We all know that being a fangirl is like a job. Masaya pero mahirap din. Masaya kasi andami dami mong alam about sa idol mo. Nailalabas mo yung saloobin mo kapag nagbabash ang mga bashers ng idol mo. Sila din yung nagsisilbing inspiration mo to everything. Yun bang makita mo lang sila sa picture o sa billboard o kung saan man, nagiging masaya ka na. Sila yung stress reliever mo. Nawawala stress mo when you see them. Kapag nakikita o nababasa mong may naiinis or nang babash sa kanila, beastmode ka kagad. Poprotektahan mo yung idol mo. Gagawin mo lahat, ie-explain mo lahat dun sa bashers kung anong klaseng tao yung idol mo wag lang nilang ibash yung idol mo. Lahat gagawin mo ma-protektahan lang yung idol mo. Hanggang sa dumating sa point na MAHAL MO NA SIYA. Oo, mahal ko na yung idol ko. Hindi ko alam kung bakit o paano , pero mahal ko na yung idol ko. Kahit hindi ko siya nakakasama, nakikita, o nakakausap, minahal ko siya. Yung aasa ka na sana isang araw magustuhan ka din niya. Na isang araw sana ikaw nalang yung nagugustuhan niya. Na winiwish mo na sana hindi siya magka-girlfriend. Pero pag inisip mo yung reality, alam mong hindi pwedeng mangyari yung mga bagay na hinihiling mo. Kasi alam mong napaka imposible. Minsan nga naiisip ko na sumuko nalang pero naisip ko na ang dami ko ng nagawa, andami kong effors , andami kong napagdaanan sa pagiging fangirl kaya hindi ako pwedeng sumuko. Mahal ko yung idol ko. Kahit alam kong mahirap at masakit, ipagpapatuloy ko ito. 💕