Ang unang babaeng inibig ni Okonkwo ngunit wala pa itong kakayahang hingin ang kanyang kamay sa kawalan ng doteng ibibigay. Napakasal siya sa iba subalit nagkaroon sila ng alitan ng kaniyang asawa na naging dahilan ng kanyang pagtakas at paglapit kay Okonkwo na noo’y may asawa na rin. Siya ay naging ikalawang asawa ni Okonkwo at sawimpalad na makapiling ang kanyang nagiging supling. Isa lamang ang nabuhay sa sampung sanggol na kanyang iniluwal. Kaya abot langit na lang ang saya niya nang sa kanila inatasang mamalagi si Ikemefuna na itinuring niya na ring parang tunay na anak. Labis rin and kanyang pagdadalamhati nang nalaman niyang kamatay ang inihatol sa kanyang “anak” na si Ikemefuna.
Hindi man nabuhay lahat ang mga anak ni Ekwefi, inilalarawan niya pa rin ang isang mabuting ina. Maalaga siya kay Nyowe at nagawa niya ring ituring na totoong anak si Ikemefuna. Sana’y marami pang ina ang katulad niya na pantay ang pagmamahal sa kanyang mga anak at sa mga anak-anakan.
Maligayang araw ng mga Nanay! :)