Selfie Goal! Haha! Noon talaga wala akong pakialam sa mga ganito, nung na registered ako pakiramdam ko naging totoong Pilipino na ako. Higit sa lahat bilang isang Iglesia Ni Cristo, kasama ako sa pagkakaisa. Sabi ko kay Mommy masaya ako sa napag desisyunan. Ganito pala pakiramdam ng Botante, masaya pala yung kasali ka sa kaisahan. Kaya kahit pawis na pawis na ko at lagpas na yung lipstick ko, masaya ako. Nagpe-pray lang ako kanina na sana wag sumpungin pagiging tanga ko at makaiwas sa ano mang pagkakamali. Tama naman lahat sa resibo. Mr. President, may isa akong hiling. Sana po balang araw, wala nang mag a-abroad. Sana po lahat ng magandang kabuhayan nandito na sa bayan naten. Anak ako ng ofw, ngayon ofw na rin ako. Sana huling alis na namin to ng bansa. #eleksyon2016 #dapattama #dapatTama2016 #duterteforpresident2016 #BongbongMarcos













