PBB TEENS 2012 Edition = Bad Example
nakita ko kasi yung post ni captainpaulo nito so, post rin ako :))
Naisip ko na rin 'tong mga 'to nung una.. Feeling ko rin grabe ngayon yung pbb teens eh. Hindi na sila magandang halimbawa. Alam mo yun? Actually, mga ka-age ko lang sila eh . . pero GRABE!
Oo sinabing MAGPAKATOTOO, grabehang pagkakatotoo naman 'yan. Alam naman nila sigurong napapanood sila ng buong mundo diba? Masyado na silang showy, wala na silang pakialam sa ibang tao, wala na silang "shyness" or hiya. Siguro nga bawat isa sa kanila may kani-kanilang pinagdaanan pero hindi 'yun sapat na dahilan para maging ganon sila.
13 years old pa lang, engaged na. (hindi ko alam kung totoo 'to ah? pero isama na rin natin)siguro may malalim ngang dahilan 'to, siguro tinatago lang niya pero alam nating meron. Ito, naiintindihan ko pa. Sino ba naman ang magpapakasal ng ganon kaaga ng walang malalim na dahilan di'ba?
Two timers. Grabe! alam mo namang meron ka ng girlfriend sa labas, lalandiin at liniligawan mo pa yung inosente. Badtrip di'ba? Hindi mo ba alam kung ano ang nararamdaman nung dalawang babae? kahit papano, nasasaktan 'yang mga 'yan noh! Can't you be more considerate?
PDA. ok ito na! (mainit ang dugo ko dito eh) Nung panahon nung mga magulang natin, sabi nila KAHIT DULO NG DALIRI NG BABAE HINDI MO PWEDENG HAWAKAN. Sabihin na nating OVER or EXAG. pero at least may respeto di'ba? Pwede namang maging pda kahit paminsan-minsan lang, ipinapakita at ipinagmamalaki mo lang naman sa lahat na merong something sa inyong dalawa, pero yung lagi-lagi tapos hindi naman kayo? Magisip pwede? Actually, para sa'kin ha? bumababa yung pagkatao mo. Tapos idagdag mo pa yung nawala lang yung ka-PDA mo, bigla na lang naming malalamang may karelasyon ka na. ~.~ GASH! 35 days pa lang silang nasa bahay tapos 10 days na daw sila. WOOH!
Easy-to-get. Maniwala man kayo o hindi, ALAM KO . . mas malaki ang respeto ng mga lalaki sa mga babaeng hindi madali. Yung hindi kung kani-kanino na lang o yung yun nga, yung mga easy-to-get. Actually these days, yung mga easy-to-get na babae yung palaging pinagtitripan ng mga lalaki. Karamihan, pinagpapasa-pasahan at pinagpupustahan na lang nila. Kaya magisip ka muna bago ka magpa-get.
Nakaka-stress! :))) Kung ganito ang nakikita nila sa henerasyon natin, ano na kayang mangyayari sa susunod na henerasyon? PERO HINDI KO NAMAN SINASABING LAHAT TAYO GANTO HA? (just to be clear) wahaha :3 Haynako! kapag maging ganto anak ko, ewan ko na lang! xD