Ang ina, kakayanin maging ama pero ang ama, macho, lalaki mahirapan na maging isang ina.
- Fr. Fidel Roura

Kiana Khansmith

tannertan36
Keni
🩵 avery cochrane 🩵

EXPECTATIONS
Sweet Seals For You, Always

Origami Around
Interview Vampire Daily
Show & Tell

#extradirty
KIROKAZE
macklin celebrini has autism
TMBGareOK. The Official They Might Be Giants tumblr

gracie abrams
almost home
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open

No title available
No title available

bliss lane

Andulka

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Colombia

seen from Germany

seen from Malaysia

seen from Malaysia
seen from United States

seen from United States

seen from India

seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from Germany
seen from United States

seen from United States

seen from United Kingdom
@kangkangsworlds
Ang ina, kakayanin maging ama pero ang ama, macho, lalaki mahirapan na maging isang ina.
- Fr. Fidel Roura
We always feel that God never comes on time when we call him but the truth is He is always on time but we are always in a hurry.
MAPAGPANGGAP.
Minsan, kailangan din nati. Sa buhay mang panggap.
Mag panggap na masaya ka, na ok ka, na walang problema.
Kagabi, Sept 15 2020, Tuesday.
Sobrang iyak ko dahil may usapan kami ng partner ko na hahagud hagurin nya yung likod ko at ila latch nya for 30mins yung breast ko kasi hindi ako makapag produce ng mik sa baby ko kasi nagka clogged kaso ang ginawa ng partner ko cellphone lang ng cellphone at tinulugan ako.
Ayaw ko din naman syang gisingin kasi alam kong alam na nya yung gagawin. Gusto kong magkusa sya hindi yung ako pa yung mamimilit kasi para naman yun sa anak namin.
Sa sobrang sama ng loob ko, napasobra ang iyak ko to the point na parang kinagat ng ipis ang dalawa kong mata sa sobrang maga. Tinanong ako ni mommy at ng pinsan ko kung ano nangyari sagot ko kinagat ng ipis at umakto na parang nangangati yung mata para maniwala sila.
Pwede naman kasi nyang sabihin na ayaw ko mag latch kasi nandidiri ako sa amoy mo kasi 5 araw ka ng walang ligo at nandidiri ako sa dede mo kasi laylay na. Pero PUTANG INA NYA! Kitang kita ng dalawa nyang mata kung gaano ako nag hirap sa labor. Kitang kita ko din na mas inuuna nya paglalaro ng cellphone nya kesa hagurin yung balakang ko sa sobrang sakit na gusto ng mabiyak.
Masyadong makasarili! Hindi man lang iniisip yung gatas ng bata! Puro lang pasarap nasa isip. Gagawa gawa ng bata tapos magre reklamo. Hindi marunong magsakripisyo para sa anak nya. Ako, halos gabi gabi akong umiiyak nagdarasal na sana bigyan na ako ng gatas kasi kailangan ng baby ko. Na sana wag na laging umulan para maarawan ang baby ko. Na sana matapos na ang araw2 nyang antibiotic kasi sobrang sakit sa isang ina makita ang anak mong tinuturukan ng malaking karayom.
Na sana dinggin ng Panginoon na bawasan o kunin nya ako para madugtungan ang buhay ng anak ko at ng partner ko.
Tapos sya? Ayon, laro ng laro sa cellphone nya. Akala nya siguro yun ang magpapa buhay, magpapalamon, magbibigay saya, nagmamahal sa kanya.
Seeking your guidance, oh Lord!
Guide me in my decisions.
Cellphone.
Isang bagay na nakakasira ng relasyon.
Kalaban ko nung akoy nasa oras ng aking pagdadalang tao na hindi kayang maibigay ang buong atensyon at pagpapahalaga sa akin at sa aking anak dahil naka tutok sa cellphone.
Dahilan kung bakit gusto kong makipag hiwalay pero hindi ko magawa kasi mababaw lang ang rason.
Konti nalang iisipin kong wala na syang gana sakin. Parang nag sasama nalang kami ng dahil lang sa bata. Malungkot na ang relasyon namin hindi na katulad dati. Nawalan na ng sigla.
Mas gugustuhin ko sanang kaming dalawa nalang ng anak ko. Ok lang maging broken family basta importante masaya kesa naman buo pero nagsasaya sayahan.
