Hindi naman ganun kalaki yung hinihingi ko eh. Gusto ko lang ng isang disenteng trabaho. Ganun ba kalaki yun? Jusko naman, bakit yung mga ibang kakilala ko puro pa-Europe europe lang, pa banjing banjing lang, samantalang ako, puro utang, pagbabayad ng mga cards, ang daya daya naman. Ako, oo, humihiling ako pero pinagtatrabahuan ko rin naman, umalis lang naman ako dun sa dati kong trabaho dahil sa pagod na ko sa pang-aapi nila dun, I mean, mabait naman yung boss ko, hindi lang niya kayang pagalitan yung mga iba,yung mga tamad dun, kaya ang ending eh, ako lahat mostly gumagawa ng trabaho, eh, di naman yata tama yun...