-pwes, kung "OO" ramdam mo diba at dala mo hanggang kamatayan, mas masakit pa sa latay ng sinturon? ng tsinelas? ng hanger? ng nanay mo pag may nagawa kang mali or kasalanan. TAMA BA?
Na BULLY ka na ba ng classmate mo sa SCHOOL?
-pwes, kung "OO" masakit diba, para ka lang naman namatayan ng pagkatao mo.
OO, uso ang Bully sa SCHOOL, lalo na sa mga taong WALANG IMIK o WALANG LABAN.
-pero para sakin...PARA LANG NAMAN SA AKIN O OPINYON KO LANG NAMAN ("oo, hindi ako nalaban sa mga nanloloko sakin, OO sabi nila ee BULLY na ang ginagawa sakin, pero hindi ko parin ito tinatawag na bully, kasi natutuwa ako dahil napapasaya ko sila at mga kaibigan ko sila") masakit talaga lalo na kung sa harap ng maraming tao, OO hindi ko parin ito tinatawag na bully, ang masakit lang talaga ay ang NAKAKABABA NG PAGTINGIN SA SARILI, DESCRIMINATION AT ISAAAAANG MALAKING KAHIHIYAN.... hindi kasi ramdam ng mga nambubully ang nararamdaman ng nabubully, aba kahit naman sa pamilya ee nakakahiya parin no. IKAW KAYA PAKAININ NG MEJAS NA MARUMI NA MABAHO AT NAKAKADIRI, MAY VIDEO PA AT BALAK PANG IUPLOAD, ok na sana kung sa harap lang ng iisang tao, PERO HINDI EE, SA BUONG KLASE GINAWA. HINDI NAMAN SIGURO NAPASOK ANG ISANG NABUBULLY PARA LANG PAGTRIPAN DIBA. MAY PANGARAP YAN DAIG PA ANG PANGARAP MO ANG PANGARAP NG ISANG NABUBULLY, KAYA NIYANG IPAPATAY KA HINDI SA MASAMANG PARAAN NGUNIT GAMIT ANG PANININDIGAN NIYA.
ang hirap kaya nun, LALO NA KUNG NAIIWAN ANG AMOY NG KAHIHIYAN at NAKASUBO PARIN SAYO KABABAANG TAO MO. (feeling DOWN)
-diba, kung ako sa mga nabubully... sa isip ko lang naman, pero hindi ko magagawa.... ANG SARAP GAWIN SA KANILA ANG LAHAT NG GINAGAWA NIYA SAYO. diba.
MAY KAKILALA KASI AKONG GANYAN. NANGYARI LANG NAMAN ITO... DECEMBER 13, 2013 as in FRIDAY THE 13TH lang naman, sakit diba. kilala ko rin naman yung gumawa nun, pero hindi ko siya ipapaubaya kay karma dahil kaibigan ko parin naman siya at mahal ko rin naman yun no. Iniintindi ko lang din siya, baka kasi kulang lang siya sa atensyon ng kaibigan or ng pamilya niya? or pwede din namang nangangailangan lang niya ng saya sa buhay niya. may mga pinagdadaanan din siyang problema alam ko pero ang ibaling sa iba ang problema niya? mejo hindi ata tama. Ang ikinagugulo lang ng aking isipan ay BAKET NIYA GINAWA YUN SA OR BAKET NIYA GINAGAWA YUN SA MGA TAONG WALANG IMIK SA HARAP PA NG ISANG PROF AT NG MGA CLASSMATE MO.
BTW ang taong to nga pala ay ISA LANG NAMANG ENGINEERING STUDENT ng STI COLLEGE STA. ROSA.
Isang estudyante na masayahing tao na easy go lucky na estudyante.
-OO, tropa ko yun at habang ginagawa ko lang naman tong note na 'to ee tumutulo lang naman ang luha ko sa kalungkutan at sa kahihiyan at mula sa school hanggang jeep ay nakakahiya akong sumakay dahil sa luhang tumutulo at pag uwi sa bahay tatanungin kung baket maga mata, NAPUWING lang.
-OO, tanga ako, bobo at walang laban sa mga taong katulad niya, walang bibig or lakas ng loob na lumaban, pero KAHIT PAPANO NAMAN AY KONTING RESPETO.
-SORRY? oo pinapatawad naman kita at hindi naman ako galit sa nagawa mo, kaibigan parin naman kita ang masakit lang ee ANG PAGBABA NG PAGTINGIN KO, KAHIHIYAN AT RESPETO.
-OO, tanggap ko na naman lahat ng masakit na ginagawa niyo sA KANYA pero, kahit papano naman ee nasasaktan ako, tulad ng ibang normal na tao at katulad niyo rin.
ALAM NIYO NA.... oo mejo corny ako, pero masakit lang talaga sa kalooban. DIBA *insert name* (oo narecieve ko ang text mo na humihingi ng sorry, oo natanggap ko na, dun naman ata ako nababagay ee, sa mga taong trip niyo. wag ka ng mag alala pa, hindi naman ako galit ee, masama lang talaga ang loob ko). ehehehe
Gaano Kasakit Ang Mapahiya?