Hindi ko na alam ang nangyayari sa pamilya ko. So, andito nga kami nila mama at papa sa US, tas yung pinsan, tiyahin ko at lola ko pa(nakahiga nalang siya at dahil sa katandaan eh inaalagaan nalang siya ng pinsan ko) nasa pilipinas, isang problema na naman eh yung tiyahin ko, kung anu-ano yung pinagsasabi niya tungkol sa pinsan kong nag-aalaga sa lola ko, kaya ngayon eh nag-vivideo call yung mama ko tas yung tiyahin ko, ngayon eh nag-aaway sila dahil kung anu-ano na yung nangyayari sa tiyahin ko. Nag-aaway away na nga lang kami dito, tas malalaman ko pang nag-aaway na naman sila sa pinas. Tangina. Di ko na alam ang nangyayari sa amin. Nakakapagod lang kasi, tas magdadalawang buwan na kong batugan ngayon, feeling ko eh sobrang useless ko, jusko po hindi ko na alam yung gagawin ko, sabi ko nga noon, kahit ako nalang kunin ni Lord wag na yung Lola ko.. maiiyak lang kasi ako kung sakaling nawala siya.









