Not squad goals, but definitely FRIENDSHIP GOALS!! #friendshipgoals #highschoolneverends #parsci

seen from Italy
seen from United States
seen from China

seen from Brazil

seen from Italy

seen from T1

seen from United States
seen from Germany
seen from China
seen from Germany

seen from T1

seen from Malaysia
seen from United States

seen from United States

seen from United States

seen from Italy
seen from Brazil

seen from United States

seen from Malaysia
seen from United States
Not squad goals, but definitely FRIENDSHIP GOALS!! #friendshipgoals #highschoolneverends #parsci
A Look at the Graduation Messages (Filipino Words Ahead!)
While arranging my dorm stuff for no random reason (aside from the fact that I'm taking a break from making, or cramming, my assignments), I stumbled upon a thin pink notebook. It contained messages for me for my graduation, where most came from the batch that followed mine (read: ParSci's Batch 22).
So I decided to make random commentaries, beginning from those who had become fellow Lasallians. Let me see what I have done, what I still have to do, what I am doing right now, and what I cannot do anymore. And yep. Inappropriate words ahead.
Let's begin.
"GRABE. ang galing mo promise, Vaugirard scholarhip [sic]. PROMISE. PANIS sayo lahat ng estudyante sa La Salle."
- Carielle
Considering that Carielle is now a St. La Salle Scholar in the DLSU, it must be realized that being a scholar is not really that much of a buzz, unless your classmates frequently ask for your help in doing some difficult problem. The equality: scholar = intellight (at least that's what the stereotypes say).
"Basta, kahit saan ka man nandun, BEST IN AP [Araling Panlipunan/Social Studies -- rcp] ka parin (at si REINI)."
- Carielle
No, really. I'm a math major now. Does it still mean that I still have my proficiency in History? Probably. I'm still able to throw random criticisms at my History prof (and failed me inevitably). Yep. I think so. I'm going to explain the Reini part at a later time.
PS: Please don't criticize me in my History failure. I've had enough bad omens in my life.
"Alam mo ba kahit na minsan super kulit mo, super landi mo, super ingay mo, super papansin mo, mamimiss ka pa rin namin KAHIT PAPANO."
- Star
Yep. I understand. I am always gate crashing into your room, often supporting your class throughout. I probably made that room my hideout, basically. I kept communicating with the locals there whenever I'm there (which was almost every recess and luch time), doing some random things: chatting, eating, even watching stuff.
"...Also, grabe ka ha, lakas maka skip [sic] ng classes. Nagugulat na lang kami na nasa classroom ka na namin."
- Mars
Well apparently, cutting classes has been my nature since second year, when I go sit in an AP class whenever my class has its teacher for the period absent. Nah, I really didn't care a lot, especially when it's Journalism.I find it insanely boring that I ofter go to random classrooms, teaching. YES. TEACHING.
"Punta ka sa graduation namin, ha!"
- Hillary
I actually made this promise to Azri and the entire III-A class before Hillary wrote this. And yep, I kept my promise, though insanely late. When I arrived, I heard Carielle speaking for her Valedictory Address. So yes, technically I did fulfill my promise, though less than expected (I still have classes that time).
"Wala ng [sic] pupunta sa room namin every recess and lunch."
- Hillary
Point explained earlier.
"Summa cum Laude ka dapat, ha."
- Hillary
Sorry. I already failed a course in my first year. And according to the DLSU Student Handbook, "Students with a failing grade for any academin or non-academic course...are disqualified from graduating with honors" (Section 6.4.4)
"It seems to me that you'll be leaving a L*****-sized hole in the humble confines of this lowly school."
"You have so much potential. Utilize it."
"Meet girls, fall in love, fuck a lot." - Amrie
