Uyy, May Pasok na sila Bukas!
Karamihan ng mga estudyante ngayon, hindi matanggap na maguumpisa na nga ang klase bukas. Siguro, nabitin sa bakasyon at naghahanap pa ng extension. Pero may iba naman gustong-gusto nang pumasok. Excited makita uli friends nila. Excited na mag-aral. At ang namiss mo noong bakasyon kahit hindi mo aminin -ang ALLOWANCE mo.
Samantalang kami, katulong pa rin sa bahay paggising bukas ng umaga. Magluluto. Mag-uurong. Maglilinis ng Bahay. Yan lang naman ang gawain ko nitong bakasyon. Parang daily routine ba. Kaya namimiss ko na ring pumasok. Dahil na rin sa allowance at gusto ko na rin mag-aral kahit papano (good boy ba?). Parang kinakalawang na kasi utak ko eh. kailangang mahasa hanggat bata pa. Kasi habang tumatanda, pumupurol.
Pero ang blog na to ay hindi tungkol sa excitement sa pasukan. Kundi tungkol sa excitement ko bukas. Lalabas na kasi schedule naming mga Internal Auditing sa portal! Excited ako kasi sa wakas malalaman na rin namin. Ang tagal tagal namin tong hinintay. And, Im hoping na maganda ang schedule ko. Nasilip ko kasi mga block sections na ibibigay. Grabe, ang papangit ng schedule. Tapos, ang aga aga pa ng iba. Ayoko pa naman ng 7:30 class. Nakakatamad kayang bumangon. Mas gusto ko na yung panggabi na klase kaysa sa umaga.
Kung papipilian lang talaga ako ng schedule, target ko ang pang gabing classes. Tutal, malapit lang naman inuuwian ko sa FEU. Onting lakad lang naman nasa bahay na ako. Nasanay na kasi ako sa schedule ko last sem na panggabi ako. Kaya nasanay na rin akong maging nocturnal. Pero hindi eh, ang department namin ang mag-iischedule sa amin. Special daw kasi kami masyado. Haha,joke. Kaya no choice kaming tanggapin kung ano ang ibinibigay. Pero kahit ano pa man schedule ko, excited na excited na akong malaman at excited na rin akong pumasok! :)))