im lov him
seen from United States
seen from France
seen from United Kingdom
seen from Brazil
seen from Australia
seen from United Kingdom
seen from Italy

seen from United Kingdom
seen from Lithuania
seen from United States
seen from United States
seen from Rwanda

seen from United Kingdom
seen from United Arab Emirates

seen from Canada
seen from Yemen
seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from Malaysia
im lov him
Nabuhay ako sa poot at pagsisisi
Sino sila para burahin tayo? Ang mga bakas ng ating mga paa sa lupa Ang mga dugong binuwis sa digmaan Ang mga buhay na inialay sa bayan
Nabuhay ako sa sama ng loob
Sino sila para iadya daw tayo? Na ipinagpakasakit daw tayo sa mabuting kadahilanan Na isinakripisyo daw tayo para manalo sa laban Na inialay daw natin ang buhay sa bayan
Nabuhay ako Na may hinanakit sa aking puso Na may panghihinayang dahil wala akong nagawa Na may dalamhating bumabalot sa aking buong pagkatao
Sayang
Sana naging mas mabilis ako Sana naging mas malakas ako Sana naging mas matapang ako
Sana ako na lang ang namatay
Ngunit tapos na ang lahat At nabuhay ako
Nakita kong muling iginapos ang ipinaglaban kong bayan Namasdan ko ang hirap ng kanyang mga anak Namulat ako kahit na gusto ko na lamang pumikit
Na gusto ko na lamang mamatay
Sana ganito Sana ganyan
Nabuhay nga ako Nakalusot sa bingit ng pagkadakip at pagpapahirap Pinatawad ako ni Kamatayan sa araw na iyon Ngunit hindi ko mapatawad ang aking sarili
Sana kayo Maging mabilis kayo Maging malakas kayo Maging matapang kayo
Harapin ninyo ang araw-araw Na may umaalab na pagmamahal sa inyong puso Na may paninindigan sa lahat ng inyong ginagawa Na may damdaming makabayan na bumabalot sa inyong buong pagkatao
Huwag ninyong hayaang maghari ang mga naghahari-harian Huwag ninyong ipikit ang inyong mga mata sa katotohanan
Mabuhay kayo nang walang poot at pagsisisi Mabuhay kayo nang walang sama ng loob Mabuhay kayo nang makita ninyong bumangon ang bayan
Dahil sino ba sila para burahin tayo?
Para sa ika-71 na Anibersaryo ng Pagkamatay ni Kapitan Eduardo Rusca. Para sa mga sumubok ngunit hindi nagtagumpay. Para sa sumubok pa rin kahit na hindi tiyak ang tagumpay. Para sa mga dinaya at dinagit ngunit lumaban at pagwagi ang hiniganti. Para sa paniniwalang kaya pa natin, at kaya pa ng bayan natin.
Kuya, bakit kailangan nating tumakas? Hindi ba't wala naman tayong ginawang masama? Ginagawa lamang natin ang ating trabaho Naglilingkod lang tayo sa bayan
Kuya, bakit kailangan nating tumakbo? Hindi ba't ito ang panahon na dapat tayo'y manindigan? Ginagawa lamang natin ang tama Naglilingkod lang tayo sa bayan
Kuya, bakit kailangan nating lumayo? Hindi ba't mas maiging alamin natin agad ang katotohanan? Ginagawa lamang natin ang sa tingin nati’y dapat Naglilingkod lang tayo sa bayan
Kuya, bakit kailangan nating maghiwalay? Hindi ba’t mas mabuti nang magkasama tayo? Alam kong ginagawa mo lamang ito para sa aking kaligtasan Nangako ka lang kay nanay
Kuya, bakit hindi na ako nakakarinig ng balita mula sa ‘yo? Hindi ba’t dapat pinaplano na natin ang ating pagbalik? Alam kong ginagawa mo na ang lahat sa iyong makakaya Nangako ka kay Heneral
Kuya, bakit kinailangang mangyari ang lahat ng ito? Hindi ba’t lahat naman tayo’y Pilipino na ipinaglalaban ang Katagalugan? Alam ko ‘yon ang nasa puso dapat ng bawat sundalong lumalaban Nangako sila kay Inang bayan
Kuya, bakit ganito? Hindi man lamang ako nakapagpaalam sa ‘yo nang maayos Sana’y manatili kang ligtas, sana’y hindi ka nila maabutan Nangako ka sa akin
Para sa ika-117 na Anibersaryo ng Pagkamatay ni Kumandante Manuel Bernal at Kapitan Jose Bernal. Para sa mga pamilyang napaghiwalay ng giyera. Para sa mga pagmamahalang nanaig sa gitna ng himagsikan. Para sa patuloy na pag-ibig sa bayan.
Isang daan, labimpitong taon. Ngunit nasaan tayo ngayon?
Mayroon bang nagbago? May kabuluhan pa rin ba ang kanilang mga sakripisyo?
Maipagmamalaki ba nilang ibinuwis nila ang kanilang mga buhay para sa bayang ito?
Nasaan na tayo ngayon?
Kailangan bang mga hindi pa taga-rito ang magmalasakit para sa ating bayan? Wala ba tayong sariling mga isip na kailangang may magligtas pa sa atin?
Pinapaslang nang walang harabas ang ating mga kapatid at pinandidilig ang kanilang mga dugo sa lupa kung saan sila isinilang
At para ano? Para patayuan ng mga establesimiento na kakarampot lamang ang makikinabang?
Nasaan na sila? Nasaan na tayo?
Sa kaginhawahan ng inyong mga tahanan, minsan nalilimutan na ninyong may mga kapatid kayong naghihirap makipamuhay sa labas
Mga hindi nabibigyan ng tulong Mga pinagkakaitan ng tulong Mga tinatapak-tapakan Mga tinataboy
Nasaan ka?
Sa isang malamig na kuwarto, nagkakape, nag-aaral, nag-tatrabaho
May magagawa ka pa May magagawa pa tayo
Sa isang malamig na kuwarto maaaring magsimula ang susunod na rebolusyon
Lumabas ka, makisalamuha Maging boses ka ng tahimik na karamihan Maging boses ka ng pinatahamik na karamihan
Hindi pa tapos ang laban
Isang daan, labimpitong taon Nasaan na tayo? Nasaan ka?
Nandiyan ka pa ba?
Para sa ika-117 na Anibersaryo ng Pagkamatay ni Heneral Antonio Luna at Koronel Francisco Román. Para sa pagkamatay sa kamay ng sariling kababayan. Para sa pagbuwis ng buhay sa wala. Para sa muling pagbangon at muling paghanap ng pag-asa.
I guess they got no way to know I've had my eyes wide open from the start So you just do what you gotta do
One thing you can't do is stop But it's way too late Way too late
The sun is in my eyes No matter how hard they try We’re never gonna die
there are some things i never noticed before i mean look at kuya manuel
We're catching bullets with the best resources that we've got. We're happy, then again we're not. We shout—through the endless doubt.