di naman talaga ako magaling o gaanong bihasa sa pagbibilyar, pero ang astig talaga pag nakakapasok ako ng bola. Ilang beses palang ako nakakapaglaro sa totohanang buhay. madalas kasi, basketball at computer games lang ang nilalaro ko. o kaya yung sa mini board, basta. yung laruang pang bata. Haha
Una kong laro sa totoong buhay ay sa bahay ng classmate ko nung 3rd year hs ako, yung tumambay kami sa bahay nila , masaya nga yun eh. kasi dapat uuwi na kami, eh naisipan lang magbilyar. Nung una puro sablay ang tira ko pero di kalaunan eh natuto din ako. Nang matuto na ko medyo marunang na, nakisali na rin ako sa pustahan kumbaga, Minsan nanalo pero kadalasang talo. Hehe.badtrip. pero ok lang. Nang nagtagal na adik na ko sa pagbibilyar at katulad din ng iba ay nagawa ko ring di pumasok o mag cutting classes tuwing hapon, masakit sakin na habang nagbibilyar ako nun eh naiisip ko ang mga magulang ko. Pano kasi ang mahal ng tuition fee, tapos yun yung ginagawa ko. Di rin nagtagal at nalaman din iyon ng mga magulang ko, dumating kasi yung grade ko at may 2 akong bagsak. Ayun pinagsabihan ako at pinalo rin pala ako ng aking tatay. Simula non tumigil nakong magbilyar at inatupag ko nalang ang aking pag-aaral ( sa computer games naman pala ako na adik loljk)