Sumigaw sa Galak
Sumigaw sa galak Umawit, umindak Purihin ang Diyos Purihin nang wagas
Ang ginawa ng Diyos, lapit at pagmasdan Ang kahanga-hangang ginawa sa tanan Ibinulid Niya ang hari-harian Tayo'y hinango N'ya sa 'ting kaapihan Sa Kanyang pag-ibig tayo'y iningatan
Sumigaw sa galak Umawit, umindak Purihin ang Diyos Purihin nang wagas
Lapit at makinig, aking isasaysay, Ang Kanyang ginawang mga kabutihan Pinanghina tayo ng mga kaaway Ngunit ating daing, Kanyang pinakinggan 'Di tayo bumagsak, 'di pinabayaan
Sumigaw sa galak Umawit, umindak Purihin ang Diyos Purihin nang wagas
Ako ay mag-aalay sa Diyos kong banal Ng pangakong pag-ibig at katapatan Mga kasalanan ko'y 'di N'ya ininda Bagkus iniligtas pa 'ko sa kalaban Dininig, pinatawad at itinanghal
Sumigaw sa galak Umawit, umindak Purihin ang Diyos Purihin nang wagas
















