Itigil mo na ang pag-iyak mo
Maaayos na rin ang lahat
Kunin mo na lang ang aking kamay
At hawakan mong mabuti
Aalagaan kita
Sa lahat ng nakapaligid
Naririto lang ako
Huwag ka nang umiyak
Sa ganyang kaliit
Ang lakas mo pala
Hahawakan ka ng braso ko
Manatilihin kang ligtas at maalinsangan
Itong bono sa pagitan natin
Di kayang sirain
Naririto lang ako
Huwag ka nang umiyak
Dahil naririyan ka sa puso ko
Oo naririyan ka sa puso ko
Mula sa araw na ito
Ngayon at magpakailanman
Naririyan ka sa puso ko
Kahit anuman ang sabihin nila
Naririyan ka sa puso ko parati
Ba’t ‘di nila kayang unawaan
Ang paraan kung pa’no tayo makaramdam
Ayaw nilang magtiwala
Sa ‘di nila kayang ipaliwanag
Pero sa mga loob natin
Hindi talaga tayo naiiba
At naririyan ka sa puso ko
Oo naririyan ka sa puso
Mula sa araw na ito
Ngayon at magpakailanman
Huwag mo silang pakinggan
Kasi ano alam nila (ano alam nila)
Kailangan natin ang isa’t isa
Para magkaroon, para magkahawak
Makikita na rin nila sa darating na panahon
Alam ko
Kapag tinatawag ka ng tadhana
Kailangang matapang ka (kailangang matapang ka)
Maaaring ‘di kita makasama
Pero kumapit ka lang
Makikita na rin nila sa darating na panahon
Alam ko
Ipapakita natin sa kanila!
Dahil naririyan ka sa puso ko
Oo naririyan ka sa puso
Mula sa araw na ‘to
Ngayon at magpakailanman
Naririyan ka sa puso ko
Kahit anuman ang sabihin nila
Naririyan ka sa puso ko parati
Parati
Sasamahan kita
Narito ako para sa ‘yo palagi
Palagi at parati
Luminga-linga ka lang
Luminga-linga ka lang
Luminga-linga ka lang
Nandiyan ako palagi