"Til-ti-la-ok tawag ng manok,
Kring! Kring! tunog ng relo sa sulok,
Pasikat na ang araw sa umaaga,
Tanong ko lang, babangon ka ba?"
Ako? Oo, babangon ako.., para sa sarili ko. Malamang naman kasi masakit sa likod kapag nakahiga lang. Kung kayang bumangon, bakit naman hindi hindi ba? Sa mas malalim na konsepto, bakit ka pa mananatili sa kinatatayuan mong sitwasyon kung alam mong nahihirapan ka na? Parang kapag ikaw ay nadadapa? Oo, masakit ngunit kailangan mo pa rin namang tumayo. Hahayaan mo na lang ba na mapag-iwanan ka ng panahon at tadhana kung gayong marami naman ang dumarating na pagkakataon?
Oo, para sa iba... Kasi ako ay ginigising nila kaya malamang at natural namang babangon ako... nabubuhay tayo hindi lamang para sa sarili natin ngunit para rin sa iba. Kung tatanungin ka, ikaw ba, Kaya mong mag-isa kapag iniwanan ka? Hindi hindi ba? Kailangan mo sila... at kailangan ka rin nila.