COMMON FRIEND
ang tagal ko na may gusto sa kanya. pero every second talaga wala talaga akong pagasa sa kanya. alam mo yun kada makikita ko siya di ko talaga maiwasang matuwa makita siya. pero more and more days din na nakikita ko na wala talaga ako sa radar niya. hay nako! iinom nalang natin to habang pinapanuod siya makipag landian sa ibang babae. after few minutes nalalasing nako.
tumayo ako para maglabas nang uwak sa gilid. takte yan! ok malapit nako. oy! siya to. si crush na di ako crush!
“oy! ok ka lang?” tanong niya
“i…kaw!” sagot ko. di ko na mapipigilan lalabas na talaga sa bibig ko to.
“bat ba… di.. mo ko crush! sobrang tagal… ko na may gusto sayo…. pero ikaw….! wala talaga!” nasusuka na talaga ako.
“ngayon! sabihin mo sa muka ko….. na wala kang gusto sakin… at impossibleng mag kagusto ka sakin…. para tantanan na kita! para matauhan nako….” eto na masusuka na talaga ako!
at ayun sinukahan ko siya! and blacked out!
the next day…
sakit nang ulo ko! anong nangyari kagabi nasa sala ako nang tropa ko. anong nangyari? anong naaalala mo? SHIT!!!! Shit! Shit!! sinabi ko yun sa harap niya.. fuck! teka! teka! teka! ngayon ano nang gagawin ko pag nandyan siya… anong ginawa mo!! baliw ka!!!!!!! iwasan mo nalang siya.. tama! iwasan! ganun nalang. this is the time.. tamang reason para matapos narin yung kahibangan mo! ok now… let’s get up at makauwi! ang baho ko amoy akong suka! UP! oooohhh! sakit nang ulo ko!
“magingat ka…” hala siya to. boses palang alam ko na. inalalayan niya ko. at muntik nako matumba.
“ok lang ako… uwi nako.” at tinry ko tumayo at lumakad nang maayos.
“hatid na kita.” alok niya. am.. iniiwasan kaya kita…
“hindi na. kaya ko umuwi.” sagot ko. wag na please..
at umalis nako agad. wala talaga akong mukang ihaharap sa kanya. please lang ayoko muna talaga makita muka niya at naaalala ko lang yun. at sinukahan ko pa siya.
few days later…
iniiwasan ko parin siya… mag kaka tropa kami. i mean common friends pero di naman din kami ganun ka close na tipong laging naguusap. tropa siya nang tropa ko so nagkakasama lang talaga pag inuman or tatambay. pero ngayon kahit tingnan siya di ko ginagawa. and as long as possible malayo ako sa kanya. pero di siya nakakatulong.. clumsy ako, tanggap ko na yun. i always hit on something, trip and fall, lagi akong may nalalaglag. lagi yan! and this past few days lagi niya kong tinutulungan at inaalalayan. pag may tinatamaan ako hawakan niya yung tumama sakin at mag tatanong kung ok lang ako. pag nadadapa ako tinutulunngan niya ko tumayo at pag may nalalaglag ako pupulutin niya para sakin. bakit biglang naging caring naman siya masyado! ahhh!!! at nadapa nanaman ako. ano ba yan!!
“hahaha!! lumilipad na naman utak mo!” tropa ko.
“ha.ha.ha. funny!” tinawanan pa ko ni gago!
“ok ka lang?” siya, tinutulungan niya ko ulit tumayo. di ako sumagot at pinagpag sarili ko.. sanay naman na ko.
“may sugat ka!” sabi niya. nakatingin siya sa tuhod ko at hinawakan niya yung braso ko para icheck yung siko ko.
“dito din..” sabi niya.
“ok lang ako.” sabi ko at tinanggal pag kakahawak sakin.
“hindi ka ok.. tara sa loob..” hinablot niya ko papunta sa loob nang bahay nang tropa namin.
“umupo ka dyan” pinaupo niya ko sa sofa at kumuha nang panglinis nang sugat.
“di muna kailangan mag abala. sanay nako, kaya ko na to.” sabi ko sa kanya
“kailangan natin linisin yung sugat mo.” insist niya. nililinis niya yung sugat ko medyo mahapdi pero sabi ko nga sanay nako, lagi akong may sugat.
“bakit ba lagi mo kong tinutulungan?” sabi ko sa kanya. “amina yung siko mo.” iniiwasan niya yung tanong ko
“di mo ba napapansin na iniiwasan na kita?!” prangka kong sinabi
“alam ko.” sagot niya habang nililinis parin yung sugat ko.
“bat lagi ka paring lumalapit?” tanong ko ulit sa kanya.
“di ko rin alam…” ano? ang gulo niya.
“please lang… lumayo ka nalang din…” at dahan dahan tinangal ko yung braso ko sa pagkakahawak niya.
“may sugat ka pa sa kamay mo.” inabot niya yung kamay ko.
