Pasko’y Sumapit Na (Isidro/Que)
Pasko'y sumapit na, tayo ay magdiwang. Purihin ang Panginoon sa ating awitan, Gunitaing Sanggol na sumilang sa sabsaban, Ay si Hesus ang Diyos nating tunay. Ngayon nga ay Pasko na dapat igalang, Magkaisa tayo sa panalangi’t awitan, Ating tupdin tunay na diwa ng kapaskuhan, Magmahalan, magbigayan bawa’t araw. Pagkat sumilang sa daigdigan: ang Mananakop, Hari ng Kapyapaan Siya ay Pag-ibig at katarungan, handog N'ya sa ati'y kaligtasan.
Ngayon nga ay Pasko na dapat igalang, Magkaisa tayo sa panalangi’t awitan, Ating tupdin tunay na diwa ng kapaskuhan, Magmahalan, magbigayan bawa’t araw.
Magmahalan, magbigayan bawat araw.









