Bubuhayin ko ang "Engineering Bestfriends".
Tutal ako ang unang sumira nun, ako rin ang magbabalik nun. Wait up, Phoebs. Future engineers.
I gave up too soon. Nung elementary kasi, kami ni Phoebs ang talagang tight ang friendship when it comes to “katinuan”. Sabi niya, mage-engineering kami pareho. She will take up Civil Engineering and ako naman ay Chemical Engineering. We are the best of buds until such time that I gave up that field and got attached to writing more.
So kanina, nalaglag na ‘yung istante namin sa kusina. No kidding. As in basag lahat ng laman niyang porcelains at nabasag ang dalawang blender namin. Ewan ko. Naloloka ako sa nangyayari sa bahay namin kasi nagsisigawan na sila Tita tungkol sa plano nung bahay. Actually, I strongly agree na ang pangit nga ng plano ng bahay namin. Wala e, nasunod kasi yung gumawa kahit ayaw ng Lola ko.
For instance, I thought of pursuing the engineering course. Sabi ko, magpapatayo ako ng sarili kong bahay. Yung malaki, konkreto, komportable at ayon sa gusto kong plano at design. Ang dami-dami kong naiisip until I decided to push engineering kasi pwede ko namang pagsabayin ang hilig ko sa course na kukunin ko.
I made up my mind. I'll take up engineering in college. Kaya kong magsulat kahit nage-engineer. So yea, I'm letting my passion go.