It has been twenty long months since I first saw her face, her rosy cheeks, her long eyelashes, and her sweet smile. It has been twenty long months when I started breastfeeding her.
Hailie’s been my pain reliever, stress reliever, my cuddle buddy, my bundle of joy since she came into my life. But it has been few weeks since it started to be painful... I’ve been asking myself what to do. What should I do? Should I give up or should I go on?
When I got pregnant, I joined different facebook groups that tackles on how to be the best mom. Hanggang sa dumating na ako sa puntong araw-araw, andun na ako sa mga groups na ‘yun para lang makakuha ng idea sa kung paano ako manganganak, kung paano ako iire, kung paano ako kakalma sa labor pains at kung paano ko successfully mapapadede ang anak ko. Dahil sabi ng karamihan, hindi raw lahat ng ina, may gatas ‘pag nakalabas ang baby. Which is oh-so-wrong. Lahat po tayo, merong gatas. Hindi lang tayo aware lalo na kung unang mga araw pa lang ni baby. Kasi colostrum pa lang ‘yun, malapot at konti lang - kasyang kasya lang sa tummy ni baby na maliit pa sa jolen.
I learned everything I need to learn - alone. Nagawa kong hindi siya patikimin ng kahit ano except breastmilk until 6 months old. Something I am really proud of. Pagdating niya ng 6 months old, fruits and veggies ang una kong ipinakain sa kanya dahil ayokong maging pihikan siya sa pagkain at ayokong kung anu-anong pagkain ang kinakain niya - and again, I succeeded. Kasi ngayon, paborito niya ang gulay (esp malunggay) at isda pati prutas. They tried to lure me on giving her formula milk para raw hindi laging sa akin nakadepende - kesyo konti na lang daw ang nutrients na nakukuha niya sakin dahil hindi naman na daw nag-engorge yung breasts ko di gaya dati (not knowing na hindi naman indicator ang pag engorge ng breasts sa dami ng supply; as long as may dumedede, may lalabas na gatas). They tried, but they failed. Wala siyang ibang ininom na gatas until 1 year old siya. Never siyang nakatikim ng kahit anong processed food at proud akong sabihin na hindi siya choosy sa pagkain. Hindi rin siya nag-vitamins pero hindi siya nagkakasakit except sa occasional na ubo at sipon. She’s strong... because of me. Because of my milk.
Some might think I am over-reacting dahil ganito ang nararamdaman ko ngayon. I am currently pregnant for 6 months. My mom is trying to introduce formula to her dahil kailangan na raw niyang i-wean. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Malakas kumain si Hailie. Ganado siya palagi at bukod sa breakfast, lunch at dinner, lagi siyang may meryenda. Pero sakin pa rin siya nadede. Kung ako lang, ayoko siyang i-wean. I want her to self-wean. I read a lot about tandem breastfeeding and I want both of them to breastfeed esp when I give birth to Ember. Pero parang di ko magagawa dahil sa mga taong nakapaligid sakin. I know, they just want the best for me... and ayaw lang nilang manghina ako kasi nga buntis ako pero sakin pa rin nadede si Hailie. I just don’t know what to do. I am torn in giving her formula milk and continuing to breastfeed her. Pakiramdam ko, mababawasan ang bonding time naming mag-ina ‘pag ganon. ‘Yung feeling na di na niya kelangan ang dede para lang makatulog. Na di na niya ko kailangang tawagan pag inaantok siya. Naiiyak ako naiisip ko pa lang.
Gusto pa siyang hiramin ng mga magulang ko at ng in-laws ko para daw pag nanganak ako, sanay na siyang hindi ako ang nakakatabi niya sa pagtulog. Pero iniisip ko pa lang, parang nadudurog na ko. I know, it may sound oa sa mga makakarinig o makakabasa pero yun ang nararamdaman ko. Hindi ako sanay na wala sa tabi ko si Hailie. Hindi ako sanay na hindi ako yung kailangan niyang makita bago siya matulog. Hindi ako sanay na di ako yung nagpapakain sa kanya o naghahanda ng pagkain niya. HIndi ako sanay na di ko siya nakikita at di ko siya nayayakap lalo na sa gabi. I think... I would go crazy without her. Sobrang nasanay ako sa presence niya dahil hindi naman kami nagkakahiwalay sa loob ng 20 months na to. ‘Pag umaalis ako, kasama ko siya lagi - kung hindi man, sobrang saglit lang kung maiwan ko siya. Natatakot akong dumating yung time na wala siya rito sa bahay at di ko siya naririnig.
I don’t know if I can let her sleep on her grannies even when I give birth to her little sibling. Kahit sobrang kulit na niya ngayon at madalas na siyang umiyak dahil hindi ko siya laging nakakarga, love na love ko pa rin siya at baby ko pa rin siya. Hindi ko kayang mawala siya sa paningin ko nang matagal. I don’t know if it’s just me but I want my children just around me esp when they’re little. Hindi ko lang siguro ugali yung iwan sa ibang kamag-anak or grandparents ang anak kaya ganon? O dahil yun yung mindset ko esp nung nagkaron ako ng pamilya? Ayokong may lumipas na araw na di ko sila kasama. Kasi di ko naman alam kung kelan ako mawawala. And I want to spend everyday with them.
I love Hailie. At ayokong mag-end yung bf journey namin ng ganito. Ayoko ring malayo siya sakin nang matagal. I don’t know if I can stand that. Feeling ko, dinedeprive ko siyang uminom ng milk ko sa tuwing sinasabi ng parents ko na i-wean ko na siya. Feeling ko, nababawasan ‘yung pagiging ina ko sa kanya dahil dun. Nalulungkot ako. Until now, di pa rin ako makapag-decide. Alam kong parang ang damot ko dahil ayoko siyang ipahiram, pero yun kasi yung nararamdaman ko bilang ina.