Hihintayin ko nalang kung kelan sya magsawa sa akin at ma isipan nyang palitan ako. Sa ngayon, makikisama nalang muna ako hanggang sa bibitiw sya sa relasyon namin.
Note to self:
Hindi lahat pamilyang buo ay masaya yung iba pinipilit lang nilang maging kumpleto para lang masabing masaya. KUNG AYAW NA SAYO NG TAO, WAG MO NG PILITIN. HAYAAN MO LANG SILANG LUMAYO.
September 16, 2020
Wednesday.
Minsan sa buhay mapapaisip ka nalang kung tama ba mga nangyayari o baka nagi inarte ka lang. 🤣
Grabe. Andami kasing pagbabago.
Yung dati naming sweetness akala ko pag nagka anak kami mas lalo kaming magiging sweet.
Akala ko mas mauunawaan nya ako kasi nakita nya yung pinagdadaanan ko nung nagle labor at isinilang ko yung anak namin.
Akala ko mas irerespeto at igagalang nya ako.
Akala ko lang pala.
Kaya minsan napapaisip ako na kung pwede lang sana makipag hiwalay ginawa ko na kasi kaya ko naman mag isang buhayin ang sarili at anak ko. May stable akong trabaho. Magkaka sariling bahay na rin kaso napaisip din ako. Masyado namang mababang rason yun para makipag hiwalay. Di naman na ako bata para sa mga ganun lalo na ngayon at may anak kami. Baka kung nakipag hiwalay pa ako dahil lang sa rason na yun baka ako pa makaltukan ng kamag anak ko.
Masaya ba ako? Oo naman. May mga bagay lang kasi akong inaasahan na hindi nangyari kaya may halong lungkot.
Gusto ko lang naman sana na pag nagka anak kami mas lalo sana naming ipa kita kung gaano namin ka mahal yung isa't isa para yun yung makita ng anak namin. Kasi parang hindi yata yun yung mangyayari. :(
@
August 30, 2020
Sunday.
Hi, wala lang.
After ko mapag isip-isip sa mga nangyayare sa buhay ko ngayon, gusto ko lang ishare yung pananaw ko sa buhay MAG-ASAWA.
Kasalukuyan akong buntis ngayon. Araw nalang hinihintay para lumabas na yung pinakahihintay kong unang anak. Excited, sobra.
Nung nalaman na buntis ako (6months) nag decide kami ng partner ko na magsama na kami sa isang bubong para maasikaso at maaalagaan ako. Dahil nga kami ay magkasama na sa isang bubong may mga bagay bagay na nagparealize sakin. Maganda pala talagang mag Live in muna bago magpakasal, in my own opinion. Tsaka na magpakasal kung talagang handa na at kung fully committed na kayo sa isa't isa.
Dun mo kasi makikilala ang tunay na ugali sa isang tao pag magkasama na kayo sa iisang bahay e. 💯 LEGIT.
Eto yung mga example based on my own experience.
1. Nung bago palang kayo, malambing, clingy, sweet kahit san man kayo magpunta walang pakealam sa tao na makakakita kung gaano kayo ka sweet. Pero pag magkasama na kayo sa isang bubong HINDI NA.
2. Nung bago palang kayo, pilit ka nyang ipaglalaba kahit yung mga undies mo nilalabhan nya at take note namimilit pa syang labahan. Pero pag magkasama na kayo sa isang bubong PURO REKLAMO NA.
3. Nung bago palang kayo, pinapa kita nya sa ibang tao kung gaano ka nya ka mahal. Pero pag magkasama na kayo sa iisang bubong HINDI NA.
4. Nung bago palang kayo, pinagsisilbihan ka nya sa mga bagay bagay. Yung alam mong may concern sya sayo. Pero ngayon, MADALANG NA. tsaka nalang nya gagawin pag inuutusuan o pinasuyo mo.
5. At pang lima, nung bago palang kayo, hindi ka nya magawang sigaw sigawan sa maraming tao na ikinapapahiya mo. Pero ngayon, WAGAS KUNG SIGAWAN KA.
Yan yung mga ilang bagay na nakakapag realize sa akin kung sya na ba talaga? O baka kaya ko lang naisip to dala ng aking pagbubuntis?
Alam ko din naman na kahit sya ay meron ding nakikitang pagbabago sa akin. Kung maldita man ako na kilala noon, mas maldita pa nung magkasama kami.
Feeling ko wala naman masyadong nagbago sa akin kasi kung ano ugali ko nung bago palang kami ganun padin ugali ko hanggang sa magkasama na kami.
1. Hindi masyadong malambing.
2. Mainitin ang ulo.
3. Nag mumura.
4. Palautos.
5. Naninigaw.
6. Lasenggera.
Alam ko yung pangit kong ugali at alam nya din yun. Hindi naman ako nagpapakitang tao lang nung bago palang kami.