This quote must be included in the first in a series of posts (because I realized that this will be insanely long if I compiled it in one post) because of its exquisite message and use of words. I've expected this sort of message from a lady such as Amrie whom I see as liberal.
I still don't understand why you hatin' on that Bardon kid (which I had not included in the quotations). Seriously. Because I find it necessary to go back to school for some reason (Field Study sessions, Form 137 request, etc.), but yeah, I really want to go back to ParSci often, looking on improvements and stuff.
And that third quote, damn! I never really saw that coming. Looking at what I have right now in college, I still have to do it even more. But I feel contented with my girlfriend for that matter, wishing that this will last forever.
Yep, I think that's all for the first part. There'll be more coming since I haven't exhausted all messages.
High School Confession 1: Classmate Naming
Before there was Angelica Sy's Gege, there was Cristina Sanchez' Insan.
Even before, I admit to deliberately introducing randomly unique names that differ from how people call a certain person. I don't even remember the reason why I do this, but I keep on doing this.
In my fourth year class, we have two classmates with the surname Sanchez, and another two bearing the name pronounced exactly as "Christina." And an element of both sets is, unfortunately, named Cristina Sanchez. This personally created some sort of confusion in naming. When I called even "Tina," two girls respond to me. The same happens when teachers say "Sanchez" on the first day of class.
I began to call one as Tina and the other by the entire name (her first name, at least; I actually forgot which name is assigned to which). At first I thought this is the solution to the naming problem. However, this led to nowhere as I still find myself confused with the naming scheme I devised.
Then, I made a decision to personally amend this dilemma: to keep calling the first "Tina" as is and think of a new name to call Tina S., as most of the class call her. The name "Tina S." still gave me some confusion, so I thought of a foolproof way to do this.
I initially thought of calling her by her second name Jhoanne, but I felt quite dissatisfied as it takes a bit more effort to say it.
And then there came an idea to combine her first and last names. This could actually bear some fruit, I thought. Then there comes the name TinSan. But instantly, I thought of dropping the initial letter to come up at Insan. This really seems a better name compared to Jhoanne.
I put my theory into action. Eventually, the naming scheme worked, and the name has remained the same ever since.
And there you have it.
Insan.
English Month is beginning to be a buzz in ParSci again!
I remember my first English Month in ParSci. Yun yung unang beses ginamit houses sa Harry Potter. Nung lumabas ‘yung houses, di ako Gryffindor. Slytherin talaga ako. Pero dahil gusto ko mapunta sa Gryffindor, gumawa ako ng paraan. ;) Ganon ako kalakas, este, kadesperada. Lol. May rason ako non kaya ko nagawa yun.
Looking back, it was funny how some of the people reacted. Bigla nalang kasi pinull-out yung nilabas na listahan at naglabas ng panibago. May mga nalipat ng house dahil sakin. Di naman ako nakonsensya nun kasi di ko naman alam na gagawin nila yun.
First year pa lang todo effort na ako para sa Gryffindor. Pupunta ako ng mga OM miski hanggang madaling araw abutin. Pinayagan ba ako? Oo naman. Kasi ka-house ko kapatid ko. hahaha. Nanalo Gryffindor nun. :>
Miski nung third year todo effort ako. This time kasama na ako sa performers. Proud ako kasi mahilig talaga ako sumayaw. At salamat sa Diyos, nanalo kami ULIT.
At nung nagfourth year ako, kabado kami kasi batch na namin maglilead. Powerhouse turing sa Gryffindor first year pa lang ako. Kasi magagaling mga higher years noon. Tsaka sikat yung mga nasa amin. Haha. Ngayong fourth year na ako, di kami papatalo. Kahit deep inside natatakot na kami ng isa kong bestfriend na kasama ko sa house dahil sa prefect namin at dahil mukhang di namin mapagisa yung lower years.
