Mga panahong tulad nito ay nagpapaalala sa akin ng Makiling. Malamig. Mga panahong stressed ang lahat ng mga tao sa rehearsals, plates, performances at papers. Minsan, kami ng mga room mate ko, titigil lang sa paggawa at magtitinginan. Alam na naming pareho (minsan nga, apat pa) ang nasa isip namin: gutom kami. Nangyayari ito madalas kung sagana kami sa pagkain (mabait kami, hindi kami nangpa-power trip haha). Swerte ang timing, laging may Stick-O tuwing tag-gutom. Naiibsan ang gutom habang lumalalim ang usapan, lamalakas ang tawanan. Kalaunan, mga sampung Stick-O na lang ang matitira. Mas lalo kaming matatawa sa katakawan namin.
Alam ninyo, ang gusto ko lang naman iparating sa post na ito ay miss ko na ang kumain ng Stick-O. Oo, nagke-crave ako ng Stick-O. At, miss ko na ang Makiling.











