tela at merong life size na bear, at yung mga favorite kong pagkain andon lahat. cake, pizza, chocolates, fries at madami pa. After namin kumain he told me na humiga kami at manood ng stars, after that may fireworks at napatingin ako sakanya at sabi nya surprise! grabe yung pakiramdam ko, sobrang saya😍😍😍 At nung ikikiss na ko ni JL sa lips... Nagising ako bigla! BADTRIP! waaaaaa! oo panaginip lang to at si JL ay si John Lloyd Cruz! bwahahahahaha. Andon na eh! malapit na eh! tsss -.- Fangirling at its finest!😂😂😂












