minsan hindi naman masama ang mapag isa, mag muni muni at ienjoy ang kapaligiran. isang hapon naglalakad ako sa lungsod ng makati galing sa sinehan at pauwi na sana nang mapansin ko ang ganda ng hapon, minabuti ko muna mag lakad ng dahan dahan at pagmasdan ang kapiligiran, habang nag lalakad unti unti akong nag rereflect sa aking sarili, parang sa unang pagkakataon nakaramdaman ako ng totoong kalayaan. umiihip ang hangin sa aking pag iisa, tanging ligaya at kapayapaan ang aking nararamdaman, malayo sa gulo, problema, trabaho, at responsibilidad. bawat hakbang ko hindi ko mapigilan na humanga sa mga gawain ng ating Dyos, isang tahimik na hapon na may magandang sinag ng araw na tumatama sa mga puno at gusali. nagpag pasyahan ko na dito muna ako mag palipas ng hapon kaya tumungo ako papuntang ayala triangle at doon muna magubos ng oras. habang nag lalakad ako meron isang babae, kung iniisip mo na nagkausap kami at nag kakilala, nag kakamali ka. pero bakit ko siya nabangit? kasi may nakakatuwang pangyayari ang naganap, habang akoy nag lalakad ng dahan dahan siya naman ang bilis nya na para bang may hinahabol na tao, nauna na xa sa paglalakad sakin pero bigla siyang huminto bago umakyat at lumabas ng underpass dahil may kinausap siya, hindi ko lang alam kung siya yung nag tatanong o siya yung tinatanungan, hindi ko na inalam pa at akoy nag patuloy sa aking pag lalakad at nilagpasan siya mga ilang minuto pa ang lumipas nakarinig ako mula sa aking likod na may mabilis na naglalakad lumingon ako at nakita siya nag patuloy sa kanyang paglalakad, agad agad naunahan na naman nya ako sa paglalakad hanggang sa mag kaiba na kami ng dinaan, bumababa ulit ako sa underpass at tumawid samantala siya ay kumiliwa na sa kanto. patuloy ako sa paglalakad at nakita na kailangan ko ulit dumaan sa underpass para tumawid, nang baba na ako sa underpass nagkasalubong ulit kami nung babae at nalaman ko na baba din pala siya, naisip ko siguro umikot pa ito sa kabilang daan para makapunta dun sa isang underpass, nakakatuwang isipin na sa bagal ng lakad ko at bilis na lakad nya nagkasalubong pa kami, siguro malayo ang kanyang inikutan. paakyat na ako ng underpass may dalawang daan kaliwa at kanan, nakita ko na kumanan na yung babae at nasabi ko sa sarili ko ito ang huling beses na makikita ko siya habang tinahak ko naman ang kaliwang daan at umakyat na, nakarating na ako sa ayala triangle, naglakad lakad pa ako ng onti pinag mamasdan ang mga taong ineenjoy ang hapon, kaysayang tignan may mga nag pi-picnic, naglalarong pamilya, may mga mag totropa na jajamming, may nag liligawan, may nag pho-photoshoot, may mga nag papalakad ng kanilang aso at marami pa, ang saya sa pakiram na kahit na sa kabila ng mga nangyayari sa mundo hindi masama na huminto muna at magpahinga at mag enjoy, nakakatuwa rin na sa habang paglalakad ko eh binubuo ko na ang mga salitang gagamitin ko para sa meryenda na iihain ko sainyo. matapos ko maikot ang parke naisipan ko muna umupo upang mas makapag isip pa ako ng mga storya na pwede pang mabuo sa hapong ito at habang hinihintay ang pag lubog ng araw, mya mya pa nakarinig na naman ako ng mabilis na paglalakad nang lumingon ako sa aking kanan muli ko na naman nakita yung babae at sa pagkakataon na ito nag salubong ang aming mga tingin pero split seconds lang, dahil parang may hinahanap siya at madaling madali na siya, nang sinundan ko siya ng tingin napansin ko huminto muna siya at tinitignan ang paligid, sa kabili ng kanyang pagkalito hindi nag tagal hinugot nya ang kanyang phone sa bag at may binasa na text, mya mya pa muli siya naglakad pero sa pagkakataong ito dahan dahan na, habang papalapit siya sakin akala ko magtatanong siya sa akin o kaya tatabi sa kinauupuan ko at kakausapin ako pero hindi nagyari iyon at nilagpasan lang ako, (ang dami ko talaga naiisip na bagay) di nag tagal nakita rin nya ang kanyang hinahanap at pumasok sa isa sa mga kainan sa lugar. natawa nalang ako sa sarili ko dahil sa ilang beses namin na pag kakasalubong at pinag kaiba ng daan sa parehas lang pala kami na lugar pupunta at kung nag karoon lang ako ng lakas na loob upang tanungin siya kung naliligaw ba siya edi sana hindi na siya nag paikot ikot pa. makalipas ang ilang minuto muli ko siyang nakita at lumabas na sa pinasukan nyang kainan at nakita ko may kasama siya akala ko tropa ang kanyang kinita pero napansin ko isang lalaki lang, kaibigan siguro o ka ibigan hindi ko alam at wala na ako balak pang alamin pa, natuwa lang ako sa mga pangyayari na naganap, isang maliit na pangyayari lang na wala naman talagang kinalaman sa buhay ko pero masasabi kong isang magandang pangyayari na nagbigay sakin ng aliw at kasihayan. onti onti ng lumulubog ang araw at dumi dilim tumayo n ako sa aking pag kakaupo at sinimulan na paglalakad patungo sa sakayan. oras na para umuwi.