Okay, so nagising akong late... 7 AM. Di ako excited masyado kasi, syempre, ilang years na ba? 3 years, right. Ayun, 10 ang alis, 9 AM na di pa ako handa. Pero shempre, 9:40 AM, nasa school na. May mga inasikaso pa, 10 AM sakto, nasa bus na ako. Tas buti na lang nakatabi ko si Ate Tanya saka Mico. Bale nasa paligid ko, hiphop. Nahiwalay kaming dalawa ni Mico sa TVS group. Ayos lang, bonding. Ayun, byahe. Lunch sa BK, kwentuhan sa bus... hanggang nakarating na sa Baguio. Nagdinner sa Chowking ng SM Baguio with Monica, katabi ko si Kath (hihi), tas nag-reminisce kami nila Ate Yownis saka Ate Andrea ng memories from my first CMLI (Mejo waley?!) Saka sumama si Ate Michele from last year (CSAy! CSAy!) Tas na-realize ko na eto na pala ang huling CMLI nila, ang batch na pinaka-matagal kong nakasama. Sabi ko sa sarili ko, "Sana maging worth it."
Maya-maya, nagpicture-an, nag-"Ping-Pong-Pang!" (Awesome game!) with Hiphop and other people... Tas ayon nga, nakarating na kami sa Teacher's Camp. Pagbaba ko sa bus, nakita ko yung lumang lugar. Shempre, ang tagline ko... "Daddy's home." Maya maya, nakita ko si Jazz na pumasok sa main guest house. Napangiti ako, tas sumunod ako. Sabi ko sa kanya... "Jazz. Isang taon na rin pala nakalipas... Nakakamiss no?"
Nag-meeting, nag-movie marathon, natulog, nagising. Day 1 ng convention. Lumabas ako ng guesthouse, at shempre bumungad sakin ang malamig na simoy ng hangin... At ang malupit na fog. Nagkatuwaan kaming lahat kasi shempre, wala sa Laguna non. Tas napa-isip nanaman ako na "Ilang taon na bang ganito?" "Ilang taon pa bang ganito?" "Sino-sino na bang nakasama ko?" "Sino-sino pa bang makakasama ko... hanggang sa dulo?" Naligo, nag-ready... nag-practice para sa eliminations. Wala masyadong kaba kasi alam kong maganda. Nung elims na, dun pumasok yung kaba.
Dati makikita mo yung mga kalaban mo na parepareho ang suot... "Ah sasayaw to." Yung iba, props and dala... "Prop dance.", "Kakanta.", "Speech choir." so on... (Ayoko nang sabihin yung details, baka mabuko.) Pero ayun nga. Ngayon... Mararamdaman mo yung vibes na... "Fuck, ano, kinakalaban na ba namin sarili namin?" Pero shempre, lakas loob na rin. Tinapos namin ang elims na confident akong papasok kami. Pero after non, nag-CD kami. Three years na akong nagc-CMLI, pero ngayon pa lang ako magc-CD, so shempre, nakakahiya, pero at the same time, in a weird way... Nakaka-proud. Hahahaha!
The next day, dun na pumasok yung intense feeling... "Nakapasok ba?" yun yung laging tanong, besides the usual "Nakapost na ba yung results?". I was confident na yung two major competitions na prinactice namin sa school (Hiphop, TVS) papasok... lunchtime(?) came, wala pa din yung results... We were all getting anxious and shitty about it and then later, during CD linapitan ni Philline si Lara para sabihing... Hindi raw sila nakapasok. Then deep inside, I was also devastated kasi ineexpect ko nga na papasok sila. I ran to the staff house para icheck, they were right. Nakapasok ang TVS, Radio Drama, Oratorical Speaking (Filipino), then another competition for excellence (Sorry, nakalimutan ko.) Pero no Hiphop. Deep inside, shempre super badtrip ako kahit na ba hindi ako part kasi nakita ko yung effort nila. Ang dami nilang na-miss tas yon lang yung makikita nila? Fuck. Umakyat ako sa guesthouse namin, tas nakita ko yung ibang Hiphop na... Ayon nga. Sir Edmon, professional na sa mga ganitong situations, gave us his motivational speech... "Hindi natin pwedeng sabihing 'Okay lang yan." kasi sa ngayon, hindi pa talaga to okay. Ang gawin natin, bawiin natin tong pagkatalo nila (Hiphop) sa Eliminations sa pamamagitan ng pagkapanalo natin sa TVS as ano?" ("CHAMPIONS!" sigaw naming lahat... well, sigaw nila. I tend to get quiet pag wala ako sa mood, pero naiiintidihan ko naman, at shempre motivated na rin ako.) Pinolish namin yung Sabayan, then we went to SM Baguio to buy some stuff and of course, eat lunch. Then...
TVS Finals, moment of truth. Last to perform kami, giving us the chance to "judge" other competitors performance. Nag-stand out sakin yung nag-sayaw, and nag-shadow play (tho, of course makikita mo din sa ibang comeptitors na talaga namang nagiging much more "imba" na through out the years.) Pero yung shadow play talaga yung nagtaka ako eh. Sinasabi ng iba... "Parang nakita ko na to." Pero I expected naman na may parts talaga na "inspired" so I went on the judging criteria, 20% Relevance to the theme... I said "Whuuut?" kasi, ayon. You get the point. Pero after non, the dance, then kami na.
Nakita ko nanaman yung stage na pinagpeperform-an ko for three years. Intesity of the hour strikes in. MOMENT OF TRUTH. Eto na yung last throw. Eto yung mga times na nagiging madasalin ako, not to ask for anything else (well, mainly) but to thank Him kasi... eto na. Nandito na kami. Di naman talaga namin magagawa to kung wala Siya.
