hindi naman lahat ng mali sa isang relasyon sinisisi sa mga lalaki. hindi sila perpekto. walang taong perpekto. kung may nagawang mali yung isa, hindi tamang sisihin mo lahat kasi hindi naman sila pare-pareho. kahit na babae ako, alam ko ang nararamdaman nila. madami akong malalapit na kaibigan na lalaki at naiintindihan ko sila. hindi porket iniwan ka o pinagpalit ka, sisisihin mo na sya. isipin mo muna, sino bang may kasalanan? hindi kaya, kaya siya nakahanap ng iba dahil madami ka ng pagkukulang at hindi mo siya binibigyan ng pansin? lahat ng pangyayari, lahat ng desisyon may kanya kanyang dahilan. hindi yung napapagtripan lang. minsan, babae rin yung may kasalanan. pero hindi natin masisisi ang isa't isa sa lahat ng nangyayari satin. kahit sa saya man o heartbreak. lahat yan naka-tadhanang mangyari. naniniwala ako sa tadhana, destiny, kismet, serendipity o kung ano pang tawag dun. sabi nga nila "There's always a rainbow after the rain." kung nasaktan ka man ngayon, sa susunod yung sakit na yun mapapalitan ng ligaya sa puso mo. at yung pait ng nakaraan na yun ang magsisilbing aral sayo na huwag susuko at patuloy na lumaban sa hamon ng buhay...