Tatlong klase ng soulmates.
Una, sila yung soulmates na unang beses pa lang nagkita, alam na nilang sila na para sa isa't isa, at di na nila papakawalan ang isa't isa forever.
Pangalawa, yung soulmates na never magtatagpo, kasi kahit sila ang para sa isa't isa, may nangangailangan naman sa kanilang iba. Sila yung mga taong kuntento na na malaman na may soulmate sila pero alam nilang mas magiging fulfilled sila kapag sa iba sila sumama.
At yung pangatlo, yung soulmates na kahit anong tanggi o deny mo, alam mo sa sarili mo na kayo talaga para sa isa't isa. Akala niyo may ibang humahadlang pero ang totoo ang sarili niyo lang ang gumagawa ng barriers, kasi may urnesolved issues pa.
Sa tatlong ito, ang pangatlo ang pinakaexciting sa lahat, unpredictable kasi. Pero sila yung madalas na nasasaktan, napaglalaruan kasi sila ng tadhana. Matagal pa bago silang maging masaya.

