And then we performed. Backstage, I was whispering to myself... "Para sa hiphop." and by God, it was effective. Tho my part didn't really need much effort or anything, I felt empowered. Then it ended. We had fun. Thank God.
The third day of the convention was simple but special... It started out with simple things... Pero dumating yung part na... Ayoko nang idetalye pero I had the awesomest part of my life right there. Dun ko naramdaman yung feels na "Lord, wag munang matapos to." Pero all good things must come to an end, right?
The fourth day, technically the last day of the convention was surprisingly a fast day. We went to the CD had a fun time (kinda) tapos mejo nanchicks pa ako... Hahahaha! Pero the night came, we watched clips from Saw V, my idea. Then we dressed up. After nun, pumunta kami sa bahay ng girls, sinundo namin sila, then dumerecho na sa baba. Eto na yung pinaka-aantay ng lahat ng schools... Lahat ng pinaghirapan naming lahat, makikita kung nagbunga na nga ba talaga. Yung first part, as expected, may mahabang program, may awards na not meant for us naman talaga. Tapos dumating yung mga parts na may award na kami. Some expected, some hindi. Bawat award na matanggap namin, individual o by group, nagcecelebrate kami. Then dumating yung part na iaannounce na yung winners ng TVS... (Kung nabasa niyo yung last blog post ko, eto yung part na, you know, ayoko nang i-announce pa yung winners kasi, you know.) Honestly, I was kinda expecting this: "First Runner-Up... Colegio San Agustin-Binan!" worst comes to worst. Pero shempre may tiwala ako sa gawa namin kaya naniniwala akong kahit anong mangyari, kung ano man ang lumabas na resulta, worth it. Narealize ko sa part na yon na wala na akong pakielam sa kung ano mang mangyari sa buong competition... Nasa paligid ko na ang mga taong nakasama ko sa buong linggo, ang mga taong within the week, hindi lang kaibigan, kung hindi pamilya na ang turing ko. Then it happened: "First Runner-Up- Ley..." We screamed.
Ang sarap sa feeling. Alam naming hindi pa ina-announce yung champions pero deep inside para bang nakaka-relief na, ayun nga. Nagbunga na yung pinaghirapan namin. Na hindi kami uuwing luhaan. I hugged her. We were having the time of our lives. 3 years ko na ring nararamdaman tong feeling, and it never fails me every time. After ng awarding, lumabas ako para magpahangin (The usual me. Ayokong nakikitang nag-eemo ako kasi... basta. Pero ayon nga.) Later on, nag-gather kami sa labas. Nag-usap-usap, masaya, shempre. Afterwards, nag Disco Socials. Natawa ako kasi this time, ako yung unang taong nagpabilog sa dance floor (acheivement!) Then we partied till 1 AM. Sobrang nakakabitin lang kasi maaga kaming pinabalik, hindi man lang umabot sa slow dance.
Kinabukasan, nagmadaling umalis ng Teacher's Camp, had one last taho before pumasok sa bus then di ko na lang namalayan na nakababa na pala kami. Ang bilis. Nakakabitin. Pagbaba namin ng bus, inasikaso yung props, kumuha ng gamit. No time para mag-bond one last time. Pero on that note, may narealize din ako sa sarili ko...
Hindi pa tapos ang lahat. Natapos man ang convention, hindi pa din dun nagtatapos ang pagsasama natin. Sa mga nakasama ko sa Baguio--
Sa Hiphop, yung mga taong nakasama ko ng pinakamatagal sa buong linggo, salamat sa lahat ng kulitan, laro, takutan. Hindi ko inexpect na kayo yung makakasama ko... Hindi rin ako nagsisi na kayo yung nakasama ko. Hindi man kami kasama nila Mico at Marvinn sa grupo niyo, naging masaya kami na kasama kayo. Sa mga ka-batch ko lalo na kela Louise at Jazz, yung promise ah? Walang iwanan. Kahit anong mangyari, hanggang sa dulo. Sa mga lower years, lalong-lalo na kay Duane, nangako ako na ako ang magiging Kuya mo, tutuparin ko yon. Magkakasama pa ulit tayo. Sana hanggang sa pag-alis namin, magkakaibigan pa rin tayo.
Sa Seniors, 5 months PA. Madami pang mangyayari. Sana pagdating niyo ng college, maalala niyo to. Maalala niyo yung mga pangyayari sa Baguio. Maalala niyo na pagbalik niyo ng CSA, may pamilya pa kayong babalikan. Maalala niyo na kahit anong mangyari, nandito lang kami para sa inyo... nandito lang ako para sa inyo. Hindi man tayo nagkasama sa Baguio ng matagal, naniniwala akong hindi pa don magtatapos ang pagsasama natin. At mas lalong hindi mapipigilan ng limang buwan ang pagkakaibigan natin. Alam kong may panahon na hindi na kayo gaanong magpaparamdam, pero kahit anong mangyari, sana maalala niyo na pag nangailangan kayo ng kaibigan, ng pamilya, nandito lang kami.
Kela Ate Michele at Ate Eunice, na 3 years ko nang nakakasama pabalik-balik ng Baguio... Yung ipinangako niyo sa iba, ipapangako ko din sa inyo-- hinding-hindi ko kayo bibiguin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko hindi lang para samin, kung hindi para sa inyo na rin. HINDING-HINDI KO KAYO MAKAKALIMUTAN. Yung tatlong taon na pagsasama natin, madaragdagan pa yon... Hindi lang siguro sa Baguio, pero tiwala lang... Magkikita ulit tayo.
Siguro nalimitahan ng 6 days ang pagsasama natin sa isang bahay, sa isang lugar... Pero naniniwala ako na hindi non malilimitahan ang pagkakaibigan nating lahat. Natapos man ang convention, hindi naman magtatapos don ang pagsasama natin.