#parasabrokenhearted #mmk #DearAteCharo #😅😂 #ForeverKapamilya #BoredinQuarantine (at Goa, Camarines Sur) https://www.instagram.com/p/CDV0TCeHDA2/?igshid=72ajp93opal6
seen from China
seen from Türkiye
seen from United States
seen from United States
seen from Brazil
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Philippines

seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from Guatemala
seen from United States

seen from United States
#parasabrokenhearted #mmk #DearAteCharo #😅😂 #ForeverKapamilya #BoredinQuarantine (at Goa, Camarines Sur) https://www.instagram.com/p/CDV0TCeHDA2/?igshid=72ajp93opal6
Day 3: Buhay Abroad.
04/18/2015 Ganito pala ang buhay sa abroad, ang matinding kalaban mo dito ay yung kalungkutan. Ngayon ko lang na realize na hindi pala lahat ng nasa abroad ay masarap ang buhay at hindi lahat ng nasa abroad ay masaya. Nagising ako ngayong umaga dahil sa sobrang lamig, nangangatog ang tuhod ko dahil sa ginaw, bumangon ako at pumunta ng banyo para maghilamos pero tangene ang lamig ng tubig, pero wala akong choice kung hindi maghilamos ng nagyeyelong tubig sa gripo. Bumalik ako sa higaan at nag facebook este nagdasal. Nagdasal ako sa Panginoon na sana makayanan ko ang lahat ng lamig este lahat ng pagsubok na darating sa akin sa pamumuhay ko dito sa South Korea.
Pagkatapos kung magdasal ay humiga ulet ako sa kama, at bigla na lang sumagi sa isipan ko at naalala ko yung naiwan kong pamilya sa pilipinas, yung mga kaibigan at tropa ko, at yung mga kalandian ko.de joke lang yung dulo. Alam niyo yung tipong biglang tutulo ang luha mo pero pilit mong pipigilan ang pag-iyak at paghagulgol dahil nangangamba kang marinig ka ng kasama mo sa kwarto. Pero mas naunang tumulo yung sipon ko kesa sa luha ko dahil sa lamig.
Bumangon ulet ako at nagsaing, nung pagkaluto ng sinaing ay agad kong ginapang este ginising ang katabi ko para mag almusal pero yung tugon niya ay ‘mauna na daw ako, mamaya na siya. Nakakaiyak lang kasi wala akong kasabay kumain, forever alone ang drama ko dito, ang hirap kasi kailangan mo talagang matutong mag-isa para maka survive ka dito. Mahirap pero kakayanin ko to Ate Charo, alang-alang sa pamilya ko. Lubos na gumagalang, Mikel.
Nakita ko yung selfie ko noon...
Ikaw at yung crush mo yung background ko. (Wow combo!)
Kitang kita sa mukha mong hindi pa ako mahalaga sayo noon. Hindi mo pa ako mahal non. Parang iba, masakit lang makitang sinasabi nang mga mata mong hindi ako sakop nang peripheral vision mo eh. Nagtataka ako kung ano tayo noon, bakit ganito na tayo ngayon? At anong kadramahan 'tong sinusulat ko?
Sana kasi ako na lang noon pa, bakit hindi mo ako napapansin noon. Siguro nga busy kang pumansin nang iba. May pinagtutuonan ka na nang atensyon, hindi lang once, twice. Kailangan ko bang dumaan ulit para makita mo lang ako? Hello, kuya seatmate! Andito lang ako sa tabi, i-oobserve ko ang pagkafriendzoned mo. Eh kung ako na lang, ako na lang ulit.
Higit na kailangan kita, kumpara sa kanila. Kailangang kailangan ko nang tulong mo kaibigan. Nasaan ka ba noon? Busy ka sa iba. :(
Late ka nang dumating, pero sapat lang para makisabay sa agos nang magulo kong buhay. Nakipagsabayan at nakigulo ka sa lahat nang nagdala nang buhawi sa buhay ko. Parang hinigop nang malakas na tornado. (Hala ang baog kong magtagalog. -.-") Sorry naman hindi nila ako kasing talino.
Alam kong tamad ako, wala lang talaga akong sapat na dahilan noon para maipagpatuloy pa ang mga bagay na walang saysay. Hindi ko na mahanap ang essence nang mga ginagawa ko.
Pero salamat sa pakikigulo, kahit late ka, at least dumating ka. Dahil naniniwala akong If it's late, it's free! (Oh 'di ba? Para kang delivery! Heaven sent!)
Hindi naman kita sinisisi o ano. Hahaha. Pero parang ganun na nga! Joke. :D Timing lang lahat nang bagay, kaya tayo nandito ngayon kasi dito tayo nararapat. Ang laki kong challenge sayo. Hindi dapat pinapangunahan ang mga bagay na nakaplano na, at hindi na mababago. Dahil naniniwala ako sa Diyos. Tawagin na nating God's will 'to, perfect daw ang timing niya eh. Tiwala lang.
Naalala ko yung WARNING: BAWAL MA-FALL SAKIN sign na umiilaw yung kinuwento ko sayo noon, habang umiiyak ako. (O 'di ba may ganon pa akong drama! :p) Bakit nilagpasan mo? O 'di ba? Ang galing ko, nagrereklamo ako noong ba't hindi na lang ako, tas ngayong ako na, binalaan kitang wag kang mahulog. Malabo lang 'teh?
Kkwento ko lang naman talaga dapat yung selfie, sorry nadala ako. Hahaha. So much for my drama. Pasensya nuuuh. Hanggang dito na lang, naubusan ako nang kwento. So much feels in a photo. Lols.
xxxxxxxxxxxxxx
Dear Ate Charo, nakareceive po ako ng GM na pang MMK. Pakibasa naman po. Salamat.
=)))))