Pa-fall. Sila yung mga taong pakikiligin ka, paiibigin ka, magbibigay ng motibo, ipaparamdam sayong espesyal ka, hahayaan kang mahulog sa kanila, pero wala pala silang balak na saluhin ka at basta ka na lang iiwan sa ere. Sila rin yung lagi mong kausap, katext, o kachat minsan nga, lumalabas pa kayo eh. Pero ang status niyo? Magkaibigan lang.
Friendly. Sila naman yung mga taong likas na palakaibigan at walang pinipiling tao na pakikisamahan. Kesho mabaho hininga mo, mataba ka, matakaw ka, o kahit may putok ka pa. Madalas nating nami-misinterpret ang kanilang pagiging friendly dahil tayo, bilang tao ay likas na mga assumeroât assumera. Aminin man natin o hindi. Kaya siguro madalas nating nami-misunderstood kasi masyado silang mabait kaya akala natin, may pagtingin rin sila kahit 0.0000001% pa yung chance. Siguro dahil na rin:
Ganun na lang siya mag-alala sayo. Dinaig pa nanay mo. Yun pala, pure concern lang. Dumi kasi ng isip eh. General cleaning din pag may time.
Sweet siya sayo. Yun pala, sadyang malambing lang siya at nature na niya yun.
Feeling mo special ka sa kanya. Te, feeling mo lang yun. Eh sa ganun siya tumrato at magpahalaga sa isang kaibigan eh. Akala mo, heart heart kaya yun, na hurt hurt ka sa huli.
Ramdam mong masaya siya kapag magkausap o magkasama kayong dalawa. Yun pala, sadyang nakakatuwa kang kasama o may sense of humor ka lang. O di kayaây yang mukha mo yung nakakatawa kaya ganun. Fren, tanggapin mo na lang. Alam kong masakit. Sadyang ganun talaga, wala tayong magagawa.
Lastly, hindi siya paasa, assumera/assumero ka lang talaga. Hindi rin siya pa-fall, madali ka lang talaga ma-fall at sadyang friendly lang siya kaso ikaw, na-inlove na.
âKaya naman may mga taong assuming kasi may mga taong pa-fall.â Yes, paasa people do exist. Yung mga taong lalandiin ka pero hindi ka naman kayang panindigan. Meron din namang taong paasa na mukha namang paa. So anong pinaglalaban mo koya, ati? Saan nakakabili ng kakapalan ng mukha? Ilang pages ba yan? At yung moment na gustong gusto mong paliguan sila ng Muriatic acid at kulang na lang ay ipakulam mo dahil sobra kang nasaktan. Pero sana naman diba? Huwag nating i-generalize. Huwag rin nating sabihing pa-fall ang isang tao lalo na kung simula pa lang, ikaw na yung nag-assume. Di porket madalas mong kausap o kachat and all nang wantusawa eh may gusto na sayo. Being assumera doesnât make you kilig, it makes you asa kaya sa huli, nganga.
Nasa sa atin din kung bakit tayo nasasaktan. Kung hindi mo binigyan ng ibang meaning yung mga ipinapakita niya sayo simula pa lang, edi sana hindi ka nag-assume. Edi sana, hindi ka na lang umasa, edi sana hindi ka na lang nasaktan sa huli. Bigyan daw ba ng meaning ang lahat? Dictionary much? Lemme give you an example:
Problemado ka. Kailangan mo ng kaibigan. Kailangan mo ng masasandalan. Kailangan mo ng karamay. Lalapit ka sa kanya. Hiihingi ka ng tulong. Ito namang si kaibigan mo, dahil pinahahalagahan ka niya at ayaw ka niyang nakikitang nasasaktan, ico-comfort ka. Tapos ano? Pag na-fall ka, sasabihin mong paasa siya. Pambihira.
Wala tayong maggawa kung ganun siya magtrato ng kaibigan niya. Yan kasi ang hirap satin eh, lakas natin maka-feeler. Konting pakita lang ng sweetness, aasa na agad-agad. Tapos kapag nasaktan, naheartbroken, sisisihin yung mga âpafallâ daw pero teka ah. Paano naman yung mga assuming? Sasabihan mo sila na âpaasaâ at âpa-fall.â Bakit? Sino ba kasing nagsabing umasa ka? Kundangan ka naman. I think weâre being unfair kung palagi na lang natin isisisi ang lahat sa iba kahit alam naman natin sa sarili natin na may pagkakamali rin tayo. I therefore conclude that you should never assume unless the feelings are personally stated.
At ang masasabi ko lang sa mga dakilang paasa, kung hindi mo mahal o hindi mo gusto ang isang tao, please lang, layuan mo na. Hindi yung pinapaasa mo pa siya sa mga bagay na wala namang pag-asa. Wag ganun. Uso ang karma, just so you know.