Wala eh. ¯\_(ツ)_/¯
seen from China
seen from China
seen from United States
seen from China
seen from United States

seen from United States
seen from Argentina
seen from China

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from China
seen from United States
seen from China

seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from Maldives
seen from United States
Wala eh. ¯\_(ツ)_/¯
BLKD vs KRACK
FlipTop presents Bara Ko, Barako
17 December 2011 @ Naic, Cavite
ROUND 1
PANGET!
sa panget mong 'yan alam ko virgin ka parin
kahit kabitan kita ng SIDECAR, SINGLE ka parin [single motorcycle]
sa mga natuwa sa generic jokes kong 'yon, paumanhin sa masasabi kong anghang
ilan kayo sa mga dahilan kung ba't nakakalusot sa FlipTop ang mga tulad nitong mangmang
panahon na ng mga tulad kong kung dumura, bara'y halang
sa lakas ng PUNCHlines ko, 'pag tumama, tanggal bagang
kaya kawawa 'tong batak na hayop sa wack
kanyang flow, kalat -- LABABONG WASAK
lakas manghamon, ayan nalamon ng katha kong angat
ako'ng dumurog sa TECTONICS, ba't ako matatakot sa KRACK? [tectonic plates]
mga panalo, sarat | walang duda, sya'y tsumamba
nakanood lang ng patawang battle, nagpluma na't gumaya
aking bara, matalinghaga, para utak ay lumaya
ikaw, mababaw ka pa sa isang patak na LUHA NG BUWAYA [idiom]
ta's babattle, lango sa alak at cannabis sativa
para 'pag natalo, palusot; 'pag nanalo, partida
kawalan sa wisyo, dala ng bisyo -- damhin mo ang sting
ito'y rap match, 'di BEER-MATCH -- kain 'tong KRACK-LING [crackling]
kunsintidor lang ang crowd, basta't merong lasing, hyped
wasak na wasak magperform, dapat 'di 'to nainvite
kalat-kalat ang mga banat, ba't 'di mo gawing tight?
MINAKINILYA ko mga linya mo at 'di ko parin TYPE! [typewriter]
ROUND 2
eh ano kung nagsulat, ito ay modern fight
hindi ka nagsulat kasi ikaw ay no read, no write
at hindi daw ako taga-naic, hanggang paratang lang pala
pwes PAPATAYIN KITA SA SINDAK, bawat BAR, BARA [classic pinoy horror film]
sing-kitid ng PILAPIL ang isip, ngayon anong napapala mo
hahalik ka ngayon sa LUPA parang nguso ng ARARO
mga tulad mong NAGHAHASIK ng katangahang walang humpay
tinutulad ko sa BINHI, binabaon ko nang buhay
ako'y lahing MAGBUBUKID, katas anakpawis ang katayuan [farming references]
buong pilipinas ang sinasakop pero nasa puso ang kanayunan
ikaw, social climber, syudad sobrang dinadakila
gustong-gusto maging urban, favorite show nya maynila
stuck ka dito sa naic pero obsessed sa city life
gangster kasi sya... sa panaginip nya every night
pusher 'to ng COKE, hindi 'yung DRUGS, 'yung INUMIN [coccaine, coca-cola]
patago pang magdeliver akala mo titimbugin
naglalabas ng armas agad-agad 'pag napahamak
patagilid pa 'tong tumira, tirador naman ang hawak
24 ORAS magPATROL, naghahanap lang ng AKSYON [primetime news programs]
pati bata pinapatulan, alam mo ba 'yung REPUTASYON? [krack reference]
ilusyon mo ng thug life, sagad na sa buto mo
lahat ng matignan mong salamin, nagkaka-CRACK dahil ayaw mong magpakatotoo
ROUND 3
tinalo nga ako ni loonie at ni dello, at least napahanay ako sa mahuhusay
inggit ka lang kasi hindi mo sila makakapantay kahit mag-ensayo ka habambuhay
at nagchoke ako kay loonie
oo, nagCHOKE akong MAY PANININDIGAN parang GOMBURZA no'ng GINAROTE [history reference]
sa TRECE MARTIREZ, ikaw idadagdag kong pang-KATORSE [history, cavite reference]
naic! ito ba tal'ga ang gusto nyong representante ng talento?
salat sa pagkamalikhain, kung mag-rap, pakwento
kulang ang rhyme, panget ang flow, walang laman kung manlibak
kaya nga KRACK pangalan nyan bawat berso BITAK-BITAK
pantas na matatas, gan'to dapat ang ehemplo nyo
MGA LINYA ko PINAG-UUSAPAN parang KABLE NG TELEPONO
mangmang rin ang aaming dapat 'tong hangaan
NAGPAPATAWA at NAGKAKALAT, hindi naman 'to BULAGAAN
pero hindi ka rin pwede do'n, tanggihan man ang talent fee
