Books are some of my personal reasons why I want to get a job na. One bad habit is that I list all the things that I'll buy or kung para kanino yung sweldo ko. It's like nagbibilang ng sisiw na hindi pa nangingitlog. But I really want to buy myself more books. Kung kailan kasi tumanda na ako, doon ako nahilig sa libro. Last week, nainis si mommy dahil dami ng libro na binili ko. Syempre, sumagot ako, "Buti nga po nagbabasa kaysa puro nood at internet lang." Hindi lang naman kasi puro romance ang binabasa ko.
Namili ako ng 5 libro this month at masaya ako doon. Ngayon, may 5 libro nanaman akong nailista. At lahat yun gusto ko as reward sa sarili ko after every hard work na gagawin ko.
Don't Sweat the Small Stuff... OMNIBUS by Richard Carlson
Nakabili na ako nito noon. Kaso noong nakita ni daddy and sinubukan nyang basahin, nagandahan so. So tinanong nya ako kung pwede nya raw dalhin sa KSA yun pagbalik nya and ok lang sa akin. Makakabili naman ulit ako nito ditto. Kaso may kaibigan akong namili rin ng ganito, kaso wala na silang mahanap sa bookstores. Nahirapan sya maghanap hanggang isang kabigan nya from Makati ang nakakita nito sa isang bookstore.
13 Little Blue Envelopes by Maureen Johnson
Sakto lang na nabasa ko sa dash ang isang Anon question for Camille. Sinearch ko sa internet and voila! Nagustuhan ko ang synopsis kaya go na! Sa website pala ng Fully Booked ako naghanap kasi may price list na sila doon.
Nagulat ako nang makita ko ito sa Top 10 picks ng Fully Booked. Gustung-gusto ko magkaroon nito noon pero hindi ko alam if available dito. Kaya iyan!
This is not a book by Keri Smith
Top 9 ang KCCO while top 10 naman ito. Nakaka-intriga ang title kaya tiningnan ko na. Natuwa ako ng bongga. Sya rin pala yung author ng Wreck this Journal. Which leads me to the next book.
Wreck this Journal by Keri Smith
Nakita ko lang ito and sa isang post ni Kisty. And nang makita ko yung kung anong meron sa journal nay un, natuwa na ako. Medyo mahal pero pagtatrabahuhan ko yan.
Pahabol! While looking for a photo for This is Not a Book, may nakita pa akong book sa website ni Keri Smith.
Finish this Book by Keri Smith
Another fun-filled book. I’m gonna enjoy my salary on books.
Sinuggest sa akin ng isang kaibigan na mag-Ebook. Pero sorry, kailangan ko talaga maamoy yung pages. And look at my page, right side. I pledge to read the printed word. Hindi ko rin kaya magbasa ng matagal sa harap ng laptop.
______________________________
Kahit isa lang sa anim na ito, masaya na ako kung may magreregalo sa akin sa birthday ko. Malapit na pala. April 16. Salamat :)