Syempre tinulungan namin prefect namin. Sobrang nakakastress. Bawat OM sasama mga fourth year para maging maayos lahat. Lalo na yung interpretative thing. ‘Yung main event. Ako si Bellatrix. Na-nominate akong Best Actress pero di ako nanalo. More on sayaw kasi kami. Choreographed by my bestfriend pero nandun ako para tulungan at suportahan siya. Nagsheshare din ako ng ideas ko.
Nung nanalo ulit yung Gryffindor, sobrang saya namin! Napaiyak pa ako non. Lol. Tapos may nagsabi sakin, bat daw ako umiiyak, ang OA ko daw eh nanalo naman kami. Di kasi niya alam lahat ng sakripisyo namin. Di naman kasi lahat nakikipagcooperate nun. Marami sa kanila iniisip mga makakapartner sa Yule Ball pero ako di ko na yun iniisip. Dahil na rin siguro di makakapunta yung pinapapunta ko non. May pagka goal-oriented ako nun. Kahit super determined ako, halos nawawalan na kami ng loob. Kaya napaiyak talaga ako nung di nawala yung streak ng Gryffindor as champion :’)
Ang sarap balikan nun. Nakakamiss. Kung may babalikan ako, isa yun sa mga gusto kong balikan. Ang sarap sa feeling na isa ka sa mga matinding nagtrabaho para mapanalo ang isang malaking grupo. Na kahit di kayo ganon karami nagtrabaho, dahil nagtulungan kayo, nakaya niyo. :’)
Nung kinamusta ko yung prefect ngayon, malungjot siya. Sabi niya, mahina na daw ang Gryffindor dahil wala na kami. Pero yun din naisip ko nung nawala yung batch a year ahead samin eh. Kaya dapat tatagan niya loob niya.
Nandito pa rin naman kami kung kailangan niya ng tulong eh. :)
Sana po, Lord, manalo ulit ang Gryffindor. Please?
Calculus
Siguro nga totoo yung sinasabi nila na kapag mahal mo yung nagtuturo eh, matututunan mo ding mahalin yung subject na 'yun. Unang linggo kasama ang calculus, lahat kami medyo maayos pa naman ang kalagayan ng utak. Hanggang sa dumating ang araw ng Exam. Halos tulugan na namin yung exam. Ilan ilan lang ang mga nakakapasa. Salamat nalang pasado din ako, pasang awa pala pero at least pasado diba? Hindi nagiging madali ang mga tests sa Calculus at halos lahat ay umaaasa sa 1point para sa effort sa isang test na 10 items na 50 points! Isipin mo, may score ka na 10/50 sa isang exam na wala ka naman talagang alam kung paano. Maging masaya ka nalang!
Siyempre, sa hayskul, hindi mawawala ang kopyahan. Huling pinagawa sa'min para sa clearance namin ay ang isang 150 item na homework! Hindi lang yun, dapat kumnpleto pa lahat ng solution. Eto ang mga halimbawa...
Kung alam niyo lang kung gaano kasarap tulugan yung Preliminary Exams at yung Final Exam niyan. Malay mo, pagkagising mo, may sagot na yung katabi mo. Konting lingon lang naman eh makakakuha ka na ng living inspiration eh. Hindi ko nga alam kung bakit ako yung kinokopyahan ng calculus nung mga katabi ko nung Second Quarter eh. Gusto siguro nila bumagsak. Ewan.
Basta, mahal ko ang Calculus. Kahit gaano pa siya kakumplikado. Pero siyempre, mas mahal ko yung sponsors ko ng sagot. Mamimiss ko 'to. Mali!! Miss ko na 'to. :(
Summer 2k12 : Down memory lane
May 2012, mga panahon na parang walang mali sa mga bagay na nakapaligid sa'kin. Lahat masaya, lahat tama. Acad1 days yun. Mga panahon na nag-aaral kami para sa mga College Entrance Exam. Hindi naman ako mapapasok dito kung hindi dahil sa mga kaibigan kong mga mastermind ng mga kung ano anong kalokohan.
Araw araw eh, mag-aantayan kami sa LRT station at bababa ng Quirino para pumunta sa STI Taft kung nasaan and site ng Acad1. Naging buhay na rin namin yun sa loob ng isang buwan.
Minsan nga'y hindi na nakikinig at palitra-litrato nalang. Katulad nito.
Minsan pa nga, aabutin pa kami ng dalawang oras para makasakay lang ng LRT kasi ayaw namin na hiwa-hiwalay kami.
At ang ending, kakain sa paborito naming carinderia, ang famous Green House ng mga ParScians.