dahil iuurong mo lang nasimulan nina MASTER KIKO't MICHAEL V[eat bulaga reference]
kaya nga sa fliptop, ikaw lang yata ang matatalino ang hater
at bakit hindi ka pa pumuputi kakadikit mo sa LASER? [lazer A]
kakasipsip mo, itim na gilagid at nguso mo
bugbugin ka sana ng mga magaling pang mag-rap sayo na kagrupo mo
at pagkatapos nito, babaliktad na ang CMD [cavite's most dangerous]
kay BLKD papanig pagka't ika'y DMC ['di emcee]
ako'y CAVITEñong maLAGO NA ang impluwensyang lirikal [cavite, laguna]
BATANG GAS ang laway, apoy ng dila'y kritikal [batangas]
mala-RIZAL at QUEZON ang pagmamahal sa wika [jose rizal, manuel quezon]
akin ang CALABARZON, wala nang makababawi pa!
PS: pinacheck namin kay BLKD 'to para sigurado :)
anong paborito nyong BLKD bars sa laban na 'to?
Round 1
To be the best, sabi nila, you need to beat the best. Kaya nga kinalaban ko... si Loonie.
Makinig kang mabuti. Wala kong balak kumalaban ng Mongol -- SHULI.
Ngayon tuturuan kita ng leksyon tutal ikaw ang nag-umpisa.
Gusto mo tutukan ng magka-tropa parang nung coup d' etat.
Pwes cool down nalang kita, pampatalas focus din.
Sa nag-aapoy kong galit, panggatong ka lang -- MOKUJIN.
Rhymes mo laging layered. Pero still, your rapping, lamer.
Binabagsak ka ng beer [BIR] na parang tax evader.
Kaya walang ligtas kahit bigkasin ay ga-tigdas sa daming prayer.
'Di mo maiiwasan ang mga linya ko parang piko sa graphing paper.
Oh, 'di ba? Hindi naman gano'n kahirap ang ginagawa ni Dello.
Konting jokes na may multis. Basic ang disenyo.
Tatak-BLKD ang mapapanganib na talatang teknikal.
Aking asulto laging may punto na parang decimal.
Aking bersikulo may simbolo, may lalim at bigat.
Walang paliguy-ligoy, straight to the point parang sibat.
At hasang-hasa ang talim, may lason pa't may sima.
Tanggalin mo gamit cheap mong rebuttals para lalo kang masira.
Round 2
Siya daw ay iba nang Dello? I simply cannot see.
Kung gusto ko ng nag-improve na Dello, papanoorin ko si Tipsy D.
At sa mga natuwa sa rebuttals nya, talasan pang magsuri.
Banat ko bombang nukleyar, ganti nya basang watusi.
Hindi porke't nagantihan, talo na 'yung unang um-attack.
Ba't ko iindahin 'yang pitik mo eh kanina ka pa nasapak. Kanina pa kita winasak.
Palibhasa basta "rebattle", agad kayong napapahanga.
Kahit simpleng simpleng sagot na pang-alitan lang ng bata.
At ikaw naman, sinasamantala mo'ng kiliti ng crowd.
Mas entertainer ka kesa artist. 'Wag ka masyadong proud.
Magparami pa ng fans, 'yan lang ang kanyang hiling.
Sobrang dami nya nang view, kaya nyang bumattle nang naka-piring.
Pero para ka lang namang kumanta ng naka-posas o nag-piano nang nakabusal.
May added challenge nga, wala namang katuturan!
Round 3
Istilo mong balik-sender, sagad sa kaladkad
Mga linya ko panghati ng neck, fret ng fender, tadtad
'Tong contender ko, tender ang bawat satsat
Mga linya ko panghabi ng neck, fret ng fender, tadtad
Nakita mo 'yun? Naulit.
Kasi 'yung utak ko makulit.
Marunong ka ngang mag-multis, talinghaga na may ga-sino.
Me diarrhea ka ng rhymes pero may constipation ng talino.
'Pag dating sa magagandang ideya, 'yang bumbilya mo pundido.
Mababaw ka pa sa tubig ng basong babaran mo ng pustiso.
May humor ka nga pero konti lang ang wit na nakabangko.
Kung may malupit ka mang linya, may basbas 'yun ng Santo.
Alam kong nagpapatulong ka sa ilang mga ka-grupo mo, if not all.
Pero pa'no lulusot ang Mongol kung ang balakid, Great Wall?
Hatak-fans ka lang kasi. Basta patok, syang istilo.
Ako, 'di baleng 'di sumikat basta't angat ang lirisismo.
Kaya basta’t barang BLKD, may deeper meaning ‘yan.
Tinataas ko ang standard parang nagkakabit ng ceiling fan.
Kaya ako ang mas magiting, manalo matalo sa'ting gyera.
Parang nahimasmasang direktor - binago ko ang eksena.
PS:
['yung mga naka-bold, wordplays. kung may 'di naka-gets, magtanong :) ]