Project Felicity 128/365
May 8, 2013
Nakasanayan ko na kasing una ‘kong tinitignan ‘tong iPad ko tuwing umaga bago ang cellphone. Nakita ko yung tweets ni Jezzel bago ako nag-check ng phone at nakita yung sandamakmak niyang drama. Nagpapaalam na ang loko sa lahat. Akala ko pa naman din medyo hapon pa yung flight niya. ‘Wag ka ng malungkot. Babalik ka pa naman. Mamimiss ka namin, pero ayos lang ‘yan. Saglit lang na panahon ‘yan!
Tapos tinamad na naman akong pumuntang barangay dahil ayoko pang bumangon ng kama at kausap ko pa sa Twitter sila Mik-Mik, Mannie, at Ponso. Medyo malakas lang yung topak namin kanina. Medyo pa nga lang ba ‘yun?
Tapos pumunta na ‘kong barangay. Same routine, kung anong nangyari kahapon, ganun rin ngayon. Bukod sa wala kaming open forum ngayon at may dalawang problema ulit. Hello sermon na nama kami bukas!
Kanina naman nakasama ko si Che. Nanood kami ng basketball, tapos sinamahan ko siyang magpagupit. Shorty na rin siya! Akala ko nga magkakapareho na kami ng gupit eh. Medyo pakialamera kasi yung parlorista!














