PAANO GUMAWA NG FRUIT SALAD?
Kailangan mo ng condensed milk, nestle cream, fruit cocktail, nata de coco, kaong, at kung ano pang gusto mong idagdag sa fruit salad mo.
Kumuha ka ng isang lalagyan kung saan mo ilalagay ang fruit salad. Bago mo ilagay yung fruit cocktail sa lalagyan, salain mo muna yung katas ng fruit cocktail. Oo tama, salain mo! Saidin mo nang saidin hanggang sa wala nang matira sa sarili nya. Pvnyeta ka, ibinigay nya na ang lahat sa’yo; halos wala nang natira sa sarili nya pero hanggang sa huli kulang pa rin? Ganun din yung gawin mo sa nata de coco at kaong. Tapos, ilagay mo yung condensed milk at nestle cream dun sa lalalagyan. Haluin mo. Haluin mo nang haluin, kasi ganyan ka naman talaga diba? Sanay ka nang pinaghahalo at pinagsasabay-sabay mo ang lahat kasi hindi ka marunong makuntento sa isa. At kung gusto mo, paglaruan mo yung fruit salad habang hinahalo mo ito kasi alam kong gustung-gusto mo ring pinaglalaruan yung damdamin ko kasi dun ka masaya. Pagkatapos mo haluhin, okay na yung fruit salad mo. Pwede mo nang ilagay at iwan sa freezer yung fruit salad. Iwan mo yung fruit salad dun sa freezer kagaya ng ginawa mo sa akin kasi lagi ka na lang ganun, iniiwan mo na lang ako kung kailan mo gusto. At ngayon na nasa freezer na yung fruit salad, magiging malamig na yun. Oo, magiging malamig yung fruit salad kagaya ng pagtrato mo sa akin araw-araw. Odiba? Ang sarap ng fruit salad. // (-l.m.l.b)








