Kung ipopost ko kasi to sa Facebook, baka di magkasya yung dami ng sasabihin ko sa description box :))) In fairness ah, at least alam ng 1000+ kong followers kung gaano kayo kaimportante sa akin XD (although most of them don't understand Filipino XD)
So ayun...Hanggang ngayon, habang tinatype ko to, di pa rin ako makapaniwala na GAGRADUATE NA TAYO!!! Alam niyo yun? Kasi parang kahapon lang first years tayo.
Sa wansii na una kong pamilya, grabe, siguro kung gagawin ko, kaya ko pa ring isulat yung mga pangalan natin in order :) Haha siguro di niyo na naalala pero ako kasi yung class monitor LOL Maraming salamat kasi yung mga friends ko from then on ay hanggang ngayon friends ko pa rin. Yung tipong pag naghi ako hindi awkward XDD
Sa toobee/tubii/banaliztaz, BEST YEAR EVER ANYONE!? Nandito lahat eh, PDR, AFAO, JCAP (with Friends :)))), at kung sinu sino pa na hanggang ngayon ay BEST FRIENDS PA DIN!!! (aminin~!) Pero seryoso ako, ang saya lang ng class na ito para sa akin. Namimiss ko na yung malinis nating sahig na laging kinocomment-an ni Ms. Robles :))) Namimiss ko na ring maging adviser si Sir Rosales kasi iba pa rin yung adviser natin siya at teacher na lang.
Sa trieii, NEVER KONG INEXPECT na magiging part ako ng class na ito :))) Super MILAGRO talaga ang nangyari eh XD Pero THANK YOU sa inyo kasi kahit na hindi niyo pa ako nagiging kaclose EVER ay nakuha niyo akong tanggapin sa inyong group :) Sa year na to MARAMING nangyari eh :)))) Sobrang daming painful memories pero marami rin namang maganda :) Pero dito talaga nangyari ang most wonderful and painful memory ko (sa akin na lang yun :P) pero ayun, kung hindi ako napunta rito, hindi sana mangyayari iyon, kaya you know? It's meant to be lang for me :))))
Sa 4BEST, parang 2B lang talaga eto eh na may mga bagong part of the family and I'm happy to say na kung hindi ako nag 4B baka di ko na naenjoy ang last year ko sa ParSci. GRABE! Ang daming memories na ang sarap balik-balikan sa year na to. Yung mga bonding natin na kahit grupo grupo tayo, nagkakaisa pa rin. Mga jamming sessions na LAHAT nakikikanta (lalo na pag 1D ang kanta XD). Yung ating mga bangag moments na natutulog tayo or nagbabasa or whatever! Lalo na kapag walang teacher XD Grabe MAMIMISS KO TOH (credits to: Pao)
Sa TS and Friends <3, "this friendship we have built it will forever stay for real" (tama ba Jhoanne? :)))) Kayo talaga ang mga taong nagpapasaya ng bawat araw na nilikha ng Diyos sa buhay ko eh. Pramis ko no matter WHAT! Mapaibang bansa man kayo, hahabulin ko kayo at sisiguraduhin na hanggang sa mamatay ako na magiging BEST FRIENDS tayong lahat :)
Sa TAONG MAHAL KO, (shemai ang drama) wala lang, sinama kita kasi alam kong di mo to babasahin eh HAHAHA Ayun, sana LAST ka na muna after High School. :))) God bless sa future mo although alam ko namang SUPER BRIGHT nito :))) Never forget na nung HS ka minahal kita XDDDDD ayun if ever wala kang makausap at kailangan mo ng kaibigan uso magtext at magPM sa Facebook XD Ayun GOODBYE :)
So mapapansin niyo di ako naggoodbye (ui magbabacktrack sila XD) kasi di ako naniniwala sa goodbyes. I believe that when goodbyes are said, it is meant to be forever, yung tipong pagnag goodbye ka sa akin kasi ayaw mo na akong makita for the rest of your life or vice versa XD So ayun, WALANG GOODBYE sa atin! Kasi alam ko 10 years from now, kayo pa rin ay mga kaibigan ko na although we've drifted apart, malalapitan pa rin natin ang isa't isa. Uso naman magreunion eh kaya PLEASE NO GOODBYES :c
Ayokong maggoodbye sa inyo kasi MAHAL NA MAHAL KO KAYO. Oo LAHAT KAYO!!! All 110 (kasama si Jade :))) of you! Kahit na almost half of that di ko pa nakakausap o nagiging kaklase pero pramis you guys are all very special and dear to me. You've made four years of my life the most interesting, the most beautiful, the most unforgettable, (insert all the positive adjectives you guys can think of here) the best kayo, no matter what, kahit sabihin pa ng ibang tao na pangit yung batch natin, it doesn't matter kasi yung BOND na meron tayo maganda :)
God bless you guys sa college! Wag sana tayong mapariwara :) Uso pa rin magtext kaya yung mga tao diya na hindi pa nagpopost ng number nila sa XIX, USO RIN MAGCOMMENT! :)) Pwede ring magPM sa akin sa Facebook pagbored. :) Wag lang pagbusy ako XD Pagbiglaan akong nagPM sa inyo, alam na, bored ako :) Pero sana i-welcome niyo ako with open arms. :)
"The Lord makes firm the steps of the one who delights in him; though he may stumble, he will not fall, for the Lord upholds him with his hand."
Psalm 37:23-24
Word of advice lang yan :) Sooooo alam na :) Yun lang ^^
PS: so di ako umiyak habang tinatype to kaya wag kayong feeler :P Di ko nga sigurado kung iiyak ako sa grad. hindi ibig sabihin nun manhid ako ah! Ibig sabihin lang nun na hindi kasi ako makapaniwala na graduates na tayo, yung tipong iniisip ng heart, body, mind and soul ko na may pasok pa rin bukas :)))