oo, kelangan ko nang pera pero mas kailangan ko ang presensya mo.
mama: wag kang mag-alala, papadalhan kita ng pera para pambayad sa tuition mo.
ilang beses ko bang uulitin na hindi pera yung kelangan ko. kelangan kita mama kesa sa pera. kelangan ko yung suporta at presensya mo bilang kaibigan at nanay sakin. hindi lang naman ikaw yung nahihirapan e, hindi lang ikaw yung napapagod at nasasakatan sa mga pinaggagawa ni papa. ako din naman mama, pagod na pagod na pero hindi parin ako sumuko. mago-OJT na ko next year tapos wala ka. wala nang sasama sakin sa school, sa pag-aaplayan ko. wala na kong ka chikahan. hindi ko alam kung makakaya ko ba 'to. hindi kasi ako nasanay na wala ka sa tabi ko. sana matapos na yung gulo niyo ni papa.
yan sana yung gusto kong sabihin sa kanya kanina pero nagmamadali ako kasi male-late ako sa work ko.
ge. kung saan ka man ngayon, mag-ingat ka. sana hindi ka magsisi na iniwan mo kami.