“tama na! kaya ko sarili ko!” hinablot ko yung kamay ko at tumayo at umalis.
umuwi nalang ako, at naiinis lang ako sa kanya. ginugulo niya buhay ko. dati di naman niya ko pinapansin, ngayon sobrang caring naman niya. kung kelan namang gusto ko na siya mawala sa isip ko.
a week after…
medyo naging busy ako, di ako masyado nakakatambay ok lang din kasi ayoko talaga siyang makita. at tska umuwi yung napaka gwapong bakla kong pinsan at buong linggo kami mag kasama. gala, pinag shopping niya ko, coffee, lunch and dinner. siya yung isa sa pinaka close kong pinsan at lagi niya ko tinitreat pag umuuwi siya. sobrang close namin na para kaming mag syota. kung di lang to bakla eh.. nirape ko na siya! haha!
“sis, may kanina pa titig nang titig sayo.. wag kang titingin pag selosin natin!!” loka talaga to!
kumakain kami sa isang cafe at sibuan niya ko nang pagkain at pinunasan pako. hahaha! natatawa talaga ako!
“hahaha!! gwapo ba yung nakatitig sakin?” tanong ko
“di ko bet, pero gento yung mga type mo.” sagot niya.
“weh?”
“paalis na siya… yung naka black.”
pagtingin ko… si… nabuga ko yung iniinom ko.
“hahaha! ok ka lang!?” tanong nang pinsan ko at alok nang tissue
“kilala ko yun!” sabi ko
“oh? sino yun?” tanong nang baklang to
“common friend. may crush ako sa kanya. pero wala ako sa radar niya. tas nalasing ako inamin ko at in-ask ko sa kanya na sabihin niya sa muka ko na impossible siyang magkagusto sakin at sinukahan siya, sa sobrang kahihiyan ko, iniiwasan ko na siya ngayon.” explain ko
“wow girl! you outdone yourself! nawala lang ako..” pangaasar niya.
“sinabi mo pa!!” pag agree sa kanya.
“pero selos na selos siya kanina. i can see!” intriga niya.
nag mock face lang ako at kumain ulit.
“what?! promise girl. i know what i see!” dipensa niya.
“kumain ka nalang!” sagot ko.
birthday ni tropa!
“happy birthday! dumatanda ka na!!” pangaasar ko
“thank you! mas matanda ka sakin! lola!” pangaasar din niya!
“sinama ko nga pala pinsan ko, naalala mo siya?” pinakita ko si cous
“oy! long time no see!! kelan ka pa nakabalik?” kinamayan niya
“happy birthday! last week lang.” bati ni cous
“for good kana ba?”
“hindi one month lang..”
“iwan ko muna kayo kuha lang ako drinks” sabi ko sa kanila at mukang mapapa haba usapan nila.
inuman, kwentuhan, at kulitan. pumunta muna ko sa balcony para magpahangin at ang init sa loob. relax lang ba.
“hi!” kilala ko yung boses na yun…
“hi!” at di nga ako nagkakamali
“bat magisa ka lang?” tanong niya.
“di ba pwede maging mag isa?” tanong ko din
“pwede naman.. pero bat di mo kasama boyfriend mo?” huh? ano daw?
“wala akong boyfriend…” sagot ko sa kanya.. wait..
“eh sino yung kasubuan mo sa cafe? kasama mo din siya ngayon.” confused niyanng tanong..
“hahaha!! pinsan ko yun!” natatawa kong sagot
“eh bat sinusubuan ka niya?” tanong siya ulit
“haha!pinag titripan ka niya kasi nakita ka niyang nakatingin samin, stalker!” pang aasar ko
“so pinagseselos niyo ko?” tanong niya
“haha! selos ka naman?!” pang asar ko
“sobra.” sabay inom niya nang beer niya
natigilan ako sa kakatawa at napainom din ako nang beer.
awkward…
“baba nako.” sabi ko at sobrang awkward talaga.
“wait lang..” hinawakan niya kamay ko.
“wag mo nako iwasan, please.” sabi niya
di ko alam sasabihin…
“simula nung gabing umamin ka, di ka na nawala sa isip ko. tinanong mo ko kung bakit lagi parin akong lumalapit kahit umiiwas ka. ang sabi ko di ko alam, kasi di ko alam kung nagkakagusto naba ko sayo pero at the same time ayokong lumayo ka sakin. nung nakita kong may kasama kang ibang lalaki sa cafe, pakiramdam ko may pinakawalan akong sobrang mahalaga na dapat di ko hinayaang mawala. na dapat nung una palang niyakap na kita at di hinayaang mapunta pa sa iba. kaya ngayong may chance nako ulit, please maging akin kana kasi di ko kayang mawala ka pa sakin.”
di ko alam sasabihin ko… pero alam ko kung ano dapat kong gawin….
*kiss*











