TINAKDANG PANAHON
T’saomander
Tik-tak, tik-tak ang tunog na maririnig
Subalit bakit tila’y pabilis ng pabilis ang ingay na naririnig
Ito ba’y isang babala sa ating mga nakikinig?
Na walang ginawa kung hindi baliwalain
Sa paglipas ng araw, lalong bumibilis,
Takdang panahon tila’y palapit
Isang babala na walang pumansin
sa isang mundong malapit ng bawiin
Ayan na, ayan na! sigaw ng iilan
Ngunit tilay pinagtatawanan ng karamihan
Ang pagbabalik ng isang haring makapangyarihan
Kukunin ang iilan, sa mga taong pumansin
Sa tunog ng pagdating.
Huli na! huli na! sigaw ng karamihan
Kasabay sa paghinto sa tunog ng orasan
Tayo’y naiwan sa mundong makasalanan
Kasabay masusunog sa apoy ng kadiliman.










