Late night bittering.
Hindi hamak na mas maganda naman ako dun. Mas mahal lipstick ko. Mas pink lips ko. Mas maliit eyebags ko. Mas maganda eyeliner ko. Mas malaki hinaharap ko. Mas sexy ako. Mas maputi ako. Mas maganda program ko. Mas matalino ako. Mas maayos grammar ko. Mas marunong ako mag-english. Mas loyal ako. Mas mabait ako. Mas maayos ako manamit. Mas maganda family background ko. Mas maganda education background ko. Mas liit diameter ng braso ko. Mas maputi kilikili ko. Mas maganda ilong ko. Mas sasamahan kita sa mga sports mo. Nakapasa ako ng Calculus I. Nakapasa ako ng General Chemistry I at II. Top 10 overall ako nung Highschool. Kumakain ako ng gulay. Kaya ko magsulat ng tula at sanaysay. Nanalo na nga ako ng Spelling Bee, e. Kaya ko magtitrate. Alam ko 'yung colors sa Flame Test. Alam ko bakit lumulutang ang barko. At alam ko rin bakit lumilipad ang eropano. May prestige card ako ng SM. Kaya kong tumawad sa Divisoria. Mas marami akong kaibigan. Mas behave ako. Mas hindi kita lolokohin. Mas selosa ako. Mas tutulungan kita sa mga assignments mo. Mas malakas ako uminom. Mas confidently beautiful with a loving heart. Mas proud ako sa'yo. Mas funny ako. Mas mamahalin kita. Ate Girl: "Pero mahal niya ako."













