This #weather is for the #birds!! 🐥 #blizzard14 (at Bowling Green, OH)

seen from Singapore
seen from Malaysia
seen from China
seen from India

seen from Malaysia

seen from United Kingdom
seen from China

seen from Türkiye
seen from Türkiye
seen from China

seen from France
seen from Hong Kong SAR China
seen from Malaysia
seen from China

seen from United States
seen from China
seen from China
seen from United States
seen from United States
seen from United States
This #weather is for the #birds!! 🐥 #blizzard14 (at Bowling Green, OH)
Reports of big #snowflakes ❄️ and a cute #Frenchie 🐶 in #BowlingGreen! #frenchiesofinstagram #blizzard14 (at Bowling Green, OH)
1 Million Pencils
Bakit pencils lang ang idodonate niyo? Hindi ba pwedeng may katumbas na papel din yan? Kasi nakakapagtataka din na lapis lang ang ibibigay. Anong gagawin sa lapis na yun kung wala rin namang papel sa susulatan? Ampangit naman. Imagine ang isang bata, may lapis nga, pero wala namang papel. Nakakaawa rin naman yun. At kung ganyan din lang naman, sa Kapuso Foundation na lang ako magdodonate, may kasama pang papel yun at hindi lang tatlong lapis ang ibibigay ko.
Hindi ako pessimistic na tao, pero sa tingin ko hindi maaabot yung goal na isang milyong lapis ang maidonate. Sa tingin niyo ba yung 9,735 na miyembro ng Tumblr Pilipinas sasali? Baka nga kalahati lang eh. Based from my experience sa TP, andami kong nakitang posers, and fake accounts, and I think hindi pa sila natatanggal. Obviously konti lang talaga ang members ng TP. Konti lang ang makakasali sa event, baka less than a million lang ang malikom na lapis in one year. Remember, we Filipinos have Ningas Cogon attitude, meaning most of us only exert our efforts sa una lang, pero sa huli, kapag nakatamaran na natin ang isang bagay, napapabayaan na natin ang mga bagay na sa una sobrang effort ang binibigay natin.
Baka may mag-TA sa akin na, "Anong alam mo sa mga meet up na yan?", "Huwag kang makialam", o kung anu-ano pa. Yes, wala akong idea sa mga meet ups na yan. I'm a busy person, and even if I want to attend those meet ups, I just can't attend. I can't find time dahil sobrang occupied na ang oras ko. Pero dahil nababasa ko naman ang posts niyo, nagkakaroon ako ng idea at nakakabuo ako ng conclusion sa mga issues ngayon. And concerned ako for the other Tumblaristas, baka kasi mapunta sa wala ang one hundred pesos nila. Baka kasi hanapin nila yung outcome ng effort nila at baka ang maipakita niyo eh less than dun sa expectation nila. Pero BAKA lang naman. Baka mali yung iniisip ko na baka maging failure ang gagawin niyong proyekto.
This is not a hate post. I don't care kung may halong hatred ang ibang posts tungkol sa issue na to. I don't care kung may nagagalit kay Sy or what. I don't care kung inuungkat ang issue na hindi pa nagbabayad ng utang si Sy sa ibang Tumblarista dito. I have nothing against Sy or whatsoever, kaya wala akong sasabihing masama tungkol sa kanya. I'm not taking sides. Concerned Tumblr citizen lang ako kaya ginawa ko itong post. Opinion ko lang ito. I just can't help but to read posts regarding this issue :)
Well, good luck meet ups niyo :)
Matatapos na ang birthday ko pero ganito pa rin ako...
Gwapo at artistahin pa rin
Happy birthday Roberto Ebido Evangelista!
2nd time kong magcelebrate ng birthday dito sa Tumblr :)
Ay, 2nd year anniversary na pala ng blog ko! And 5th year anniversary na ni Blizzard14
Happy 2nd year anniversary sa akin! ♥♥♥
New Year's Resolution
(Pampalubag-loob sa aking sarili, sapagkat hindi ko nagawa ang Year End post ko)
Sabi kasi sa 24 Oras, kailangan daw realistic at hindi masyadong mabigat ang gagawing New Year's Resolution para at least, marami tayong matutupad na resolution natin.
Last year, gumawa ako ng New Year's Resolution. 100 din yun, at sampu lang ang natupad ko. Hahaha, gumawa ka ba naman kasi ng resolution na, "Tatawid ako sa tubig" o "Magiging politiko ako ngayong taon". Sabi din ng lola ko, gumawa naman daw ako ng makatotohanang New Year's Resolution, para daw mas maganda. Eh eto na nga, gagawin ko na.
At dahil magte-20 na ako sa February 10, 2012, 20 resolutions ang target ko. Makabuluhan din ang gagawin kong resolutions, at confident ako na at least 15 sa resolutions na yun ang magagawa ko.
"Di na ako masyadong magtatagal sa paggamit ng computer." - Kinuha na kasi ng Lola kong nagger ang laptop at di na kami pwedeng gumamit ng laptop ng matagalan. So wala akong choice kundi sumunod. Pagdidisiplina na rin sa aking sarili. Hahaha
"Isa't kalahating cup na lang ang kanin ko." - Mataba at mabigat na kasi ako, kaya kailangan ko ng bawasan ang kanin ko. Oo, KANIN lang. Hahahaha. Syempre joke lang yung kanin lang ang babawasan ko. Konti lang kakainin ko ngayong taon, para mawala ang bilbil ko
