Since linggo ng mga puso, magkwe-kwento na lang ako ng mga memories ko noon.
Dati, super demanding nung girlfriend ko. Kung bakit ba kasi siya ang pinili ko, di ko na maalala. Siguro dahil wala pang nag-a-attempt na manligaw sa kanya kasi demonita ugali niya. Pinadaan niya muna ako sa butas ng karayom bago niya ako sagutin. Balentaym's day noon at naiinggit siya sa mga couples na naglalambingan sa school kaya gusto niya mas magarbo ang Balentayms niya kesa sa iba.
May inutos siya sa akin na di ko aakalain na gagawin ko nga. Ako na ang tanga.
Sinabi niya na pumunta ako sa classroom namin sa break. Kumuha ng upuan at ilagay sa gitna ng classroom. Kailangan kong tumayo doon at isigaw ko ang "I love you <insert name here>!!!!!"
Kahit maldita siya, sinunod ko siya kasi nabaliw na ako sa kanya. Di lang yan mga pinagawa niya sa akin! Yung iba para gumanti sa nang-a-away sa kanya, para lang ma-amuse siya kasi malungkot siya at para maramdaman niya na di ko siya kinakaliwa.
Na-trauma siguro ang lovelife ko dahil sa kanya, pero ano naman ang magagawa ko? Eh mahal ko siya eh.
The little things I do for love. ♥
PS:
Ang hot niya ngayon!!!!