Imbisibol.
Kahit di sabihin. Ramdam ko na ayaw niyo sakin.
Alam ko, pero di ko iniinda ang sakit.
Naisip ko,
Sana ako na lang talaga namatay.
Sana ako na lang nag nawala.
Sana, pero hanggang sana na lang.
Ang hirap. Anim na taon.
Anim na taong lumalaban, lumalabang mag-isa.
Lumalaban para mabuhay.
Kalinga, yun lang hanap ko.
Hinahanap matagal na panahon.
Ang hirap. Tang ina.
Kailan ko kaya mararanasan ulit?
Kailan nga ba?
Tumatanda ako mag-isa.
Kaibigan? Andiyan sila. Nakikiramay.
Dadamayan.
Pag uwi, balik sa dating muli.
Umaasa.
Umaasang may darating pa.
Darating, hindi para saluhin.
Darating para buhayin muli,
Ang sariling nakabaon, nawawalan ng pag-asa.
Ipaparamdam na may taong nagmamahal pa.
Ipaparamdam na tanggap ka mula ulo hanggang paa.
Ang sakit. Sobrang sakit na talaga.
Sa buong buhay ko.
Asa punto na ako na gusto ko mawala,
Na parang bula.
Asa punto ko ng buhay ko,
Okay lang siguro na mawala na ako.
Dahil sobra na. Parusa kung baga.
Hanggang kailan?
Tama na, hindi ko na kaya.
Durog na durog na ako.
Mula ulo gang paa.
---------
Oo, yan nga nararamdaman ko. Yang ang paulit ulit na pumapasok sa isipan ko. Kaibigan? Madami pero konti lang ang natira. Bilang na bilang sila. Nagmamahal? Ewan ko. Siguro meron. Napaka hirap. Walang nakikinig. Wala ka masabihan, kundi sarili mo lang. Konti lang makakaintindi. Kasi di nila naranasan. Dahil punong puno sila ng pagmamahal sa paligid nila. Minsan naisip ko, sana ako nalang nawala dahil wala masyadong apektado. Sana nagkapamilya ako ng maaga para di ko ramdam ang lungkot at sakit. Sana hindi ako niloko ng mga naging boypren ko para di ako nag iisa. Para mayron isang tao na nasa tabi ko. Nakakaintindi. Pasasayahin ako. Pero di sumangayon ang mundo. Kailangan ko mag-isa. Ang sakit.