"Mag-eexercise na ako" - Para sa mas magandang katawan, mag-eexercise na rin ako. Sasali din ako sa fun run ngayong taon. Para at the end of 2012, wapo na, macho pa! Hahahaha
"Iba-budget ko ang baon ko" - Last year kasi, nagbabudget lang ako ng pera kapag aattend ako sa activities ng SCA. Pero ngayon, kahit walang activity sa org, di na ako masyadong gagastos, para magkaroon ako ng savings. Tulong na rin ito sa pagda-diet ko, kasi malaking part sa baon ko ang napupunta sa pagkain.
"LAGI na akong maglilinis ng kwarto ko" - Di kasi ako masyadong naglilinis ng kwarto. Magkaroon ka ba naman ng kwarto na maihahalintulad sa kwarto ni Harry Potter - bedroom na ginawang bodega na ginawang tulugan ulit. Kahit may skin allergy ako, ok lang, magawa ko lang ang resolution na ito.
"Hindi na ako magiging palasigaw" - ewan ko ba, hindi naman ako palasigaw. Sadyang malakas lang boses ko. Kaya kapag sumigaw ako, iisipin nila palasigaw na ako. Kaya di na ako sisigaw.
"Uuwi na ako ng maaga" - Umuuwi naman ako minsan sa oras, pero dadalasan ko na ang pag-uwi ko ng maaga, kahit panggabi ang schedule kapag TTh.
"Magpapaalam ako pag may pupuntahan ako" - Tulad ng pag-uwi ng maaga, lagi din naman akong nagpapaalam. Kaso, iba ang paalam na ginagawa ko, hindi ko sinasabi kung inuman ang pupuntahan ko o hindi. Iba ang sinasabi ko. Pero ngayon, tamang pagpapaalam na ang gagawin ko. Kapag inuman ang pupuntahan ko, sasabihin ko inuman talaga ang pupuntahan ko (teka, mukhang mahirap yun ah, pero di bale na lang hahaha)
"Di na ako magiging emo" - Ang 2011 ang pinaka-emosyonal na taon para sa akin. Siguro dahil yun sa problema ko. Pero ngayon, sisikapin kong maging masaya ang taon na ito, kahit BV ako ngayon.
"Iinom na ako ng vitamins" - Masasakitin kasi ako, lagi akong sinisipon at nilalagnat. Kaya iiniom na ako ng vitamins araw-araw.
"Magiging mabait akong kuya ngayon" - well, mabait naman talaga akong kuya, hindi lang siguro ramdam ng mga kapatid ko, kasi hindi naman ako showy sa kabaitan ko sa kanila.
"Mag-aaral ako sa Math" - oo, sa Math. Para makapasa ako this semester. Pati na rin sa ibang subject na rin.
"Tatapusin ko na ang nobela ko" - Naku, ang nobelang dalawang taong hindi pa tapos. Nakakainis kasi last year, nawala yung flash drive ko eh nandun yung lahat ng files ko pati na rin ang nobela kong di pa tapos. Pero ngayon tatapusin ko na :)
"Gagawin ko lahat ng assignments ko" - Minsan kasi di ako nakakapagpasa ng assignments sa sobrang procrastination o sa sobrang "busy" sa ibang bagay. Kaya nakakaligtaan ko ng gumawa ng assignments, lalo na sa Advanced Algebra na once in a week ang aming klase.
"Di ako magdedemand o hihiling ng mga bagay na hindi nila kayang ibigay" - tulad ng makipagbalikan ang mama ko sa daddy namin, o ang magkaroon ng bagay na mas mahal kesa sa aking edukasyon. Di naman ako boss ng lahat para magdemand eh. Simpleng hiling na lang ang hihilingin ko.
"Hindi lang fantasy-myth ang mga librong babasahin ko ngayon" - upang maging isang magaling na manunulat, kailangang hindi lang ang genre mo ang hilig mo, kailangang maging open ka sa lahat. Kaya hindi lang Harry Potter, Percy Jackson, Narnia, at Lord of the Rings ang babasahin ko ngayong taon.
"Gagawa ako ng mga desisyon na pangangatawanan ko" - gagawa na rin ako ng wise decisions sa buhay, para mas maging makabuluhan ang taong 2012 para sa akin.
"Mas magiging keen ako sa pagbigay ng advise sa mga kaibigan kong problemado." - minsan kasi, nakakapabitaw ako ng payo na hindi maganda, o mas nakakapapalala sa problema ng mga kaibigan ko. Ngayon, bago ako magbigay ng payo sisiguraduhin kong titignan ko ang dalawan sides.
"Magiging mas close ako kay God" - simula ng umalis kami sa Cavite, hindi na ako ganun ka-religious kesa nung dati. Di ko na nagaawa ang mga religous obligations ko bilang isang Muslim. Pero ngayon, gagawin ko na ang mga religious obligations ko.
"Mamahalin ko siya ng lubos" - ngayong sure na ako sa nararamdaman ko sa kanya, mas mamahalin ko siya, at siya ang magigging inspirasyon ko sa aking buhay. :)
Ayan! Ay may kulang pa pala. Ang aking Panata sa Bayan.
Susuportahan ko ang Pelikulang Pilipino.
Simula nung napanood ko angg Enteng ng Ina Mo, eto na ang aking panata ngayong taon. Susuportahan ko ang mga pelikula ng atin bansa kahit yung iba ay may hindi magandang komento galing sa manonood.
Sana maging maganda at masaya an 2012 para sa inyong lahat! Happy New Year! :)
January 14, 2012
Yan ang araw na ise-celebrate ko ang aking ikalawang taon bilang isang blogger. At apat na taon ko ng ginagamit ang aking pseudonym na blizzard14. Sa araw na yun, magbibigay din ako ng anniversary special ko. Hahahah maarte din ako blogger, kaya ko ito ginagawa. Minsan lang sa buhay ang anniversary diba? :)