Madami din naman syang good sides. Pero bakit ganun tayong mga tao? Mas nangingibabaw sa atin yung mali ng isang tao? O kaya ko lang naisip to kasi nasasaktan ako lalo na dun sa pang lima. Minsan, mas gusto ko pa na hindi nalang nya ako pinanagutan o di magpakilalang ama ng anak ko kesa sigaw sigawan nya ako. :(
Malungkot lang ako kasi unti unti kong nakikita yung pagbabago nya. Tho ramdam ko parin naman na mahal nya ako at mahal ko din naman sya. Its just... Sad.
Naninibago. Nagpapakiramdaman. Sana makayanan ko.
I can't say NO. Because i asked for this. Still BLESSED :)
I observe more than you know.
When we first met, I am nothing. You gave me everything I could only have in my dreams. You gave my life new meaning. You made me feel worthy. Worthy to be loved, understood and you made me trust someone again. I found my new form; I found my new purpose, my only reason to live. I found my way out of my miserable self before. I found another reason to wake up each day. I found a reason to put a smile in my face again. When we dated, the smile on my face never faded. As I slowly turn you around me made you feel like a princess in our own castle. The things we do are surely weird but these things put smile on your face. I found a new reason to write love stories and poems for you, my dear. When we fought, it was a tragedy for me. I’m not quite sure how things might go or how it may end up somehow. I’m scared to let go of the one who made me feel whole again. I’m scared to let go of my only my happy pill, the sole reason of my happiness. I don’t want to feel anguish of committing mistake. I don’t want to let go of you. The only apple of my eye. Today, I lost my self again. I feel that there is a small void inside me, empty and longing. Looking for someone to fill the void inside me, I know this might take some time because some part of me lost its ability to trust. One thing is for sure, I’m going to keep my promises. See you when I see you, love.
Yung feeling na itatanong mo sa kanya na "may crush ka sa kanya diba?" Tapos sasagutin ka ng totoo tapos may papuri pa.
"Ang ganda kasi nya."
Tapos ikaw tong si gaga, support support ka pa pero deep inside nasasaktan at nagseselos na "oo nga noh? Ang puti pa."
"ang ganda pa ng katawan." Hirit pa nya.
Tapos wala ka ng magawa kundi manahimik nalang at kunwari masaya na nakangiti sa kanya kahit na selos na selos ka na.
Alam kong mali ..
Pero pag sa twing sinasabihan nya ako ng
"antaba taba mo na"
"ang lapad lapad na ng katawan mo"
"anlaki na ng bilbil mo. Paliitin mo nga yan"
Kahit na pabiro pang sinabi basta sya yung nagsabi, nasasaktan ako at ALAM KONG MALI pero hindi ko maisawang hindi maikumpara ang sarili ko sa babaeng gusto nya.
Minsan talaga sagad sa buto yung kamalditahan ko.
Di na mabbago yon.
Strong enough to push people away.
Hindi na ako magtataka kung darating yung araw na iiwan ako ng lalaking nagmamahal/magmamahal sa akin.
Yung feeling na OK lang kung iwanan ka. OK lang kung lokohin ka. Kasi ganyan naman ang takbo pag pumasok ka sa isang relasyon diba? Lokohan, iwanan. Naka ready na ako kung sakaling mangyari man sa akin at kung mangyari man, iyak at inum ng mga ilang araw tapos OK na ulit.
Hindi ko kailangan ng isang lalaki para maging masaya, may taga pag tanggol at kukumpleto sa akin.
Makagawa ka ng kasalanan sa akin, OK lang. Pero pag uulit ulitin mo? Kaya kitang iwan ng kahit anong oras, araw o taon.
Patawad kung mabilis lang para sa akin ang ilayo ang ko sarili saiyo. Patawad kung hindi ako yung tipong babaeng magmamakaawa.
Ganito ako ka TAPANG. Pinalaki akong MATAPANG.
Yung sinasabi ng kaibigan mo na KONTENTO nadaw sya sa buhay nya pero hindi naman yun yung nakikita mo sa kanya. WAG AKO. Mapagkunwaring nilalang.
Wag kang maghanap ng taong matapang na kayang ipaglaban. Hanapin mo yung taong kahit mahina pero kayang kaya kang ipaglaban.