Hindi naman siguro ako lang yung nakakaramdam ng ganito.
yung ang lungkot mo sobra, pero hindi mo alam kung bakit. Wala kang maisip na dahilan. Yung hindi mo alam kung paano ka magiging masaya ulit. Yung mas gusto mo nalang matulog. Yung kahit kasama mo mga kaibigan mo nalulungkot ka parin. Yung tatawa ka pero alam mong minsan peke. Yung tahimik ka lang kasi ang lungkot ng pakiramadm mo. Yung dinadaan mo nalang sa pagkain ung kalungkutan mo. Nagawa mo ng magsoundtrip at magpagulong-gulong sa higaan mo pero hindi mo parin alam kung paano ka sasaya.
Yung pakiramdam mo na sobrang ang lungkot mo, alam mong may kulang sayo. Gusto mo na sabihin ito sa isang tao pero alam mong hindi ka nila maiintindihan kaya sinasarili mo nalang. Sinusubukan mong kailmutan nalang yung nararamdaman mo pero mas lalo kang nalulungkot. Yung hindi sapat na akala mo yun ang gusto mong gawin kaya ginawa mo, pero hindi ka rin sumaya. Basta yung pakiramdam na kulang ka, pero hindi mo alam kung paano mapupunan yun.
Yung naguguluhan ka na sa sarili mo. Hindi mo alam kung anong dapat ng gawin. Kaya ang nagagawa mo nalang umiyak at magdasal at matulog. At umasa sa paggising mo, sana okay na lahat.