Ang sarap lang alalahanin nung mga panahon na 'yun. Eto na kami ngayon, papasok na sa kolehiyo sa darating na hunyo. Nakakalungkot man isipin pero eto ang totoo eh. Mamimiss ko 'to.
"I'm here because you're here, because I'm here."
Naalala ko pa nung March 8, gabi noon, nasa Kampo Trexo kami kasama ang batchmates ko noong High School. Lahat kami eh kumakanta ng, "I'm here because you're here because I'm here because you're here. I'm here because you're here because I'm here because you're here." Habang umiikot ang dalawang bilog, nagpapalitan ng yakapan ang bawat isa. Ang iba'y nag-tatawanan, ang iba naman'y nag-iiyakan. Ito na ang tsansa na sabihin sakanila ang lahat ng nais mong imungkagi bago pa man matapos ang lahat. Dito mo maaaring sabihin ang lahat ng 'di mo masabi matapos ang ilang taong pagsasama.
Iba ang init na dulot ng yakap mula sa mga kaibigan mo. Mga kabigan na nagdaan, mga kaibigan na andiyan pa rin hanggang ngayon, at mga kaibigan na naging dahilan ng iyong pagkalungkot. Ngunit sa kabila ng lahat, iba pa rin ang yakap na galing sa mga totoong kaibigan. Habang naghahanapan ng mga pwede pang yakapin, nakita ko ang mga kaibigan na talaga namang bumuo ng mga araw ko. Mga kaibigan na naging dahilan para sipagin ako pumasok sa bawat araw. Nagkaharap kaming apat at hindi mga salita o kanta ang lumabas sa aming mga bibig kundi ang mga salitang "Salamat at Mahal ko kayo." Hindi na napigil ang mga luha namin at talaga namang bumuhos na.
Iba talaga 'pag ramdam na ramdam mo. Iba talaga 'pag sila.
Muling Pagkikita
Lahat naman ng tao e, nakaranas nang managinip. Maaaring panaginip na nakakatuwa, nakakatakot o nakakaiyak. Hindi naman 'yan maaaring pigilan. Sa totoo lang, masarap nga sa pakiramdam na naaalala mo yung panaginip mo pagkagising mo. Madalas kasi e, nalilimot ng tao kung ano ang kanilang naging panaginip.
Nasa Cavite ako, nasa bahay ng lola ko, madalas e, tumatambay kami sa labas. Naglalaro, nagliliwaliw, at bumabalik sa pagkabata. Hanggang sa may natanggap akong tawag mula sa isang kaibigan noong Hayskul. Dali dali ko namang sinagot ng walang pag-aalinlangan. Kahit na ilang taon na ang nakalipas, hindi pa rin nagbabago ang turingan namin sa isa't isa. Oo nga't may distansya at may mga iba't iba nang tinatahak na landas pero hindi pa rin nagbabago ang turingan sa isa't isa. Inaya ako ni Elein sa isang restawran. Kasama daw namin doon ang mga kaibigan namin noong hayskul. Isang taon nalang at magtatapos na kami ng kolehiyo pero hindi pa rin nagbabago ang turingan namin.
Habang naglalakbay ako patungo sa restawran na binaggit ni Elein, iniisip ko kung ano kaya ang mga bagay na posibleng mangyari sa muli namin pagkikita matapos ang ilang taon. Pagkarating ko sa restawran e, iba't ibang ngiti ang sumalubong sa'kin. Mga ngiting may bakas ng kasiyahan na dulot ng muli naming pagkikita. Umupo ako sa tabi ng Ex ko na si Hanz. Isa siya sa bumuo ng buhay Hayskul ko. Marami akong natutunan nung kami pa at marami din akong bagay na nais sabihin pero hindi ko na rin nasabi. Nasa harap ko si Abby at katabi niya si Jeremy, ang matalik na kaibigan ni Hanz. Sa kanan ko naman e, nandun si Elein na patuloy pa rin na ngumingiti dulot ni Adrian. Katabi ni Adrian ay si Tina na talaga namang hindi na nahiwalay kay Renzo. Nasa kabisera sila Thea at Edward na ngayo'y isa nang matalik na magkaibigan. Tumawag si Kat na nag-eensayo sa ibang bansa. Isang malaking job opportunity ang ibinigay sakanya na talaga namang ikinatuwa ng lahat. Padating na ang pagkain pero may tao pa kaming inaantay. Ang taong minamahal ng lahat, si Miguel. Sakto sa pagdating niya ay ang pagdating ng pagkain! Tadhana nga naman.
Nagsimula na ang halakhakan at kwentuhan. Masaya ang lahat at parang walang problema sa mga buhay. Matapos ang kainan e, nag-uwian na ang lahat pero sigurado naman na ang lahat ay may baon.
Ang ngiti ay dadalhin naming lahat hanggang sa patuloy naming paglalakbay! Hindi talaga mapapantayan ang sayang dinulot sa'yo ng hayskul.