Handa
Handa na ko Bulong sa sarili bawat bisita sa mga lugar nating madalas puntahan. Handa na kong makasalubong ka ulit o makabangga Handa na ko kung makikita man kitang may kasama ng iba Kayakap o kahawak kamay Handa na ko, inihanda ko na ang sarili ko Inihanda ko na ang sarili kong nagpakilala sa kanya Handa na kong marinig kung sasabihin mo sa kanyang dati mo lang akong kaibigan o kaklase Handa akong ngumit at makipagkwentuhan ng tatlong minuto. Mula sa kamustahan hanggang sa salitang paalam. Ngingiti at walang pagsisisihan Tatawa habang pinipigil ang luhang pumapatak Bibigkasin ang salitang "bagay kayo" kahit pa ang nais sabihin ay "sana meron pang tayo" Handa na ko Kung pagkatapos magkita ay malalamang basag nanaman ako Mula ulo hanggang paa, mula puso hanggang sa pagkataong nakalimutan ko na. Handa na kong umiyak kung may luhang muling ipapatak Handa na kong madapa ulit para tumayo at mas maging matatag.


















