Project Felicity 173/365
June 22, 2013
Medyo productive ‘tong araw na ‘to kahit na 11AM na ‘ko nakauwi galing sa bahay nila Janine. Doon na ‘ko nakatulog dahil bangag na ‘ko kagabi at ‘di ako makakauwi ng ganun kadungis. Napagalitan ako ng kuya ko pero chill na pagalit lang. Actually sinabihan lang ako na dapat daw nagsabi ako agad na mag-overnight ako. Feeling ko ‘di niya lang ako pinagalitan dahil birthday week ko.
Nagpunta kami sa tahian after ko maligo at kumain kasi kinuha na namin yung gown. Sobrang ganda lang niya! Excited na ‘kong isuot bukas! Tapos nagpahinga lang saglit dito sa bahay at nag-proceed naman sa pamimigay nung mga natirang invitations dito sakin. Sobrang productive ko ngayon!
Pumunta naman dito si Che Che (ayon sa aking magulang) at nagkwentuhan lang kami. Tamang trip lang naman dahil madami din kaming namiss na kwento.
Debut ko na nga pala bukas at kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit kaba ‘to at hindi excitement.














