091413
imyouraphrodite:
Planado naman talaga na dapat pupunta kaming Calamba. Sabi ko 4pm kami magkita pero magpofour na nagbibilyar pa din! Sarap tuktukan ng tako! Nagalit talaga ako nun, sabi ko wag na kaming tumuloy at magbilyar na lang siya. Tapos sabi nya "Ayaw mo lang" then sabi ko "Osge maligo ka!" tapos around 5pm na kami nagkita. Gabi lungs -_- Then ayun sinimangutan ko lang siya sabi nya "Nakakatuwa yung muka mo pag nakasimangot ka" sagot ko "Tawa!" aba tumawa nga! Pilosopotasyo!! Inirapan ko lang siya hanggang sa makasakay kami ng bus tapos wala na tanggal ang galit ng ati mo isang kiss at hug lang, sabay sabi nyang "Galit ka na nyan?" Sabi ko "Hindi" tapos hinug nya ko at kiniss sa forehead. That feeling of being secured. Wala lang, ang sarap nyang amuyin. Hahaha! Love na love ko talaga ang amoy nya. Then nung nasa SM Calamba na kami nagpunta muna kami sa Cinema to buy tickets, nagexpect ako ng "Insidious 2" pero puro Indie Films! No choice, ang pinanuod namin ay "Bahay ng Lagim". Bago kami manuod naggrocery muna kami. Ikoooot dito, ikoooot doon. Di naman nakakapagod, masaya pa nga kase first time namin maggrocery. Hahaha at kami'y pabalik balik. After that kumain kami sa Slice N' Dice. At ang inorder namin parehas ay ang favorite naming Sisig! :D After that Laaakaaaaaaaad, Lakaaaaaad papuntang Bear Cuddler :D Tapos ayaw nyang bumili nung normal na teddy bear sabi nya "Madami ka ng ganyan, wag na yan". Ang binili ay yung teddy bear na nagiging unan! Kulay Yellow sya tapos almost three feet ata or two yung height nya. Yieee :"> Di hindi ko tuloy mailalagay yun sa side table kasi hindi na kasya kaya katabi na lang matulog :D Tapos almost 10:30 na kami umuwi. Hatid sa bahay syempre! :"> Di ko na kukwento lahat ng kadaldalan namin at sobrang haba na ituuu! Basta sobrang saya ko :)))











