Worst feeling ever, yung bigla nalang nagbago ang lahat sa inyo.
Dati palagi kayong magkausap, magkatext, magkachat, minsan nakikipag late night call pa siya sayo. Tapos bigla nalang nabawasan yung oras ng pag-uusap niyo. Hanggang sa madalang nalang kayong mag-usap. Hanggang sa ikaw na yung naghahabol para magkausap sayo.
Dati sapat naman yung mga effort na binibigay mo sa kanya. Yung atensyon, oras, pagmamahal at paglalambing. Pero bigla nalang naging kulang sa kanya ang lahat ng ginagawa mo. Hindi kana niya naa-appreciate. Hindi na din siya nage-effort para mapasaya ka.
Dati lahat ng oras niya binibigay niya sayo. Hindi siya nakakalimot na kumustahin ka, na i-remind ka na mag-ingat. At kung may bakante talaga siya, nakikipagkita siya sayo. Pero bigla nalang siyang naging busy ng walang dahilan. Ni hindi kana niya nakakamusta. Kapag lumalapit ka umiiwas siya. Kung dati sayo lang umiikot yung mundo niya, ngayon hindi mo na alam kung ano na mga pinagkakaabalahan niya.
Dati kuntento naman siya sa kung anong meron kayo. Masaya siya sa piling mo. Halos ikaw na yung bukambibig niya. Sabi niya nga sa sarili niya, "Mahal ko tong babaeng 'to." Pero biglang nagbago yung isip niya. Saan ka ba nagkamali? Saan ka nagkulang? Binigay mo naman lahat, pero bakit nagkaganito? Bakit bigla nalang siyang nang-iwan.