Project Felicity Birthday Special 169/365
Pag-gising ko sabog agad yung notifications ko sa sobrang dami ng greetings. Nag-online lang ako saglit para i-like yung mga nauna. Maaga akong umalis ng bahay para magpaprint ng guest list at magpamigay ng invitations sa barangay hall. Medyo nakakatawa dahil walang nakakaalala sa barangay ng birthday ko bukod sa kapitan namin. Binati naman nila ‘ko nung narealize nila na ang saya-saya ko at mukhang birthday ko daw. Akala kasi nila sa 23 pa yung birthday ko.
Umalis na ‘ko ng barangay at dumeretso sa school. Pumunta muna ‘konng cafeteria para magpamigay ng invitations doon at para kausapin sila Patch. Medyo madaming bumati sakin sa school kumpara last year na mga kaibigan ko lang yung bumabati sakin. Nakakatawa pa ngang binigyan ko ng invitations yung tito ko sa school tapos yung kasama niya na ‘di ko kilala yung bumati sakin ng “Happy Birthday!”
Tapos pinuntahan ko na si Rozel sa SP. ‘Di talaga ‘ko papayag na ‘di ko siya makikita. Birthday ko tapos ‘di ko makakasama yung bruha na ‘yun? Kaya nilibre ko siya ng Milk Tea! Dagdag regalo ko na ‘yun dahil nagbirthday siya nung summer. Nakita namin si Christian kaya sumama na siya sa tambay namin sa bagong bukas na Bon Appetea sa school.
Medyo nalate ako ng ilang minuto sa class ko kaya kasama ako sa nag-perform. Kumanta kami ng A B C at Happy Birthday. Ang weird lang na kinantahan ko yung sarili ko. Tapos may dumating pa na mas late pa samin, binigyan ako ng oportunidad ni Ma’am na pumili ng gagawin niyang performance. Pina-act ko na lang siya. Banggitin ang “Happy Birthday” sa tatlong emosyon (malungkot, galit at sobrang saya). Nakakatuwa naman at nagawa niya ng ayos. Nung break naman namin nakita ko yung mga Ohwtistic sa may 3rd floor. Pinahawakan ko yung phone ko kay Emman at nagpasama kay Julius maghanap nung mga ‘di ko pa nabibigyan ng invitations. Pagbalik ko sa kanila bago na yung wallpaper ko. Hulaan niyo na lang kung ano.
After ng class na ‘yun may isa pa ‘kong class kay Sir Paeng. Sinabi nung classmates ko na “Sir! May birthday girl ngayon.” Nakakatawa na yung sagot ni Sir Paeng e “Manlilibre ka ba?” Naging masaya ‘tong class na ‘to para sakin kasi free kaming sabihin at gawin lahat ng gusto namin.
After class (7PM) hinintay ko si Jace na galing pang Batangas. ‘Wag daw akong aalis ng school hangga’t ‘di siya nakakarating. So naghintay ako sa SP at nagpalibre kay Pansit. Yung nilibreng fries sakin ‘yun lang yung laman ng tiyan ko buong araw. Sobrang late na kami ni Jace sa usapan naming mga Laguna bloggers sa SM Calamba kaya sa Pulo na lang kami nagkita. Buti na lang kasama ko yung NYIT Family at may payong silang dala. Umulan kasi bigla eh. Dumating si Jace ng ‘di ko alam kung anong oras pero basta late na kaming nakarating sa SM Calamba. Bad trip na yung ibang Bungishngish kaya nagkayayaan na talagang umuwi dahil 9PM na. Pero imbis na umuwi e kumain muna kami sa Lugaw Queen at nagkwentuhan. 11:30PM na ‘ko nakauwi sa bahay.
Mukhang puro good vibes ‘no? Nagkakamali kayo. Gabi before my birthday pinagalitan ako sa isang mababaw na dahilan. Umaga ng birthday ko pinagalitan ako ulit at ‘di man lang nila naalala na birthday ko. Pag-uwi ko pinagalitan na naman nila ‘ko. Ang sarap sa feeling ng regalo nila eh. Buti na lang binati ako ng 6cyclemind, ni Ruru Madrid at ng idol kong si Vincent Quilop. Good vibes na rin diba? Tsaka inulan din naman ako ng greetings kaya ayos na rin. Salamat sa inyong lahat. God bless you all.